CHAPTER 10

1 0 0
                                    


_______________________________
—CRISTOPHER POV-

Gabi. 7:00 p.m

Nandito ako ngayon sa harap ng KleinShire. Pumunta ako dito dahil puwede lang naman raw. Whener I want. Tama ba? Hahaha

Nasa labas pa lamang ako ay nakita ko nang madilim ang nasa loob. Klarong-klaro na sirado na sila. Pero may ilang ilaw pang nakabukas.

Pagkapasok ko naman ay saktong nakita ko yung Elaine at Ross na parang lalabas ata sila. Nakita din naman nila ako.

"Uy Cris! Magandang gabi sayo!" Bati ni Ross at huminto pa silang dalawa

"Magandang gabi din sa inyong dalawa. Asan ang punta niyo?" Tanong ko

"Bibili lang ng pagkain diyan sa may carenderia" sagot ni Elaine

"E ikaw? Bakit ka naparito??"

"May isasauli lang ako kay Mr. Balmonte na I think importante sa kaniya. Nandiyan ba siya sa loob?" Aniko

"Pagpunta namin kanina ay wala siya. Baka nag-cr lang ata" ani Ross

"Sige-sige. Titingnan ko na lang. Salamat sa inyong dalawa ah?"

"Salamat din Cris"

"Sige Cris. Bibili na kami ng pagkain"

"Sige-sige"

Umalis naman silang dalawa habang ako'y nagpatuloy lang sa paglalakad sa opisina ni Mr. Balmonte.

Mahina-hina muna akong naglakad dahil tinitingnan ko ang mga magagandang damit dito medyo sa may gilid ko.

'Yez guys. Magagandang damit talaga siya dahil super napakaganda ng mga damit, gowns and etc'

Ide-describe ko sa inyo ang KleinShire ni Mr. Balmonte. Malaki ang space niya. May 2nd floor pa nga e.

Dito sa kinatatayuan ko ngayon ay merong mga gowns for debut at mga tuxedos. Katabi netong gowns and tuxedos area ay mga normal lang ng mga damit na pambabae at panlalaki. Hindi lang pala ito isang normal na damit. Halatang expensive at pangmayaman talaga.

At doon sa second floor ay doon na makikita ang mga wedding gowns.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at mabilis ko namang natuntun ag opisina ni Mr. Balmonte. Pagpasok ko naman ay wala nga siya.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid para makita siya pero hindi ko talaga nakita. Aalis na sana ako ng biglang may kumuha ng aking atensyon. Kaya dahan-dahan ko itong nilapitan.

Sa paglapit ko naman ay kinuha ko sa bulsa ang picture na nahulog ni Mr. Balmonte noon. At tama nga yung hula ko, papa niya yung nasa picture

Haha. Matagal ko namang alam. Dahil nga diba ay yung papa niya ang may-ari ng kompanyang trinratrabahuan ko ngayon. At kapatid niya yung bagong salta. Si Boss Patrick.

"Anong ginagawa mo dito?!"

'Hala! Sino yun??'

_______________________________
—MHEARL POV—

Pabalik na sana ako ngayon sa opisina ko ng biglang may tumawag sa phone ko. Tiningnan ko naman ito at number lang ang nakalagay.

[Good evening Mr. Balmonte! Ikaw po ba ito?]

"Yes. Bakit po?" Huminto muna ako sa paglalakad

[Sasabihin ko lang po na ililipat ng schedule ang LA FASHION SHOW. Imbes this April na po ito ay inilipat sa May. Same theme lang naman po]

"Huh? Bakit raw??"

[Some judges po kasi ay may di inasahang lakad sa April. Kaya ayun po, inilipat na lang nila sa May 25]

"Ah sige po. Salamat sa pag-info"

[Good luck sayo Mr. Balmonte!]

"Salamat again po!"

[Welcome. And good evening ulit]

Naputol na ang tawagan namin. Balik na din ako sa paglalakad

Ilang sandali pa'y nakarating na ako sa aking opisina at nakita ko naman na may ibang tao sa loob. Kilala ko na kung sino. Si Cris Enrile. Tinitingnan pa niya yung mga family pictures namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat pa itong tumingin sa akin

"Mr. Balmonte! Ikaw pala yan!"

Nagtungo ako sa lamesa ko "Hindi mo sinagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito sa opisina ko?  At puwede bang huwag mo na akong tawaging Mr. Balmonte? Earl na lang for short"

"A sige po. Kaya ako nandito dahil may isasauli ako sa iyo"

'Isasauli? Anong ibig niyang sabihin?'

May ibinigay siya sa aking isang litrato.

"Noon ko pa ito gustong isauli sayo. Nahulog mo yan nung nagkabanggaan tayo malapit sa may elevator. I think, importante ata sayo 'toh"

Kinuha ko yung litrato at tiningnan.
And I'm correct. Yun ngang hinahanap-hanap kong litrato na hindi ko makita. Nahulog ko pala ito. Nasa kaniya pala yung hinahanap ko.

"Salamat sa pagsauli neto" sambit ko habang inilalagay yung litrato sa bag ko

"Mr. Bal—.. Earl! Puwede bang magtanong?" Saad niya "Diba kayo po yung... Este mga Balmonte yung may-ari ng kompanyang call center kung saan ako nagtratrabaho ngayon. Sa mahigit dalawang taon ko na bilang empleyado. Ni isang pagkakataon ay hindi ka bumisita... Hindi ka man lang ipinakilala ng papa mo sa amin. Bakit ba?"

Ilang segundo ang lumipas bago ako nakasagot "No personal questions! Number one rule!"

"Nahh! Sige na! Magkuwento ka na Earl! Plss?!!"

Umupo ako "Change topic.. Mabuti dahil nandito ka dahil may sasabihin ako sayo"

Sumimangot naman siya ta's umupo

"Let's begin. As my model responsibilidad kong alagaan ang kalusugan mo. Hindi lang ako, pati ikaw. Alagaan mo ang katawan mo. Healthy foods lang ang dapat mong kakainin. Makakain ka lang ng junk food, two times a week"

"WHAT?!" gulat na gulat talaga siya dahil medyo napalapit siya sa akin

"May angal?.. Huwag kang magreklamo dahil it is good din naman for your health. At tsaka, tingnan mo nga yang mukha mo, halatang pagod ka at kulang ka ng tulog. I know you're a call center guy but, kailangan mo ding matulog ng 8 to 10 hours. At talagang bawal ka magpuyat dahil ayokong makakita ng ni isang tigyawat diyan sa mukha mo" mahabang litanya ko habang may patayo-tayo at naglakad-lakad.

"And Mr. Enrile, bukas ko na ibibigay sayo ang beauty products na dapat mong i-apply diyan sa katawan mo. Nakuha mo ba lahat ng sinabi ko?"

"Oo naman Earl"

Huminto muna ako sa harap ng table ko

"Parang hindi naman. Gagawan ko na lang yun lahat ng list at sundin mo ah?!"

Tumayo siya. Tapos ay nakangising nakatingin sa akin "Gagawin ko lang lahat ng sinabi mo kapag..."

Umabante siya palapit sa akin habang ako nama'y paatras ng paatras hanggang sa wala na akong maatrasan.

"Kapag?? Ano??" Mataray ko pang saad

"Alam mo na Earl" may halong kapangahasan ang boses niya na alam ko naman kung ano ang ibig sabihin

Pumunta ako sa kabilang side medyo malayo sa kaniya at hinarap siya "DAMN YOU MR. ENRILE! Ke't attractive ka, gwapo ka, nasa iyo na ang hinahanap ko sa isang lalaki, WALA AKONG GUSTO SAYO NOH!"

Humakbang siya ng konti sa akin na nagtataka ang mukha.

"Huh?! Anong sinabi mo Earl? Ang gusto ko lang naman sabihin ay....  Gagawin ko lang ang lahat ng sinabi mo kapag ikaw ang mag-sponsor ng beauty products na sinasabi mo kapag ubos na siya! Naka-budget na kasi pera ko e!"

Hindi ako makapagsalita 'yun pala yun?? Kakahiya ka sellffff!!! Myghoooddd!!!!'

"A si-ge. Su-re. Ako na-man tala-ga" nauutal pa ako. Sh*t!

Humakbang naman ulit siya patungo sa akin "Pero ano yung sabi mo? Gwapo ako, attractive, nasa akin na ang hinahanap mo sa isang lalaki, pero di ako ang gusto mo?"

He cornered me pero di ako magpapatinag "Pero tsak akong magugustuhan mo din ako"

"Hulihin mo muna yung cheetah bago mo sabihin yan"

**BLAAGG!**

Biglang bumukas ng malaki ang pinto at gulat na gulat ang dalawa kong kaibigan nung makita kami

'Weyt weyt weyt. Ang posisyon naminnn!!'

Dali-dali akong lumusot sa ibaba ng naka-corner niyang kamay

"Owshiie! What is the meaning of thiss?!!" Saad ni Elaine

"Wala wala! Kayo ha! Mali yang iniisip niyo!" Pasigaw ko nang sambit

"Uy Cris! Ang bilis mong nakuha ang puso ni Earl ah?!" Si Cris

"Ano ba kayo! Tumigil na kayo! Mabuti't kumain na lang tayo!"

"Uy, palusot pa"

***FAST FORWARD***

—CHRISTOPHER POV—

Habang kumakain kaming tatlo. Oo tatlo lang dahil si Earl ay nandun sa lamesa niya. May itatanong ako sa dalawang toh.

Yung tanong ko kanina kay Earl? Hindi niya kasi nasagutan. Kaya baka, alam ng dalawang toh ang sagot sa tanong ko

"Uhm Elaine, Ross. May tanong ako sa inyo" basag ko sa katahimikan

"Ano yun Cris?"

"Diba matagal na kayong magkaibigan ni Earl? Hindi naman sa nangingialam ako sa buhay niya. Gusto ko lang malaman na... May alitan ba este away silang kaniyang ama? Napapansin ko kasi" sambit ko sa mahinang tono

Nagkatinginan naman silang dalawa at sasagot na sana si Ross ng biglang....

"Don't you dare answer him! Naririnig ko kayo, kahit na nandito ako!"

Balik tahimik naman ang dalawa

"Sorry Cris ah?! Lagot kami kay Earl kapag nagkuwento kami sayo. At tsaka, mas magandang sa kaniya mo mismo maririnig ang sagot sa tanong mo" wika ni Ross

"At tsaka Cris. Pagpasensyahan mo na din ang kasungitan niya. Hindi naman taga siya masungit. Nagsimula siyang ganyan nung...." Hindi na niya naituloy ang sinabi niya dahil dumating na si Earl at galit itong tiningnan si Elaine

"Titigil ka? O titigil ka?!" Masungit pa niyang sambit habang naka-crossed arm

"Okay! Tigil! Tigil Elaine! Di talaga maiwasan yang bibig mo!" Aniya

Nanatili pa ding nakatayo si Earl sa tabi ko kaya't hinarap ko siya

"Simula nung... Ano Earl??"

Tinarayan niya muna ako "Bakit ba gusto mong makiaalam sa buhay ko?! Inaano ba kita?"

"Wala! Sorry na! Di na mauulit!"

Hindi siya sumagot at bumalik na sa lamesa niya

'Ano kaya yung dahilan kung bakit sobrang sungit ngayon ni Earl noh?'

..

..

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon