Jane's POV
Nanginginig ang mga kamay ni Jane habang binabasa ang sulat galing sa korte. Hindi niya akalain na dalawang buwan lang ang proseso ng annulment nila. Ang alam niya ay aabuting ng isa, dalawa o tatlong taon iyon kasi yun ang narinig niya sa iba. Iba talaga ang mga mayayaman. Napapadali ang lahat.
"Ate, may bisita ka." Sabi sa kanya ni Justin. Tumango na lang siya at lumabas na ng kwarto niya. Nakatulog na kasi si Kaleb sa pagod. Kanina pa kasi ito naglalaro ng basketball.
Dala pa niya sa kamay ang envelope. Wala siyang maramdaman. Dapat masaya siya dahil laya na siya. Hindi na siya nakatali sa isang relasyon na noon pa man ay wala nang matibay na pundasyon. Pumanaog siya at pumunta sa sala.
Natigilan naman siya ng makita kung sino ang naghihintay sa kanya.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Ryan sa kanya.
Sinabi niyang sumunod ito sa kanya. Mas mainam na sa labas sila mag-usap. Baka kasi magising pa si Kaleb at marinig silang dalawa.
"Ano ang gusto mong pag-usapan natin?" Walang emosyon na simula niya dito.
Napa-buntong hininga ito bago tumingin uli sa kanya. "I was there last week. I was at the Church during Stacey's wedding. Kaibigan ko ang pinsan niya."
Napatingin naman siya dito bigla. Hindi niya inaasahan iyon. Bumangon ang hinanakit at galit niya dito. Pero pinigilan niya ang sarili.
"So, ano na naman ngayon?" Sabi niya. Wala nang kwenta ang sinabi nito. Hindi na naman sila kasal.
"Jane, I'm sorry. If I knew earlier, kung sinabi lang sana ni Franco sa akin ang tungkol dun ng mas maaga..." Anito.
Mapakla siyang natawa. "Nakakatawa ka. Hindi mo man lang naisip? Matagal ko nang sinabi sa iyo na wala kaming relasyon ni Kuya Matt! Pero hindi ka naman naniniwala di ba? Binigay ko lahat sa'yo, Ryan! Puso ko, kaluluwa ko at kahit katawan ko inilatag ko dyan sa harap mo! Pero ano'ng ginawa mo? Minahal kita, Ryan. Minahal kita nang sobra-sobra at hindi ko deserve lahat ng ginawa ko. Naging totoo ako. Totoo ang pagmamahal na binigay ko sa'yo." Puno na ng luha ang mga mata niya. Kailangan na niyang ilabas ang lahat ng nararamdaman niya. Kailangan na niyang ilabas iyon.
"I'm sorry. Hindi kita pinaniwalaan. Naging selfish ako at hinayaan ko kayo ng anak natin na malayo," Sabi nito.
Umiling siya. "No! Kaleb's not yours! He's only mine. Noong una pa lang tinalikuran mo na siya. Nung sinabi ko sa'yo ang tungkol sa kanya, tinalikuran mo pa rin siya. Hindi ko na hahayaan pang saktan mo siya ulit. Napakabait ng anak ko, Ryan. Wala siyang ginawang masama sa kahit na sino kaya walang sinuman ang may karapatan na saktan siya!" Sigaw niya.
"Pero ako pa rin ang ama ni Kaleb." Mahinang sabi naman nito.
"Hindi! Napa-walang bisa na ang kasal natin, Ryan. At kasama ng paghihiwalay natin, nawalan ka na ng karapatan pa sa anak ko."
"Please, Jane." Sabi pa rin nito.
"Yes, you might be his father. But you can never be his dad." Pinal niyang sabi dito.
"Mom?"
Nanigas siya sa kinatatayuan niya.
"Mom? Is he my father?" Inosenteng tanong nito at lumapit sa kanya. Humawak ang maliliit na kamay ni Kaleb sa kamay rin niya.
"Mom, why are you not saying anything? Why are you crying? I don't wanna see you cry!" Sabi nito at umiiyak na yumakap sa kanya.
Niyuko niya ito. Yumakap din siya dito at hinimas ang likod nito.
"Don't cry, Kaleb. Mommy's fine. Why are you awake already?" Tanong niya.
Tumigil naman ito sa pag-iyak at tiningnan siya. "It's because you were in my dreams. You said, you'll leave me. So I woke up and then you're not anymore by my side. I thought it's true. That's why I looked for you around the house. But I found you here." Sagot nito.
Napangiti siya. "Those are just dreams, Kaleb. They're not true and they will never be true. I will never leave you. Mommy will always stay with you no matter what happens." Sabi niya.
Tumango si Kaleb. "Yes, mom. I will always be here with you forever. If only dad is here with us. Mom, when will he come back? When would the Jurassic war end? Is daddy still fighting the dinosaurs to protect us?"
Natigilan siya at tumingin siya kay Ryan. Nakita niyang may luha na rin sa mga mata nito.
Kaya mo ba talagang ipagkait sa anak mo ang isang ama, Jane? Tanong niya sa isip.
Napatingin siya uli sa anak niya. Humawak siya ng mahigpit sa braso nito.
"No, he's back. He already won against the dinos. He's already here with us now," Sabi niya.
Bigla naman itong napangiti at agad na tumingin kay Ryan. "Is he really my father?" Tanong nito. Nagpalipat-lipat naman ang tingin nito sa kanya at kay Ryan.
Lumapit si Ryan at lumuhod sa harapan nito.
"I'm here, Kaleb. I'm Ryan Louis Santiago, and I'm your dad." Pakilala ni Ryan dito.
Nakita naman niya na parang natakot si Kaleb at yumakap uli sa bewang niya.
"Kaleb, I thought you already wanna see your father? Go," Sabi niya. Unti-unti namang lumuwang ang yakap nito sa kanya. Tumakbo ito papunta kay Ryan at niyakap ito. Sabik ding yakap ang ganti ni Ryan dito.
"It's so nice to finally see you dad! Did the dinos hurt you? I wish you waited for me to get bigger and stronger so that I could help you. We could both protect mom." Sabi ni Kaleb.
Tumingin naman si Ryan sa kanya habang tinatapik ang likod ni Kaleb.
"We could do that, Kaleb. We could protect mom but minus the dinos, of course."
Narinig naman niyang humagikhik si Kaleb.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...