Chapter Eleven - Assignment

17.9K 338 6
                                    

It has been a week since that 'kiss' happened between them. Sinasadya niyang magpa-umaga ng pasok sa University para hindi niya kasabay ito agahan. Umuuwi rin siya ng maaga dahil ayaw niyang magkasalubong sila. Late na rin kasi itong nakakauwi dahil buong maghapon na ang practice ng mga varsity players para sa interuniversity games.




Nagpapasalamat na lamang siya na wala na siyang PE subject kaya hindi na siya pumupunta sa gym para sa PE time. Madalas kasi ang team doon dahil inaayos pa ang GU Arena dahil sila ang magiging host university sa taong iyon.




"Ate Jane, tinatawag ka ni Ms. Evangelista sa SPO Meeting Room. May sasabihin daw po sa inyo. Nandoon na po sina Ate Aimy at kayo na lang po ang hinihintay." Sabi naman ni Angela sa kanya. Freshman ito at isa sa mga bagong miyembro ng School Paper Organization nila sa GU.








"Ah, sige. Thank you, Angela. Pwede mo bang ibigay ito kay Mrs. Enriquez? Kailangan kasi niya ito. Sabihin mo na lang na pinapatawag ako sa SPO. Please lang ha? Salamat ulit." Sabi niya bago binigay rito ang folders na hawak. Para iyon sa printing ng August issue nila.






Kinuha niya ang kanyang maliit na notebook at isang cute na ballpen bago tinungo ang meeting room nila. Kalahati ng third floor sa main building ang nasa pangalan ng SPO. Katapat naman nila ang Student Council.



"Hello po, Ms. Evangelista. Sorry po kung natagalan ako, inaayos ko pa po kasi iyong para sa August issue nila." Hinging paumanhin niya bago tinungo ang upuan niya. Nakangiti naman ang tatlong kaibigan niya at iba pang Junior and Senior members ng Org.



"You don't need to say sorry, Mrs. Santiago." Sabi naman ni Ms. Evangelista sa kanya.



Napangiwi naman siya sa tawag nito sa kanya. "Jane na lang po. Hindi po kasi ako sanay sa Mrs. Santiago. Feeling ko po iyong mother-in law ko po ang tinatawag at hindi ako." Sabi niya.


Tumawa naman lahat ng kasamahan niya at nakita niyang ngumiti rin si Ms. Evangelista sa kanya. Ngayon lang niya ito nakaharap ng ganun dahil noong isang linggo pa itong pumasok bilang isa sa mga advisers nila sa SPO.



"Nakakatawa ka naman. I'm sorry. Sige, Jane." Sabi nito.



Binuklat nito ang isang notebook at kinuha ang isang folder.



"I think you all know that the Interuniversity games is fast approaching at since hindi naman ninyo unang taon sa Org na ito kaya I assume you're all familiar about what I'm going to tell you. Idi-distribute ko na sa inyo ang different sports na tutukan ninyo ng pansin. I'll also assign sophomores and freshies para mag-assist sa inyo. SPO leaders, I need your full cooperation with this. Tayo ang host this year and we should at least give our best shot." Simula ni Ms. Evangelista.

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon