CHAPTER 20

1 0 0
                                    


_____________________________
—NATHANIEL POV—

Nandito kaming magkakaibigan sa hide out namin. Tahimik lang ang lahat at iniisip yung nangyari sa amin nung nakaraang araw.

Tahimik lang ang lahat ng binasag ni Gian ang katahimikan.

"Mga tol, kung sino man sa inyo ang gustong umalis sa grupong ito ay... You'll free. Alam kong galit na galit yung mga parents niyo. At dahil yun sa akin. Sobrang galit na galit din sila mom and dad sa akin"

"Pinalaya nila tayo pero ang kapalit nun ay magbabago na ako. Magbabago na ang grupong ito. Kung mauulit pa raw ito ay hahayaan na lang nila tayong makulong.... Mga tol, patawad ah? At kung may gusto mang umalis. Sige... Umalis na kayo" mahabang saad niya

Kanina pa pala siya napaluha. Nagsimula naman ang ibang lumapit sa kaniya.

"Tol Gian, ayoko mang umalis pero wala na akong magagawa sa magulang ko. Pupunta na kami sa ibang bansa"

"Ako naman tol Gi, patawad kung aalis ako. Ayoko na kasing makatanggap ng malakas na sapak galing kay papa"

Sunod-sunod naman silang nagbigay ng ilang dahilan. May iilang umalis at may iilan din nag-stay.

Hanggang sa... Ako na ang magsasalita.

"Ikaw Nathaniel, aalis ka?" Tanong ni Gian. Tumingin naman silang lahat sa akin

Umayos muna ako ng tayo dahil nakasandal ako sa pader kanina lang. "Hindi... Yan ang sagot ko. Bakit ko naman iiwanan ang mga taong nagbibigay ligaya sakin nung ako'y nasa kalungkutan. Yes mga tol. Alam kong mali at illegal ang mga ginagawa niyo. Gusto ko nang umalis at magsumbong pero... Pinaalala saking isipan yung mga masasaya nating pinagsamahan" saad ko

"Oo. Ang tingin sa atin ng iba ay tambay, walang kwenta, walang kinabukasang mga bata at kung ano-ano pa. Pero para sa akin, mabuti kayong lahat. Kayong lahat at itinuturing ko ng kuya ko. Pinapatuhan niyo 'ko at iba pa. At dahil din sa inyo natuto akong maging matapang at lumaban. Kaya bakit ko kayo iiwan? Kayo mga tol ang una kong naging kaibigan. Kaya stay ako!" Matapang na pagkasabi ko habang patingin-tingin pa sa kanila.

"Paano na yung kuya mo? Hindi ba siya magagalit?" Tanong ni Gian

"Hindi siya magagalit. Ipapakita ko lang sa kaniya na nagbabago na ang grupong ito. From masamang gawain, to mabuting gawain. At yan ang ipapakita niyo sa mga magulang niyo" saad ko

Napalingon ako dun sa nagsalita "I agree to Nathan, ipapakita lang natin sa kanila na nagbabago na talaga ang grupong ito" aniya

"Stay ako" sambit ko sabay inilapag ang kaliwang kamay sa hangin

"Same here"

"Ako din"

Sunod-sunod naman nilang ipinatong ang iisa nilang kamay. Tapos ang panghuli ay si Gian.

"Salamat mga tol ha? Promise ko talaga sa inyo, bilang lider ng grupong ito. Magbabago na tayo"

"PARA SA PAGBABAGO! UWAA!" sabay-sabay naming sigaw at sabay-sabay taas ng kamay

May ibinulong naman si Dort na katabi ko lang sa akin "Ang tapang mo kanina Tol ah? Bagay ka maging isang lider ng grupo"

"Di naman. Inilabas ko lang yung gusto ko"

***FAST FORWARD***

_______________________________
—CHRISTOPHER ENRILE—

"Magandang gabi kuya" napalingon ako sa nagsalita

"Magandang gabi din Niel. Mabuti't nakauwi ka na. Magbihis ka muna dun para kakain na din tayo" sambit ko sa kaniya

"Ahh sige po kuya"

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon