CHAPTER 49: BATI

1 0 0
                                    


____________________­_______
—MHEARL POV—

"Good morning bunso!" Bati agad ni ate pagbaba ko

"Morning" tipid kong sagot. Wala talagang good sa morning ko dahil nakita ko naman ang lalaking ito.

"Hoy ikaw!" Tawag ko sa kaniya "Akala ko ba umuwi ka kagabi? Bakit ka nagpa-umaga?"

"Bunso easy ka lang. Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Kaya nandito pa si Blake kasi umaga na tumigil ang ulan. Ako mismo ang nagsabi sa kaniya kagabi na dito muna siya matutulog"

Hays. Whatever.

"Good morning bab- este Earl pala" napakamot pa ito ng ulo pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Kaya pala paggising ko palang kanina bad mood ako dahil nandito ka pa pala impakto ka! Bahala na nga kayo diyan! Bye!"

Aalis na sana ako ng pinigilan ako ni ate.

"Uy bunso 'san ka pupunta? Ang aga pa ah? Tsaka di ka ba mag-a-almusal muna?"

"Ang layo pa din naman kasi ng biya-biyahein ko ate. At ang last na sagot ko sa tanong mo, maaari naman akong huminto sa pagmamaneho at maghanap ng makaka-kainan" sagot ko

"Saan ka nga pupunta? Pwede mo bang sabihin?"

Napatingin ako kay Blake, alam kong susundan naman niya ako kapag sinabi ko kay ate kung saan. Hysss. Bahala siya

"Salamat sa lahat ate, babalik na ako ng Maynila"

"Iiwan mo na ako?" Parang batang ani nito.

"Huwag ka na malungkot ate" lumapit ako sa kaniya "Pupunta din ako dito paminsan-minsan, para bisitahin ka. At sa susunod na pagbalik ko, gusto kong makilala ang magiging asawa mo ha?" May pa haplos-haplos pa ako sa buhok niya

"Isama mo si Pat pagbalik mo bunso"

"Oo naman ate. Makakaasa ka.... Sige ate, aalis na ako"

"Mag-iingat ka bunso"

(**FAST FORWARD**)

And, tama nga yung hula ko. Habang nagmamaneho ako ay agaw pansin talaga sa may bintana ang isang kotseng kanina pa sumusunod sa akin.

'Tsk. Bwesit talaga ang lalaking ito. Nakakasira ng araw!'

Mas binilisan ko pa ang pagmaneho. Nandito na kami sa may marami ding tumatakbong kotse kaya gusto ko siyang lituhin NA NAMAN

Sakto sa unahan may tatlong papalikong way. Ang ginawa ko ay lumiko ako right side ko sakto din dahil may isang 12 wheel truck ang sumunod sa akin, bus at marami pang iba. May nakita nga din akong kapareho ko ng kotse ay dun lumiko sa left side.

'Bahala na si Blake mag-isip. Hahaha'

Ilang sandali pa'y medyo nakaramdam ako ng gutom na kaagad namang may nakita akong carenderia na medyo di kalakihan. Ipinarada ko na ang kotse ko sa harapan ng carenderia nila.

(**FAST FORWARD**)

Tapos na akong bumili ng pagkain kaya kumakain na ako ngayon. Bigla na lamang akong napahinto at tumingin sa tv sa narinig ko.

Commercial lang ni Cris, napalabas na pala. Ang dali naman ata?

Speaking kay Cris. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo o hindi. Kapag sinabi ko, baka maiiba siya. Or worst, lalayo sa akin.

Hyss. Sasabihin ko na lang para matapos na ang dapat matapos.

____________________­_______
—CHRISTOPHER POV—

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon