CHAPTER 43: MUNTIKAN NA

1 0 0
                                    


____________________­________
—ELAINE POV—

"Anong nangyari sa inyo ni Zep Elaine? Maaari bang magkwento ka sakin ngayon kasi di mo kasi nai-kwento kanina" Napalingon ako kay Ross

Hindi pa naman ako nakapagsimulang magsalita ng unti-unti nang nagsipatakan ang mga luha ko pababa.

'Nagkamali ako ng pinili. Sobrang mali. Sana si Ross na lang ang pinili ko'

"Hoy Elaine! Ayan ka na naman! Hindi ka ba napapagod sa kakaiyak? Tumigil ka nga! Nakakasira yan ng kagandahan"

****FLASHBACK****

[Nakuha mo ba lahat ng ipinabibili ko Elaine?] sambit ni Earl sa kabilang linya

"Of course nakuha! Ako pa ba!"

[Mabuti. Pasensiya na kung ikaw napag-utusan ko. Busy ako dito sa lamay ni papa]

"No worries Earl! Okay lang"

[Maraming Salamat]

"Welcome"

Naputol na ang tawagan namin. Ibinalik ko naman ang phone ko sa bulsa at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa pupuntahan kong store.

Sa totoo lang, naaawa ako sa baklang yun. Yung boses nga niya kanina lang ay malungkot na galing sa kakaiyak na ewan. Basta yun na yun.

Wala na nga yung mama nila, pati papa kinuha na din. Totoo talaga yung sabi-sabi "Lahat ng mahal natin ay iiwan rin tayo" Pero ako hindi pa iniwan! Haha share ko lang HAHAHA charot.

Napatigil ako sa pagsasalita saking isipan ng may nakita akong isang pamilyar na lalaki sa may kalayuan.

"Wait.. Si Zep ba yan?"

Si Zep nga! At may kasama siyang isang magandang babae na ikinakirot ng aking puso.

Hindi ko namalayang napatulo ang luha ko. Ang saya-saya nilang magkasama at naglalandian pa habang kumakain sa loob ng isang food store.

Napalingon siya banda sa kinatatayuan ko ngayon kaya agad akong naglakad paalis habang pinupunasan ang mga luha.

Habang umiiyak akong naglalakad ay naalala ko yung mga sinabi nila sa akin. Babaero si Zep, lolokohin lang niya ako at kung ano-ano pa.

'Tama pala sila haha. Oo alam ko namang babaero siya. Kaya buong akala ko magbabago siya dahil sa akin. Ngunit nagkamali pala ako haha'

"Elaine wait!" Napaharap ako sa kaniya.

*PAK

Pagharap ko sa kaniya ay isang malakas na sampal ang ginawa ko. Hindi ko na pinakialam ang mga taong nakatingin sa amin.

"P*t*ng*n* g*g* ka! Sana pinakinggan ko na lang sila para hindi masaktan ng ganito!! Sobrang mali na ikaw ang pinili ko! H*Y*P KA!"

Wala siyang sinagot.

Napatingin naman ako sa malanding babaeng lumapit sa kaniya.

"Love, pabayaan mo na yang babaeng yan. She's b*tch" binulong lang niya yung last pero rinig na rinig ko

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinugod na ang mahaliparot na babaeng ito. Dinakma ko kaagad ang buhok niya

"IKAW MALANDING BABAE KA! ALAM MO NAMAN SIGURONG MAY GIRLFRIEND ANG TAO NILANDI MO PA RIN!"

Nagsabunutan kami.

"PLEASE STOP!" Napigilan kami ni Zep

Paglayo namin sa isa't-isa ay napatawa naman ako sa mukha ni haliparota. Di naman pala maganda HAHA.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon