Chapter Thirty - Seeing Each Other Again

12.6K 218 3
                                    

"May I present you our new Executive Editor, my daughter in-law, Ms. Jane Iris Fuentebella-Santiago. As you all know, our Executive Editor, Mrs. Mendoza, resigned last month, so she will be the one to be occupying her position." Pakilala sa kanya ni Mommy Anna.


Andun na sila sa Meeting Room ng AM Publishing na katapat lang ng AM Entertainment. Ang lahat kasi ng mga kompanyang pag-aari ng pamilya Montengro ay nasa isang compound lang.


"Aside from being my daughter in-law, Jane here also has every right to be in this company. Naririnig ko ang mga bulung-bulungan ninyo," Sabi nito.


Napayuko naman ang ibang mga empleyado na halatang guilty. Hindi naman siya nasaktan sa mga bulung-bulungan pero si Mommy Anna ay hindi pinalampas nito. Sabi nito na walang sino man ang may karapatang husgahan siya. Sinasabi kasi ng iba na kaya lang naman daw siya nakapasok sa 'AM Publishing' ay dahil kay Mommy Anna. Wala daw umano siyang kakayahan na ipinapakita.


"She graduated Summa Cum Laude in University of San Francisco in San Francisco, California. She got her Master's Degree in University of California. But before all of those, she's a scholar at Granville University from Kinder before transferring to the States. She's a consistent honor student. I think I don't have to let you see her diploma para maniwala kayo sa akin di ba? She worked in a major Publishing Company in California before I persuaded her to join our company. She was a Managing Editor." Patuloy ni Mommy Anna.


Namangha naman ang karamihan sa mga empleyado ang nandun. Napalibot ang tingin niya sa mga ito hanggang dumako iyon sa isang matangkad na lalaki na tahimik na nakatayo sa gilid. Kahit malayo iyon at medyo malabo ay alam niya ang tindig na iyon. Si Ryan.


"So, everyone please respect her as you respect me. Ayoko nang makarinig pa nang mga ganyang issue."


Pinalakpakan siya ng mga ito pagkatapos ulit sabihin ni Mommy Anna na siya ang bagong Executive Editor. Napangiti naman siya sa mga ito. Sa wakas ay nakapagtrabaho na din siya sa kompanyang noon pa niya pinangarap.


Lumabas na sila sa Meeting Room at papunta na sila ni Mommy Anna sa bago niyang opisina. Pina-renovate na nila iyon sa gusto niyang ayos at itsura. Sabi nga ni Mommy Anna, 'A good working environment starts with a comfy office.'


"Welcome to your new office, hija. Kung may kailangan ka pa, puntahan mo lang ako sa office ko," Ani Mommy Anna. Katapat lang kasi niya ang office nito.


Tumango siya. "Thank you po, Mommy Anna." 


Noon may kumatok at pumasok si Ryan sa pinto. Nagulat siya sa biglang pagpasok nito. Hindi na niya kasi ito nakita mula kanina sa Meeting Room. Akala niya ay umalis na ito.


"Ryan! Did you come to see me? Ay! Oo nga pala, may pag-uusapan nga pala tayo. But, you are in the wrong office. Nasa kabila ang office ko. Come, samahan mo na ako,"Sabi ni Mommy Anna dito. Halatang pinapagaan ang nararamdamang ilang sa loob.


Napatingin naman ito sa kanya. Nasalubong niya ang mga mata nito pero agad siyang nagbawi ng tingin at nag-focus na lang sa mga papel na nasa ibabaw ng kanyang mesa.


"Yes, I'm here to talk to you 'ma. Pero bago tayo mag-usap ay gusto ko munang i-congratulate ang 'wife' ko." Anito na pinagdiinan pa talaga ang salitang 'wife'.


Tumingin na lang siya kay Mommy Anna at nagbigay ng 'okay' signal. Kaya naman niyang harapin ito. Lumabas na sa office niya si Mommy Anna. Nagpatuloy naman siya sa pag-aayos ng mga papel sa mesa niya.


"So, you came back?" Tanong nito.


Tumango siya. "Yes. As you can see," 



Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. Pero inunahan niya ito. Naglakad siya papunta sa receiving area ng office niya. Umupo siya sa isang sofa at tinuro naman niya ang katapat na sofa.



"Have a seat," Mabuti na lang iyon para magkaroon sila ng distansya sa isa't-isa.



Sumunod naman ito sa kanya.



"Your office looks good," Sabi nito nang makaupo.


"Thank you. Why are you here for?" Deretsong tanong niya dito. "I know nandito ka hindi lang para i-congratulate ako." 


Nakita niyang ngumiti ito. "You're smart. Ikaw nga ang sweetheart ko. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na andito ka na." 

Bigla naman tumalon ang puso niya sa narinig niya. Pero hindi niya iyon pinahalata. Hindi na siya ang sweetheart nito. Wala na sila, di ba?

"Go straight to the point, Mr. Santiago." Sabi nito.

Tumawa naman ito. "Ang formal naman ng asawa ko. Parang wala tayong pinagsamahan. Kumusta na pala kayo ni Matt?" 

Naikuyom naman niya ang kanyang kamay sa tanong nito. Nagsisikip ang kanyang dibdib. Hanggang ngayon ba ay pinaniniwalaan pa rin nito na may relasyon sila ni Kuya Matt?

"If you're asking about him, I think he's doing fine." Sagot niya.

Hindi niya sasabihin dito na ikakasal na si Kuya Matt kay Stacey. Oo, naging sila ni Stacey matapos ito gumraduate. At ngayon, after four years of being together, nag-propose na nga si Kuya Matt dito. Magpapakasal na ang mga ito next year. Tatapusin lang daw ni Stacey ang trabaho nito sa Italy. Si Kuya Matt naman ay nagtatrabaho sa isang University sa Cebu.

"That's good." Anito.

"Kumusta naman si Natalie?" Tanong rin niya.

Tumango ito. "Nakaalala na siya." 

Tumayo siya para sana kumuha ng maiinom. Pero bigla itong tumayo at inilibot ang mga kamay sa bewang niya. Nagulat siya sa ginawa nito kaya tinulak niya ito. Pero mas malakas si Ryan sa kanya kaya ito ang nanaig.

"You are still so beautiful, Jane." Anito at bigla siyang hinalikan sa mga labi.

Para itong sinaniban sa ginawa nito. Pilit niya itong tinutulak pero hindi pa rin ito tumigil. Bumaba naman ang mga kamay nito at itinaas ang palda niya.

"Please don't," Naiiyak niyang sabi nang bumaba ang mga labi nito sa leeg niya.

"Damn!" Narinig niyang sabi nito at agad siyang binitawan.

"So, ako hindi pwede? Pero sa Matt na iyon, binibigay mo ang lahat! Ako ang asawa mo!"

Pak!

Sinampal niya ito. Nagpupuyos na siya sa galit.


"Hindi mo alam ang lahat kaya wala kang karapatang sabihin sa akin niyan! Ikaw lang naman ang naniniwalang nangaliwa ako eh! Ikaw lang! Kaya umalis ka na bago pa masiraan ako ng bait at makagawa pa ako ng masama sa iyo." Sabi niya.


Lumakas naman ito palayo at lumabas na nga ng opisina niya.


Nag-unahan naman sa pagbagsak ang mga luha niya. 

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon