CHAPTER 57: SAD BIRTHDAY

1 0 0
                                    


___________________________
—MHEARL POV—

HAPPY BIRTHDAY SELF!

Ngiting-ngiti ako bumangon at sobrang energetic. It's my birthday guys! Kaya kailangan lang masaya ako ngayon.

Ibinuka ko na ang dalawang mata ko at nagpalinga-linga sa paligid. 'Wala si Cris? I thought nandito siya ngayon para batiin ako? Or sorpresahin gaya sa mga napapanood kong movies!'

Bigla na lang nakaramdam ako ng lungkot. Nakakawala ng gana. Ilang sandali pa ay....
Biglang tumunog ang phone ko, may mensahe kaya bumalik ang mukha ko sa masaya.

Dinampot ko naman agad ang phone ko. At bigla na lamang nawala ang saya ko ng makitang... Akala ko kasi kay Cris galing ang mensahe, kay Blake pala.

^Good morning Earl! Happy birthday!^ text niya.

Napa-buntong hininga muna ako "Thank you" reply ko.

Pinatay ko na ang phone ko at nag-isip. 'Anong nangyayari kay Cris? Kagabi bigla na lang nawala, ta's ngayon wala man lang paramdam! PATAYY KA TALAGA SA AKINN!!'

Tumunog ulit ang phone ko't tiningnan ulit ito ^^Nakapag-isip ka na ba Earl? Pupunta ka ba mamaya?^^

'Oo nga pala. Hindi pa ako nakapag-decide!'

"Ah.. Hindi ko pa alam" tanging reply ko at pinatay uli ang phone ko. Tapos tumayo na para gawin ang morning routine.

(**FAST FORWARD**)

Malapit na ako ngayon sa KleinShire. Nandito pa lamang ako sa gilid ng nagtaka na ako dahil walang tao sa loob at patay ang mga ilaw.

"Huh? Anong nangyayari?"

Tinakbo ko na ang main entrance at sakto dahil nakita ko ang isa sa nagtratrabaho din sa amin, kakasirado lang niya sa shop.

"Mary!" Nakuha ko naman ang atensyon niya.

"Earl! Happy Birthday!" Nakangiting bati neto.

"Salamat.. Nasaan ang mga tao? Bakit close ito? Nasaan sila Sashi, Mary?" Tanong ko

"Hindi ko alam Earl. Basta sabi ni Sashi, sirado muna raw ngayon. Kausapin mo lang siya kung bakit! Bye!"

"Mary!" Umalis na nga ito.

Bigla namang may naalala ako. Yung sinabi ni Sashi kahapon. 'Tama! Ngayong araw dadating si Levi! Pero teka lang.. Kailangan talaga niyang ipasirado ang dresshop niya dahil lang dadating ang boyfriend niya??'

Tinawagan ko na lang ito. Ngunit ilang segundo lang ay hindi ko ito ma-contact. Nakapatay ata ang phone ng baklang yun.

Biglang nag-ring ang phone ko at si ate pala ang tumatawag kaya sinagot ko na ito kaagad.

[Good morning bunso! Happy Birthday!]

"Good morning din ate! Maraming salamat!" May itatanong na sana ako ng dinig na dinig ko ang...

[Good morning maam! Ito na po ang pinapagawa niyong and blah blah blah]

[Ilagay mo muna diyan... Hello bunso?]

"Yes ate? I guess busy ka ata ngayon. Sige ate mamaya na lang"

[Pasensiya na bunso]

"Ok lang ate, naintindihan ko. Bye!" Pinutol ko na ang tawag namin.

Tumingin ako sa harapan ko at bumuntong hininga "Hays! Si kuya Pat na lang ang tatawagan ko, baka hindi yun busy"

Dinial ko naman ang number ni kuya at nabuhayan ako ng loob dahil nag-ring ito at agad din niyang sinagot.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon