CHAPTER 50: NASAAN?

1 0 0
                                    


____________________­_______
—ROSS POV—

Excited akong papalabas ngayon ng KleinShire, hindi ko nga alam kung bakit excited ako eh.

May kalayuan sa KleinShire ang kainan kung saan paminsan-minsan kami kakain nila Earl at Elaine, at dun ako pupunta. Mga ilang hakbang na lang ay makakarating na ako.

Nasa labas pa lang ako ng kainan ay bigla na lamang nalungkot ang mukha ko dahil pagkatingin ko sa puwesto namin ay wala siya NA NAMAN.

Tama ang hula niyo. Si Rey ang tinutukoy ko. Nasanay na kasi akong sa mga oras na ito ay nandito siya't hinihintay akong kumain. Minsan pa nga, siya na ang bumibili ng pagkain para sa akin.

'Nasaan kaya siya? Nung isang araw pa siya walang paramdam. May masama bang nangyari sa kaniya?'

"Ross? Ross!"

Napatingin ako sa likuran ko dahil tinatawag ni Elaine ang pangalan ko.

"Oh Elaine! Nandiyan ka pala! Kanina ka pa nandiyan?"

"Medyo hindi naman. Bakit ka nakatingin lang diyan? Di ka ba papasok sa loob at kakain? Halika! Kain tayo! Matagal na din naman tayong hindi nagkasama!" Wala akong ibang nagawa dahil nahila na niya ang kamay ko.

(***FAST FORWARD***)

"Ang lalim ng iniisip mo kanina Ross. Iniisip ba o may naalala ka, sa puwestong yun?" Sabay turo niya sa puwesto namin minsan ni Rey

"Ah wala. Kalimutan mo na lang yung kanina" sabi ko at akmang kakain na sana ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko

"Malungkot ka naman. Nung isang araw ka pa ganiyan ah? Mag-kwento ka naman Ross para maintindihan kita"

Ilang segundo ang nagdaan bago ako nakasagot "Hindi ko alam Elaine! Litong-lito na din ako sa nararamdaman ko ngayon eh! Ilang days na siyang hindi nagpaparamdam. Nasanay na kasi akong lagi na lang siyang bumubuntot sa akin"

"Si Rey ba ang tinutukoy mo? Yung ex ni Rica?"

Tumango lang ako sa kaniya.

"Dalawa lang ang sagot sa tanong mo. Una, nami-miss mo siya. Pangalawa, nahuhulog ka na din sa kaniya"

"Pero di puwede!" Ani ko

"Huh? Bakit naman hindi puwede?"

"Pareho kaming lalaki Elaine! Bawal yun! Kasalanan yun sa—" hindi niya ako pinatapos.

"Sinong nagsabi sayong bawal? Kasi papatayin ko talaga... Hindi bawal na pareho kayong lalaking dalawa. Ang dami na kayang ganyan kung nanonood ka lang ng mga BL series!"

"Eh series lang yun! Hindi totoo!"

"Hoy gaga! May ganon din sa totoong buhay. Tingnan mo nga, si Sashi at Levi, yung artista na sina Vice at Ion" ani pa nito

"Elaine, pareho kaming straight ni Rey"

"Hay naku Ross! Puwede naman yun. Kung iniisip mo kung ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? Kung sakaling manghusga sila sa inyo? Huwag mo nang pansinin. Buhay mo yan, desisyon mo yan at hindi sa kanila"

Napag-isip isip naman ako sa sinabi niya.

(***FAST FORWARD***)

Time check. Gabi na.

10 na ng gabi kaya sirado na ang KleinShire pero nandito pa din ako. Sinabi kasi ni Sashi na ako na lang raw muna ang magsasarado sa dressshop niya.

Katatapos ko lang mag-check na nakapatay na ba lahat ng ilaw. Actually, papalabas na ako ngayon para makauwi na. Ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon