Chapter Fourteen - Locked In

14.7K 280 6
                                    

Mystery Woman's POV





"Nagawa mo na ba ang plano?" Tanong niya sa babaeng kapapasok lang sa office niya.






"Opo, Ma'am." Sagot nito.







"Sige, salamat. Plano pala ha? Well, well, well. Tingnan natin kung kaninong plano ang mas magwu-work." Sabi niya at sumipsip sa tasa ng kape na hawak niya.





-------------------------------------



Jane's POV







Hinilot-hilot niya ang kanyang sentido habang hinahanap ni Ryan ang emergency light nito.





Hindi talaga siya makapaniwala na andun siya sa kwarto nito at hindi makalabas. Ang masaklap pa, walang kuryente.




"Wala bang generator sa building na 'to?" Naiinis niyang tanong nito.







"Meron. Pero ewan ko kung bakit hindi pa nakaandar ngayon. And I think tayo lang ang walang kuryente ngayon. Maliwanag naman ang ibang establishments and buildings na katapat lang natin." Sagot nito.







Nang mag-blackout, nilapitan agad nila ang ceiling to floor glass wall nito. Hindi naman madilim ang ibang building.






"Siguro, may nagplano talaga nito. Hindi talaga ako naniniwala 'eh," Nanggagalaiti niyang sabi dito.

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon