CHAPTER 5

3 0 0
                                    


______________________________
—AGUSTIN POV—

Hi guys, ako si Agustin Calahat. 25 years old ako. Syempre, magka-same lang kami ng age ni Cris e!

Kumakain pala kaming apat ngayon sa isang maliit na carenderia. Nag-stop muna kasi ang audition kasi nga, mananghalian na. Sayang nga e, ako na yung susunod

"Agus, kumusta ka naman? Matagal-tagal din tayong di nagkikita. Sa pagkakaalam ko, last 2 months ago pa" pangunguna ni Ash

Huminto muna ako sa pagkain "I'm very okay. Still handsome" sagot ko at nagpatuloy sa pagkain

"YOWN! ENGLISH!"

Napatawa na lamang ako sa kabaliwan netong si Ash.

"But serious dude, kumusta ka na ba talaga?" Tanong ni Zep

Nilunok ko muna ang kinakain ko tapos ay nagsalita. "Ok nga lang ako. Nagtiyatiyaga pa din sa pagtratrabaho. E kayo ba? Kamusta na?"

"Ash and me? Were same. Naghahanap pa din ng chix"

Napa-smirk ako "Kayo talagang dalawa! Hindi pa din ba kayo nagbabago? Well, nasa dugo niyo naman talaga ang pagiging babaero"

"Grabe ka naman makapagsalita! Parang di tayo magkaibigan e!" Si Zep

"I don't care. Totoo naman. But I promise to you Agus, na this time, seseseryosohin ko na. Pakilala mo naman ako sa iba mo pang kaibigan o katrabaho man lang. Plss?"

Iba pang kaibigang babae ko? E si Rica lang naman. Pero kung ipakilala ko sa kaniya si Rica, baka lolokohin lang niya.

Tsaka si Rica ay prioritize niya ang family niya. Wala pa siyang balak sa relasyon-relasyon na yan.

Pero kilala ko si Ash. Once na sinabi niyang seseryosohin niya ay seseryosohin talaga niya.

"Ano Agus?"

Ilang segundo muna ang nagdaan bago ako nakasagot.  "Sige. May ipapakilala ako sayo"

"Siya lang bro?! Di ba ako kasali?" Reklamo pa ni Zep

"Makakahanap ka din diyan! Trust me"

"Okay" tipid niyang sagot

"Pero may mukha atang hindi okay sa atin"

Tiningnan ko naman ang itinuro niya. Si Cris. Nakatingin ito sa kaniyang pagkain at nakatulala. Ni hindi nga niya ginagalaw ang pagkain niya.

"Cris! Cris! Okay ka lang?" Tanong ko pero di niya ako napapansin

______________________________
—CHRISTOPHER POV—

Habang kumakain kami ay bigla na lamang akong napatigil. Iniisip ko pa din ang nangyari kanina.

Okay okay, iku-kwento ko sa inyo ang nangyari.

Habang nagpipila kasi kami kanina ay doon sa may unahan ay may biglang dumating at kilala ko kung sino siya. Yung isang sikat din na designer na si Agatha.  Kasama niya ang assistant niya at iba pa.

Ilang sandali din ay lumabas si Mr. Balmonte kasama ang mga kasamahan niya. Tapos ay nagka-usapan ang mga ito. Iilan lang ang narinig namin dahil nga nasa malayo kami.

Pero hindi din nagtagal ay umalis na si Agatha kasama ang mga kasamahan niya. At bumalik na din sa loob sina Mr. Balmonte.

Pero bago sila makabalik sa loob ay... Nagtama muna ang aming mga mata ni Mr. Balmonte. At yun btaw'ng nag slow mo? Ewan ko kung bakit ganun eh!

"CRRRIIIISSSS!!!"

Nabalik ako sa katinuan nung sigaw na yun.

"Huh? Bakit? At kailangan pa talagang sumigaw?" Taka kong tanong

"E kasi kanina pa kami nag-uusap dito e hindi ka naman pala nakikinig. Ano ba ang iniisip mo?"

"A... Wala!" Sagot ko at ginalaw na ang pagkain. Kumain na lang din sila.

Napatingin na lamang kami ni Zep ng bigla itong nagsalita.

"Yeah. Ang saya ng araw ko. I found my queen guys" nakangisi nitong sambit habang nakatingin siya sa may likod ko.

Sabay pa naming nilingon kung sino iyon. At yeah, nakita ko si Mr. Balmonte kasama ang grupo. Kakaupo lang nila sa lamesang, medyo malayo sa amin.

Naalala ko naman yung picture na napulot ko kanina. 'Ngayon ko na ba isasauli iyon?'

"Bye muna guys. May pupuntahan lang ako" ani Zep at umalis na papunta dun sa babaeng kasama ni Mr. Balmonte

______________________________
—ZEPZAR POV—

Nakangiti akong pumunta sa may counter area. Nakita ko na kasi ang babaeng panghabambuhay ko. Heheheh

"Hi beautiful lady" sambit ko nung makarating na ako sa tabi niya habang ang mga kamay ay nasa bulsa pa din

"Hello" kyut pa niyang sambit habang itinatago ang kilig

Sa totoo lang, ang kyut niya.

"Nakita kita kanina kasama si Mr. Balmonte, and I guess, asisstant ka niya? Am I right?" Aniko at umayos ng tayo

"Ah oo. Pero matagal na kaming magkaibigan. Nung highschool pa"

"Matagal na nga. Ako pala si Zepzar, zep na lang for short" nakangiti kong wika sabay lahad ng kamay ko.

Tinanggap naman niya kaagad ito "Nice meeting you Zep. I'm Elaine" nakangiti din niyang sambit at binitawan na ang kamay ko

"Elaine. Bagay na bagay lang sayo"

"Hehehe. Thanks"

Dumating na yung order niya na agad naman niyang kinuha. Dahil nga sa gentleman ako, nagpresinta akong ako na ang magdala neto.

Perfect timing dahil muli niya itong inilagay at nagbayad muna. Habang nagbabayad siya ay kinuha ko ito.

Tiningnan ko yung order niya. Hindi talaga ako magkakamaling dalawang serve ng halang-halang ito. Tapos ay may pinakbet din na may sili. Speciality ito ng carenderia'ng ito.

Ngayon lang kayo nakarinig ng pinakbet na may sili noh? Tapos ay may dalawang cup ng rice at tubig.

"Uhm Zep? Ako na ang magdadala nyan" aniya pero mas inilayo ko pa

"No no. Hayaan mo na lang ako"

"O sige. Ikaw ang bahala" kinikilig niyang ani "Ang sweet mo naman"

Napa-smirk na lamang ako sa kakyutan niya at nauna na siyang maglakad


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thanks for reading❤️

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon