CHAPTER 12

1 0 0
                                    


______________________________
—MHEARL POV—

[Bunso, nakadalaw ka na sa puntod ni mama?] kinakausap ko si Ate ngayon sa phone

"Hindi pa nga ate. Baka mamaya. Oo mamaya" sagot ko

Second death anniversarry ni mama ngayon. Dalawang taon na ang lumipas simula nung namatay siya. At dalawang taon na din ang nagdaan simula nung.... Huwag na nga lang

"Eh si Kuya Pat ate? Nakadalaw na ba siya?"

[Oo. Kakausap lang namin kanina. Ako naman, baka bukas pa. Ang dami ko kasing ginagawa ngayon eh! Pero di bale na lang, nagpamisa naman ako kanina eh!]

Umupo muna ako "Mabuti yan ate. Busy ka pala e baka naka disturbo ako sayo"

[Pasensya na bunso ah?! Ibababa ko na, tatawag na lamang ako sayo mamayang gabi]

"Sige ate. Bye" ibinaba na nga niya

Napatingin na lang ako sa larawan ni mama "I really miss you ma. Happy 2nd death anniversarry"

*TOK*TOK*TOK

Tapos ay pumasok na nga yung kumatok. Si Mr. Enrile lang pala

"Umupo ka muna" sambit ko sabay tayo at nagtungo dun sa may drawer

"No. Hindi na. Hindi din naman ako magtatagal"

Kinuha ko sa drawer yung green na supot at ibinigay sa kaniya

"Yan oh! Yan ang ipinangako ko sayo kagabi" tiningnan niya yung loob "Matanda ka na kaya alam mo na paano gamitin yan at hindi na ako kailangang magpaliwanag pa!"

"Salamat Earl" ngumiti siya pero parang hindi ata yun ang tunay na ngiti niya.

Tiningnan ko ng maigi ang kaniyang mga mata. Parang kakagaling lang ito sa pag-iyak.

"Hey Mr. Enrile! Galing ka lang bang umiyak?" Takang tanong ko dito

"Huh? Ako galing umiyak? Hindi noh! Sadyang ganyan lang talaga yung mga mata ko"

Lumapit ako ng konti "You're lying"

Napatigil naman siya

"Aalis na ako Earl! PAALAM!" At lumabas na nga siya ng opisina ko

Napaupo na lamang ulit ako sa swivel chair 'Alam kong nagsisinungaling lang siya. Bakit kaya siya umiiyak noh?'

____________________________
—CHRISTOPHER POV—

Wala ako saking sarili na pumunta dito sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang ko.

Umupo ako dito sa may upuang semento at inilagay ang hawak kong bulaklak sa puntod nila. Tapos ay sinindihan ang kandila.

Bumalik sa isipan ko yung lahat-lahat ng araw na nanghingi sakin ng pera para sa tuition niya, may project sila at iba pang bayarin sa school niya.

At bumalik din sa isipan ko yung sinabi ng kaklase niya sa akin

***FLASHBACK***

"Kuya Cris. Paminsan-minsan lang po siyang pumapasok. Palagi po niyang kasama ang mga barkada niya. At kuya Cris, isumbong ko na sayo ang lahat ah?"

Ningitian ko lang siya na hindi buo

"Paminsan-minsan po, nakikita namin silang naninigarilyo, nag-iinuman at iba pa"

"Puwede mo bang sabihin sakin kung nasaan ang tambayan nila?"

May itinuro naman ito "Doon po! May tindahan kasi sa likod ng eskwelahang ito. Pero paminsan-mindan, wala sila diyan. May kaaway ata o naghahanap ng away" aniya

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon