CHAPTER 45: MOVE-ON

1 0 0
                                    


____________________­_______
—CHERRY POV—

Presinta akong naglalakad patungo sa secret place ko dito sa bahay. Hindi ko na dinala ang bag ko dahil babalik din naman agad ako at ito nga yun.

Pagpasok ko pa lamang sa walk 'in closet ko at laking gulat ko na lamang dahil nakita ko ang anak kong si Gian.

"Son?!!" Gulat kong sambit

"Gulat na gulat ka ah? Ang ganda pala dito noh?" Patingin-tingin pa siya sa paligid

"Ahh... O-oo. Pinagandahan ko talaga anak kasi yan ang gusto ko"

Naglakad ito sa dulo na agad ko namang sinundan. 'Sana mali itong iniisip ko'

____________________­_______
—GIAN POV—

Nagpunta ako sa lagayan ng mga bags niya "Pati ito mommy noh? Ang ganda" kinuha ko sa loob ang isang gadget na nakita ko kanina

Pagharap ko naman sa kaniya ay gulat na gulat ito gaya kanina.

"Anak, ano yan?"

"Tsk. Talagang hindi mo ito alam? Huwag ka na magsinungaling mommy... Kaya pala ganun kabait at kaalaga ang trato mo kay Nathaniel noh kapag pumunta siya dito dati? Kasi nga, ANAK MO SIYA" Napatulo ang luha ko

"Anak. Hindi mo alam ang totoong nangyari"

"Huh talaga?! Na ano? Iniwan niyo sila at sumama kay dad dahil sa pera?! Akala ko ba mabait kang ina mommy? Bakit ka nagpasilaw sa pera!? INIWAN MO ANG MGA TUNAY MONG ANAK! Keysa sa akin na hindi mo totoong anak!"

"Totoo kitang anak Gian"

Nalilito ako sa sinabi niya. 'Paano nangyari yun? Gayong isang agwat lang ang lamang ko kay Nathaniel at limang taon kay Kuya Cris.

"Nung nagkakilala kami ng daddy mo, may anak na ako noon at si Cris nga. Pero tinago ko sa daddy mo dahil alam kong di niya matatanggap"

"So pinagsabay mo si daddy at ang ama nila Nathaniel?!"

"Hindi mo alam ang totoo at buong nangyari anak!"

Lumapit ako sa kaniya "Wala akong pakialam. Basta sasabihin ko sa kanilang dalawa, MGA ANAK MO ang buong katotohanan!" Tapos ay nilagpasan ko siya.

"ANAKKK!! PLEASE HUWAGG!!"

____________________­_______
—ROSS POV—

"Hindi muna papasok si Elaine ngayon Sashi, may pinagdadaanan siya" sambit ko sa kaniya.

"Ano bang problema niya?"

"Mamaya ko na lang ikwe-kwento sayo. Uunahin muna natin ang mga customers"

"Ah sige" Naglakad na ito pabalik dahil may tumawag rin sa kaniya.

Paglingon ko naman sa likod ko, which is makikita mo ang labas dahil glass ito, biglang uminit ang dugo ko at lumabas ang sungay ko sa nakita ko.

Agad naman akong nagpunta sa entrance dahil alam kong papasok siya.

"Ang lakas ng loob mong pumunta dito?!" Bulyaw ko kaagad sa kaniya pagpasok niya.

"Ross asan si Elaine? I need to talk to her" Akmang lalagpasan niya ako para hanapin si Elaine ng mabilis ko siyang napigilan.

"Wala siya dito! Hindi mo siya makikita dito!"

"Huwag mo'kong lolokohin dude" papasok ulit siya ng napigilan ko.

"Sabing wala siya dito!! At ano yung sabi mo? Ang lakas mong magsabi ng salitang 'huwag lokohin' eh niloloko mo nga siya! G*g* ka Zep!!"

"Ross anong nangyayari dito?!" Napalingon ako kay Sashi, nagsidatingan pala sila at yung ibang costumers nakatingin sa amin ngunit wala akong paki.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon