Halos nangangahalati na ang program ng ipatawag sila ni Ryan. Halos dalawang oras din sila hindi nag-imikan kahit sa iisang table lang sila. Tahimik silang kumain. Hindi kasi ito nagsasalita at wala naman siyang maisip sabihin dito kaya hindi na rin siya umimik.
"Tara na," nagulat siya nang sabihin nito iyon at kinuha ang kanyang kamay. Pumasok sila sa isang private room na hindi gaano kalayo sa venue.
"So, here's the couple! Ryan, Jane, umupo muna kayo." Utos ni Mommy Anna sa kanila. Binitawan nito ang kamay niya at naunang umupo sa sofa. Sumunod naman siya dito.
"Jane, anak. Idi-discuss natin ang lahat ng preparation sa kasal para before ma-end itong party ay i-aanounce na natin ang date." Sabi naman ng mama niya.
"Nagtatanong na kasi sa akin ang mga reporters sa labas, hija. Mukhang nag-eexpect sila ng engrandeng kasal." Nakangiting sabi naman ni Mommy Ana.
"Po?" Iyon lang ang nasabi niya. Engrandeng kasal???
"Di bale, hindi sila madi-disappoint." Sabi nito bago humalakhak. Natawa na rin ang iba na nandun sa kuwarto. Napatingin siya kay Ryan. Tahimik lang ito at walang pakialam na tinitingnan lang ang cellphone nito.
"Hello, I'm Attorney Rupert Landon Santiago, Ryan's older brother." Sabi ng isang lalaki at nakalahad pa ang kamay. Nakangiti ito sa kanya., Actually,
magkahawig ito at si Ryan.
Ngumiti siya, "Hello, I'm Jane." Sagot niya at tinanggap ang kamay nito.
"First of all, future sister-in-law, marami kang dapat malaman. Kailangan ninyong pirmahan ang isang pre-nuptial agreement. Hindi lang ikaw, kundi pati ang kapatid ko." Napatingin ito kay Ryan.
"Whatever." Sagot ni Ryan at binalik ang tingin sa cellphone.
"Jane, kapag kinasal na kayo ni Ryan ay you will be entitled and inheriting some properties. Titira kaayo sa Serenity Towers. May ilang properties pa ang kapwa nasa pangalan ninyo. Lupa sa Baguio, isang rest house sa Tagaytay at isang beach house sa Isla Santiago sa Pangasinan. Pero makukuha niyo lamang ang ilan sa mga properties na iyan when you celebrate five years of your marriage. May idadagdag pa kapag umabot kayo ng sampung taon at magkaroon ng at least dalawang anak," Mataas na sabi ng Kuya Rupert ni Ryan.
Natigilan siya. Ang dami ata nun.
"Hija, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Mommy Anna.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...