Chapter Thirty Seven - Bringing Back Memories

13.3K 196 2
                                    


Jane's POV


Nawala ang ngiti ni Jane nang malaman niya kung saan sila magbabakasyon. Hindi kasi sinabi sa kanya ni Ryan iyon kanina, sabi lang nito 'sorpresa' daw.


Nakasakay na sila sa isang private jet. Narinig lang niya sa piloto ang destination nila. Bigla naman siyang napatingin dito. She looked at him with a question on her face. Alam niyang alam ni Ryan ang gusto niyang ipahiwatig pero mukhang nagmaang-maangan ito. Ryan only smiled at him.


"It's so nice to be in a jet, daddy!" Sigaw ni Kaleb na nakaupo sa gitna nila.


Malakas kasi ang ugong ng jet dahil papalipad pa lamang ito kaya sigaw ng sigaw si Kaleb sa kanila.

"Yes, Kaleb. Sige, mag-enjoy ka lang," Sabi ni Ryan dito. 


Halos dalawang oras din ang biyahe nila pero hindi niya nakitaan ng pagkabagot si Kaleb. Ngiting-ngiti pa rin ito habang minamasdan ang tanawin sa ibaba. Nakasandal na nga ito sa kanya.


"Mommy, have you been in Palawan?" Tanong ni Kaleb sa kanya. Pababa na ang eroplano kaya nawalan ng balanse si Kaleb.


Dali-dali naman niyang hinawakan ito pero ganun din pala ang ginawa ni Ryan. Na-sandwich tuloy si Kaleb sa kanila.


"Oops! Sorry, Kaleb." Sabi niya at bumitaw. Umayos naman ito sa pag-upo pero nakangiti pa rin.


"It's okay, mom." Anito.


Nang tuluyan ng huminto ang jet plane ay tumayo na sila. Lumabas naman ang isang stewardess at inalalayan sila sa kanilang mga gamit. Nang makababa sila sa eroplano ay sumalubong sa kanila si Tessy, ang Operations Manager ng resort.


"Good Noon, Sir Ryan and Ma'am Jane. And of course sa'yo rin little boy, kumusta naman po ang naging biyahe ninyo?" Magiliw na tanong naman nito sa kanila.


"Hello!" Sabi ni Kaleb.


Natawa naman sila. "Mukhang okay ang biyahe ninyo dahil smiling si little boy. What's your name?"


Ngumiti si Kaleb dito. "My name's Kaleb. Nice to meet you, Tita Tessy." Sagot nito.


"It's my pleasure, Kaleb. Are you ready? Sumakay na po tayo sa club car." Anito sa kanila.


Sumunod naman sila dito. 


Sampung minuto naman ang itinigal nila dun. Namangha siya habang tinitingnan ang mga tanawin dun. Lalo pa kasi iyong gumanda magmula nang una siyang nakapunta dun seven years ago. Marami nang mga villas at may dalawang bagong hotel building na rin. Isang open space kasi ito noon.


"You liked it?" Tanong ni Ryan ng makababa sila.


Tumango siya. "Oo naman. Marami nang ipinagbago. I liked it before but then I loved it now. Everything looks modern pero hindi pa rin nawawala ang pagiging environment-friendly ng lugar." Sabi niya.

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon