Jane's POV
Winter snow is falling down
Children laughing all around
Lights are turning on
Like a fairy tale come true
Sitting by the fire we made
You're the answer when I prayed
I would find someone
And baby I found you...
Naluluhang pinagmasdan niya si Stacey habang naglalakad ito sa aisle. Hindi niya akalain talaga na magkakatuluyan ito at si Kuya Matt. Inamin sa kanya ni Stacey noon na crush niya ito. Naging professor din ni Stacey si Kuya Matt sa GU kaya hindi pwedeng maging ka-relasyon sila. Bawal ang teacher-student relationship kaya hindi magawang ipakita ni Stacey ang nararamdamang feelings para dito.
Kahit malayo siya sa mga kaibigan niya ay nagagawa pa rin naman nilang mag-chat sa FB at mag-video call sa Skype.
Nang gumraduate si Stacey ay nagulat itong may dalang flower bouquet si Kuya Matt. Doon na nagsimula ang pag-iibigan ng mga ito.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Sammy sa kanya.
Nilingon naman niya ito. Nakita rin niya ang pag-aalala sa mga mata ni Aimy na katabi lang nito. Nginitian naman niya ang dalawa.
"Okay lang ako no. Naiiyak lang ako kasi finally, magiging misis naman si Stacey. Kayo? Kailan niyo balak magpakasal sa mga boyfriends ninyo?" Balik tanong niya sa mga ito.
Napangiti naman ang dalawa. Si Sammy ay naka-base na sa New York. Photographer ito ng isang sikat na magazine. May boyfriend itong na isang Irish Model. Si Aimy naman ay sa London kasama ang buong pamilya nito. May column ito sa isang Brit-Fil newspaper. British-Filipino naman ang boyfriend nito na isang Doctor.
"Naghihintay lang naman kami ng proposal." Sagot ni Aimy sa kanya.
Tumango na lang siya sa mga ito.
Mabuti pa ang mga kaibigan niya. Masasaya sa mga lovelife. Normal lang kasi ang takbo ng buhay para sa mga ito. Siya, maagang ikinasal, maaga ring nagkaanak. Hindi naman niya pinagsisihan ang mga nangyari sa buhay niya. Lalo pa't bunga si Kaleb niyon.
Napangiti naman siya ng makita ang anak na nasa unahan. Bible bearer kasi ito sa kasal.
"Ang cute talaga ni Kaleb, bru. Ganda ng genes." Sabi ni Sammy.
"Oo nga. Naku pag nagka-baby kami ni Nico, sana kasing cute rin nito." Sabi naman ni Aimy.
Natawa na lang siya. "Ang daldal natin. Tumahimik na kaya tayo. Magsisimula na." Aniya.
---------------------------------------------------------------------------
Ryan's POV
Nagulat si Ryan ng makita ang bride na naglalakad sa aisle. Familiar ang mukha nito pero hindi niya mawari kung sino ito. Nakakunot na nga ang noo niya.
"Ang ganda talaga ni Stacey." Sabi ng nasa likod niya.
Andun kasi siya sa kasal ng pinsan umano ni Franco, kaibigan niya. Car dealer ito at nang bumili siya ng sasakyan dito four years ago ay naging mag-kaibigan na sila.
"Pare, sa GU ba nag-aaral ang pinsan mo?" Tanong niya dito.
Nilingon naman siya ni Franco. "Oo. Pano mo alam? Ay, taga-GU ka rin pala. Mass Comm ang course niya." Sagot nito.
Nag-isip siya.
Nanigas siya ng makilala na niya ito.
Imposibleng...
Agad naman siyang tumingin sa kabilang bahagi ng simbahan. Inisa-isa niya ang mga babae sa kabilang upuan. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita si Jane. Katabi nito ang dalawang kaibigan nito. Naaalala na niya. Si Stacey ang bride at ang katabi ni Jane ay sina Sammy at Aimy. Bigla naman nag-shift ang mga mata niya. Tumingin siya sa groom.
"Matt?" Sabi niya.
Si Matt nga iyon.
.
.
.
.
"Okay ka lang, pare? Ba't parang namumutla ka?" Tanong ni Franco sa kanya.
"Excuse me, Franco. Kailangan ko munang lumabas." Aniya at naglakad palabas ng simbahan.
Pumunta siya sa parking lot at nilapitan niya ang kotse niya. Sumandal siya dun. Paanong nangyari na ikinakasal si Stacey sa Matt na yun? Di ba may relasyon si Jane at si Matt?
"Pare, ano bang nangyayari sa'yo?" Sigaw ni Franco. Sinundan pala siya nito.
"Bakit ikakasal ang pinsan mo sa Matt na yun?" Hindi niya mapigilang itanong dito.
Nagtaka naman ito. "Kilala mo ang pinsan ko at ang mapapangasawa niya?" Tanong nito.
Tumango siya. "Oo. Kaibigan ng asawa ko si Stacey. Kilala mo naman si Jane di ba? Naging kabit ng asawa ko yang Matt na yan!"
"Ano? Kabit? Paano nangyari yan? Alam ng buong pamilya namin ang lovestory ni Stacey at Matthew. Naghintay si Matt ng halos dalawang taon para maligawan lang si Stacey. Alam din namin na crush ni Stacey si Matt na naging professor naman ng pinsan ko. Bawal ang relasyon sa pagitan ng studyante at teacher. Nang grumaduate si Stacey ay niligawan agad nito si Stacey. Saksi kami sa pagmamahalan ng dalawang yun. Kilala ng mga magulang ni Stacey si Jane. Walang relasyon ang asawa mo kay Matt, pare. Imposible yun." Anito.
Naikuyom naman niya ang kamao at sinuntok ang hood ng kotse niya. Sinipa rin niya ang gulong.
"Damn! Shit! Fuck!" Sigaw niya. Hindi niya mapigilan ang sarili.
Nagkamali ba talaga ako? Tanong niya sa isip.
A/N:
Yep! Eun Hye is Stacey! :)
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...