Chapter Seven - Don't you Wifey me!

16.9K 365 8
                                    

Dalawang subjects na ang natapos ni Jane at oras na para sa lunch break. Nagtext na siya sa mga kaibigan niya na maghihintay lang siya sa canteen. Gutom na kasi siya eh.




*2 messages received




Binuksan niya ang unang message, galing iyon kay Aimy:



Janeeeyyyyy! Oh My God! 30 mins pa bago matapos ang Literature ko pero gutom na ako! Ughh, I can't wait! Kapag kasama mo na sila Stacey, please order for me also. Thanks! Love yah! Mwaaa




Napangiti siya bago ni-replyan ang kaibigan ng 'okay'.





Binuksan naman niya ang pangalawang message. Napakunot noo siya, galing iyon sa isang unregistered number




Where are you?





Dahil hindi naman ito nagpakilala kung sino ito, pinindot niya ang 'delete message' sa options.





Nang makarating siya sa canteen ay umorder naman siya agad ng lasagna at dalawang toasted bread. Umorder rin siya ng Red Iced Tea. Mamaya na lang ang para kay Aimy. Ipapabili na lamang niya ito kina Stacey.




"Sa wakas!" Mahinang sabi niya bago nilantakan ang pasta.




Nangangahalati na siya sa kinakain niya nang may isang tupperware na ibinagsak sa harapan niya.




"Ano ba ang problem—" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil isang galit na mukha ni Ryan ang nakita niya.




"Galing kay Mommy 'yan, pinabibigay sa'yo." Sabi nito.





Napalunok naman siya. "Pakisabi sa mommy mo, thank you." Aniya.



Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon