CHAPTER 19

1 0 0
                                    


________________________________
–RICAELA POV–

Nandito ako ngayon sa bookstore. Syempre bibili ng libro alangan pagkain. Naubusan na kasi ako ng mababasa e! Ayoko magbasa sa wattpad kasi sayang lang percent. At tsaka, dito sa store na ito ay nandito lahat ang mga libro ng sikat na writers.

Kinuha ko na ang librong napili ko at akmang aalis na sana ng biglang may tumawag sakin mula sa likuran.

"Iha?" Nilingon ko ito. At pagtingin ko sa kaniya ay nagtaka na lang ako kung sino siya.

Mga nasa 40 plus na ang edad niya pero di klaro sa mukha. Ang gwapo pa din kasi neto at parang may kahawig siya. At halatang mayaman pa ang lahi nito.

"Ricaela Salazar? Tama ba ako?"

Haha. Kilala niya ako? Sino 'toh?

"Ahh tama nga po kayo. Bakit niyo po pala ako kilala?" Tanong ko

"Ikaw ang nililigawan ng anak ko. Si Ashter" papa pala ito ni Ash. Kaya pala may kahawig siyang mukha.

"Ahh.. Ehh.. Ako nga po" hindi ko alam kung bat nahihiya ako

"Don't shy iha. And call me tito Tonio. Kaya kita nakilala kanina kasi ipinakita na kasi ni Ash ang picture mo samin. At naikwento din niya na nililigawan ka niya. Ang ganda mo pala sa personalan iha. Kaya bagay na bagay kayo ng anak ko eh"

"Ahh.. Mga tao po kami. HAHAHA jowk lang po tito Tonio... Bakit po pala kayo nandito? Mahilig din po ba kayo tito Tonio sa mga libro?"

"Uhm yes. Pero, kami ang may-ari ng bookstore na ito iha" medyo nagulat naman ako sa sinabi niya "Hindi ba sinabi ng anak ko sayo? Well, ganun naman talaga si Ash. Hindi mo malalaman about sa kaniya unless ikaw mismo ang magtanong.... I am the Director of the M'S PUBLISHING COMPANY dito sa Pilipinas" aniya. Magkatulad nga sila ni Ash noh? Sobrang daldal lang ang peg.

"Ipinatayo ko itong M'S BOOKSTORE dahil naisipan kung... Yung mga librong lalabas sa kompanya namin ay dito mapupunta" dagdag niya

"Maganda po ang naisip niyo" sambit ko na lang at ngumiti

"Balik tayo sayo iha. Diba ikaw ang nililigawan ng anak ko?! And you should come to our house! Very welcome na welcome ka dun!" Aniya

"Pooo??!!" Nanlaki pa talaga ang mata ko

"Yes iha. Sinabi ko naman kay Ash na papuntahin ka sa bahay pero parang hindi niya ata sinabi sayo. Kaya bilang ama niya, iniimbitahan kita iha sa aming tahanan"

"Po?! Pero parang nakakahiya naman. Isa lang po akong mahirap. Hindi po ako kauri niyo. Wala po kaming malaking bahay"

Hinawakan naman niya ang balikat ko na agad naman niyang tinanggal

"Hindi naman sa ganun iha. Hindi porket mayaman kami ay... Wala kaming respeto sa mahihirap o mababa ang tingin namin sa inyo at ano pang sinasabi ng iba. Hindi kami ganun iha. Dumaan ako sa hirap. Actually ay, laki ako. Yung asawa ko lang ang mayaman sa amin" aniya

"Uhm, sorry po" with pa-bow ko pang sambit

"Don't apologize iha, wala ka namang nabanggit na masamang salita. Basta ito ang tatandaan mo... Lahat ng tao ay dumaan sa hirap. Hindi nila makakamit ang tagumpay kung wala silang hirap na pinagdaanan"

Napatango-tango ako "Tama yung sinabi mo Tito"

"Kaya iha! Papayag ka ba? Iimbitahan kita this weekend sa bahay namin"

Papayag na lang ba ako?

"Ah.. Sige po! Pero magpapaalam muna ako sa mga magulang ko" sagot ko na lang

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon