Jane's POV
Napangiti si Jane nang makita si Kaleb na naglalaro kasama si Daddy Rey at Lolo Ino. Malapit kasi ang anak niya sa dalawa. Naaaliw naman ang dalawang matanda sa anak niya. Sabi pa nito na parang bumabata ang mga ito kapag si Kaleb ang kasama.
Masaya siya dahil lumaking bibo at masayahin si Kaleb. Hindi rin ito spoiled dahil binibili lang niya ang gamit na kailangan nito. Pero kung minsan ay nagpapabili ito ng mga laruan ay binibili rin naman niya. Pero kapag nasobrahan na ay nakikinig naman ito sa kanya.
Lahat ng mga taong nakasasalamuha ng anak niya ay gumagaan agad ang loob ng mga ito dito. One of the crowd, ika nga. Madali lang para dito ang maghanap ng kaibigan. Marunong din itong makisama.
"Lolo, it's now your turn to shoot! Go, Lolo Ino!" Sigaw ng anak niya habang nagchi-cheer kay Lolo Ino. Naglalaro ang mga ito ng basketball. Sabado ngayon at walang pasok kaya andun sila sa mansyon ng mga Santiago.
Nag-dribble muna si Lolo Ino at initsa ang bola pero hindi nito natamaan man lang ang ring.
"Ano ba iyan, Papa! Galingan mo naman!" Kantyaw ni Daddy Rey sa ama nito.
Napailing naman ang isa at napakamot sa batok. "Matagal na kasi akong hindi nakapaglalaro ng basketball.
Humagikhik naman si Kaleb at niyakap ang baywang ni Lolo Ino. "It's okay, Lolo Ino. It's my turn now." Sabi naman ni Kaleb. Binigay ni Lolo Ino ang bola dito.
May maliit na ring na pambata ito sa tabi lang ng malaking basketball ring. Malaki ang bola para dito pero alam niyang kaya yun ni Kaleb. Gusto kasi nito ang basketball.
Nag-dribble ito ng mahina at nginitian muna ang dalawa bago nag-shoot. Pasok sa ring ang bola.
"Wow! Give Lolo Daddy a high five," Sabi ni Daddy Rey at nakipag-'high five' naman si Kaleb dito. Kinusot naman ni Lolo Ino ang buhok nito.
"Mukhang may pinagmanahan," Biglang sabi ni Mommy Anna sa kanya. Napatingin naman siya at ngumiti ng malungkot.
"Oo nga, My." Mahinang sabi niya dito.
Narinig naman niya itong bumuntong-hininga. "Kailan mo ba balak sabihin kay Ryan ang tungkol kay Kaleb, hija?" Tanong nito.
Mapait siyang napangiti. "Kapag nakita ko siya ulit. Makikipag-usap na ako sa kanya ng matino. I'll just pray na hindi kami mauunahan ng pag-aaway." Sabi niya.
"I'll also pray, hija. Sana nga mabuksan na ang pag-iisip ni Ryan ngayon." Anito.
"Ano 'to? Family Reunion?" Biglang narinig nila na kadarating lang.
Napalingon naman sila lahat sa nagsalita. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makita si Ryan na na nakasandal sa patio door. Lumipat naman agad ang tingin niya kay Kaleb. Patuloy pa rin ito sa paglalaro. Pero si Daddy Rey at Lolo Ino naman ay napatingin rin sa kanya.
"Ready na ang merienda!" Sigaw naman ni Ate Rach. May hawak itong isang platong freshly-baked cookies. Naglapitan naman si Aster, Nikka, Red at Joshua, mga anak ni Kuya Rupert at Ate Christie. Lumapit rin si Kathy at Arthur na anak naman ni Ate Rach at Kuya Damien.
"Kaleb! Let's eat," Yaya naman ni Joshua at Arthur kay Kaleb. Ngumiti naman ito at kumain kasama ang mga pinsan.
Napatingin naman si Ryan kay Kaleb. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa mukha nito. Dumoble naman ang kabang nararamdaman niya nang dumako ang tingin nito sa kanya. His eyes were full of questions.
"Ryan, Jane, Ino and Rey. Let's go inside," Sabi naman ni Mommy Anna. Sumunod naman sila dito. Pero bago siya makapasok sa loob ng mansyon ay bumulong si Ate Rach sa kanya:
"Ako na bahala kay Kaleb. Don't worry, we got your back." Anito. Tumango rin si Kuya Rupert at Ate Christie sa kanya.
Pinagpapawisan na ang mga kamay niya. Pumasok sila sa study room. Tahimik ang lahat. Walang nagsasalita sa kanila. Ilang sandali lang ay tumikhim si Lolo Ino.
"Ahmm... Ryan-" nagsisimula na sana itong magsalita pero biglang sumabat si Ryan.
"Who's that kid?" Tanong nito.
Napapikit siya. Hindi siya pwedeng magsinungaling dito.
"I'm Kaleb's mom." Sagot niya at tumingin nang deretso sa mga mata nito. Dahan-dahan naman itong lumapit sa kanya. Napayuko siya nang huminto ito sa tapat niya.
"Nakuha mo talagang magpa-buntis sa kanya?" Nanginginig sa galit nitong sabi.
"Ryan!" Sabay-sabay namang sabi ni Lolo Ino, Daddy Rey at Mommy Ana.
Napakagat siya sa labi. Pilit niyang binabalik ang luha na gusto nang kumawala sa mga mata niya. Nangangati na rin ang kamay niya. Gusto niyang sampalin ito.
"Natahimik ka? Sino'ng maniniwala sa'yo, Jane? I don't wanna see you. Baka kung ano lang ang magawa ko sa'yo. Baka masaktan lang kita." Anito.
Isa-isa nang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Kusa na ring tumaas ang mga kamay niya at nasampal niya ito ng ubod lakas.
"This is why I didn't want to let you know. I don't want Kaleb to get hurt. Nasasaktan ako ngayon para sa anak ko, Ryan. Alam kong hindi mo siya kikilanin." Sabi niya.
Ryan smirked. "You expect me to believe you? Sinungaling ka talaga. Napaka-sinungaling mo!"
Nagtaas siya ng kilay. "Go out. Look at him. Look at Kaleb and tell me you're not his father. Kapag sinabi mong hindi mo siya anak, ako na mismo ang lalayo at hindi na ako magpapakita." aniya.
"Jane, please no." Sabi naman ni Mommy Anna.
Hindi siya nagsalita.
"Hindi ko na kailangan pang pumunta dun para masabing hindi ko siya anak," Sabi nito.
\
Tumango siya. "Sige. I couldn't force you to believe me. Pero sabihin mo, sa tingin mo ba, imposibleng magkaanak ka sa akin?"
Natigagal ito. Ilang minuto niyang hinintay ang sagot nito.
Mapait siyang napangiti. Paalis na sana siya nang magsalita ito.
"I want an annulment."
Natutos siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga binti.
"Don't say that, Ryan." Sabi ni Mommy Anna.
"Ryan, huwag mong gawin yan." Sabi ni Daddy Rey.
"I could give your son my name. Pero gusto kong maghiwalay na tayo." Hindi ito nakinig sa sinabi ng mga magulang nito. Nilampasan siya nito at lumabas na sa study room.
Nilapitan siya ni Mommy Anna at niyakap siya.
"We'll fight, hija." Anito.
Napayakap siya dito at napahagulhol. "Ano pa po ba ang ipaglalaban ko, Mommy? Wala na. Ayoko na. Ang sakit-sakit na. Ayokong malaman ni Kaleb ito. Masasaktan siya. I don't want him to get hurt. Please... let me go, Mommy. Hindi ko naman po ilalayo si Kaleb sa inyo." Aniya.
Hindi na ito nagsalita pa at niyakap lang siya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak sa bisig nito.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...