Chapter Thirty One - Two For The Lie

12.3K 207 2
                                    

(Si Natalie po iyong nasa pic.)


Margaux's POV


"Shit! Dapat hindi na siya bumalik 'eh! Dapat hindi na! Napakatagal kong hinintay to! Napakatagal! Masisira ang lahat ng mga plano ko!" Galit niyang sigaw at kinuha ang flower vase na nasa center table.


"Yang Jane na iyan, dapat gawing ganito," Sabi niya at binasag ang flower vase. "Nakakairita!"


Lumapit naman sa kanya si Natalie. "Okay lang iyan, Margaux. Kalma lang tayo. Makukuha rin natin ang gusto natin. Makukuha mo ang AM Entertainment and of course, I will get Ryan." Sabi ni Natalie at ininom ang lahat ng laman ng wine glass nito.


She smirked. Kampante lang ito habang siya ay nanggagalaiti na sa galit.


"Ba't ba kasi hindi ka pa nakipag-sex kay Ryan! Sana buntis ka na ngayon! Yun lang ang pinakamagandang paraan para makuha natin siya ng mabilisan." Nakataas ang kilay na sabi nito.


Nag-iba naman ang facial expression nito.


"I tried! Pero ayaw talaga! Mukhang nanatiling 'faithful' sa asawa. Sinabihan ko naman siya na hindi na babalik si Jane pero ayaw talaga eh. Hindi naman 'daw' siya naghihintay. Ayaw lang daw niyang may ka relasyon dahil kailangan niyang mag-focus sa AM Entertainment." Anito.


She rolled her eyes. "Anim na taon na, Natalie! Hindi ako naniniwala na wala siyang ikinama sa anim na taon! My God! Alam mo, mag-isip ka ng bagong strategy. Huwag mo na lang daanin sa pa-sweet at kilig. Pang teenagers lang iyan." Sabi niya.


"At ano naman ang bagong strategy aber?" 

Napaisip siya. Matagal na kasi niyang iniisip ang paraan na iyon pero ewan niya kung papayag ba ito. 

"Pikutin mo," Sabi niya.

Natigilan naman ito at biglang napalingon sa sinabi niya.

"Hindi ko nga mapilit na makipag-sex, paano ko naman pipikutin?" Ani Natalie.


Ngumiti siya. "Hindi naman po kailangan makipag-sex eh. IVF! Maghanap tayo ng pwedeng maging sperm donor. Iyong kamukha ni Ryan tapos ii-inject lang. Painumin natin siya ng sleeping pills para pagkagising niya, magkatabi kayong hubad. Tapos, iisipin niya na may nangyari nga sa inyo." Aniya.


Saglit itong nag-isip.


"Magwu-work kaya yang plano mo?" Naninigurong tanong nito.


Nagkibit-balikat siya. "We won't know if we won't try." Aniya dito.



----------------------------------------------------------------------

Mommy Anna's POV


"Ano? May bagong update ba?" Tanong niya kay Michael, ang private investigator niya.


Umiling ito. "Wala po, ma'am. Walang kakaiba silang ikinikilos."


"Sige, basta sundan mo pa din sila. I really think they planned everything. Nararamdaman ko talaga na sila ang nagsusulsol sa anak ko. Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatunayan ang hinala ko." Sabi niya habang hawak ang mga pictures na siyang binigay rin ni Margaux sa kanya noon. Pinasuri niya iyon sa isang editing expert at tama nga siya, edited ang mga iyon.


Sinabi na rin niya iyon kay Ryan pero mukhang nabilog na ng dalawa ang utak nito. 


Alam niya rin na totoong minahal ni Ryan si Jane pero talagang nasaktan lang ito sa mga litrato. At sa palagay niya ay may iba pang kasinungalingan ang sinabi ng dalawa kay Ryan kaya closed-minded ito sa mga bagay tungkol kay Jane.


"Yung hospital? May record ka na bang nakuha?" Tanong niya.


Umiling uli ito. "Wala rin po, ma'am. Ang higpit kasi ng security. Pero may nalaman po akong importante at baka po makakatulong sa atin,"


Binalik niya ang mga pictures sa brown envelope. 


"Ano iyon?" 

Napangiti naman si Michael. "Magkaibigan po si Ms. Stephanie Dizon at si Ms. Natalie po."


Nagtaas naman siya ng kilay. "Si Steph? Ano naman ang kinalaman ni Steph dito?"


Si Stephanie Dizon ay isa sa mga artista niya sa AM Entertainment. Naging sikat ito pero tinanggal niya pagkatapos ng dalawang taon. Lumaki kasi ang ulo nito at nalulong sa masamang bisyo. Hindi niya tinu-tolerate ang mga ganoong issue sa mga artists niya. Gusto niya kasi ay true at honest ito sa mga ginagawa ng mga ito.


"Si Ms. Dizon po ay illegitimate child ni Dr. Ramon Ortega, ang Medical Director po ng hospital." 


Nakuha niya agad ang hinala nito.


"So sa tingin mo, nakipag-kuntsaba sila kay Steph? Pumayag ito at ginamit nito ang posisyon ng ama?" Sabi niya. Tumango naman ito.


"Sige, kapag may nalaman ka pa, sabihin mo sa akin. Thanks, Michael. Sana sa susunod na pumunta ka dito, may mas magandang balita ka na." Aniya. Inabot niya ang isang sobre dito.


Tinanggap naman nito iyon at nagpasalamat. Umalis na rin ito pagkatapos.


She also think na hindi totoo ang pagkakaroon nito ng amnesia. Napaka-imposible kasing mangyari iyon. Hindi naman gaano malala ang natamo nitong injuries at naka-recover naman ito kaagad.


"Kailangan ko talagang malaman kung ano ang pinaplano ng mga babaeng iyon." Aniya sa sarili.



Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon