CHAPTER 18

1 0 0
                                    


________________________________
—CHRISTOPHER POV—

"Kuya aalis ka na? Di ka pa kakain?" Napalingon ako kay Niel. Yes nakalaya na sila kahapon dahil sa tulong nung magulang ni Gian.

May something na nangyari kaya't mamaya ko na lang iku-kwento.

"Doon na lang Niel. Kailangan ko kasing bumawi dahil hindi ako pumasok kahapon. Ibibilin ko sayo ang bahay ah?! Dahil tutal hindi ka pa pwedeng pumasok ngayon. Aalis na ako ha?!"

"O sige kuya. Naintindihan ko naman kung bakit" ningitian ko naman siya

Aalis na sana ako ng napagtanto kong may sasabihin pa pala ako sa kaniya.

"Niel!" Lumapit na lang ako sa kaniya

"Uhm... Bakit Kuya??"

"Maybe mga next week ililipat kita sa bagong eskwelahan" sambit ko sabay tukod sa dalawang kamay ko sa upuan.

"Huh?! Kuya?? Bakit???"

"Para malayo ka na sa kapahamakan. Doon kita ililipat sa Catholic School. Dahil sigurado akong respetado ang mga estudyante dun"

"Kuya huwag!" Lumapit pa talaga ito sa akin. "Nagsisisi na naman sila Gian. Magbabagong buhay na sila. Magbabagong buhay na kami. And besides Kuya, doble gastos yan. Magapapatahi ka pa ng bagong uniporme ko, may babayarin ka pa sa school"

"Kahit ilan pa ang magastos ko, malayo lang kita sa kapahamakan"

"Plssss kuyyyaaa.  Uhm next week.... May pa-quiz at sasali ako dun. Ang mananalo ay bibigyan ng schoolarship. O di kaya'y kakausapin ko si maam o ang principal, gagawin ko ang lahat mabalik labg ako sa scholar. O kaya'y, papasahin nila, niya ako! Pangako Kuya! Maging mabuting estudyante, mag-aral na ako ng mabuti. Matalino ka kuya kaya matalino din ako pero sinayangan ko lang. Plsss Kuyaaa!! Huwag mo na ako ilipat nang eskwelahann!!"

Napangiti ako at ginulo ang kaniyang buhok. Kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan ko at umiyak ng dugo HAHAHA.

"Oh sige na nga! Basta tuparin mo yang lahat ng sinabi mo!"

"I will Kuya! Salamat!" Sabi niya at yumakap ng mahigpit sa akin

"Sige aalis na ako. Mag-iingat ka dito" tumigil siya sa pagkakayakap

"Sige Kuya. Salamat ulit"

Ningitian ko lang siya at umalis na.

Habang naglalakad ako ay ikwe-kwento ko na sa inyo ang nangyari kahapon na sinasabi ko kanina. Ifla-flashback na lang natin.

****FLASHBACK****

"Mr. And Ms. Arcilla, maraming salamat sa lahat. Maraming salamat po talaga" sambit ko with the effect of bow na parang isang hapon. HAHA. Baka sabihin nila na isang hapon talaga ako hahaha.

"You're welcome iho. Kasalanan din naman ng anak ko kung bakit nakulong ang kapatid mo"

Ningitian ko ng sobrang napakalapad si Mr. Arcilla. Tiningnan ko naman si Ms. Arcilla, nakatingin ito ng diretso sa akin na aking labis na ikinataka. At kung makikita niyo ang mga mata niya, lungkot at alala ang emosyon nito.

Tapos ay nagulat na lamang ang lahat sa sunod niyang ginawa. Lahat ah? At kasali na ako nun. Niyakap lang naman niya ako. Yung yakap btaw na sobrang tagal niyo nang nagkita? Yung miss na miss mo na talaga siya. At gusto mo lang yakapin ng mahigpit.

Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa yakap niya. Nakakagaan kasi ng loob yung yakap niya. At yun btawng... Parang... Parang isang ina?  Ng dahil sa kaniya na-miss ko tuloy si mama.

Ilang segundo lang ang yakap niya at bumitaw na agad siya.  Pagkatapos ay si Niel naman agad ang niyakap niya. Labis na lang ang aking pagtaka. Hindi naman namin siya kaano-ano. O sadyang, ganon lang talaga siya.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon