CHAPTER 23

1 0 0
                                    


_____________________________
—RICA POV—

Pagkatapos ng misa ay dumiretso kaagad kami ni Ash sa bahay nila kaya sobrang kaba ko ngayon. Habang papalapit ng papalapit, mas lalong kumakabog ang aking dibdib.

Nandito na pala kami. Hininto na ni Ash ang sasakyan niya. Bumaba naman siya at pinagbuksan pa ako ng pinto.

Paglabas ko ay nakatingin lang ako sa buong bahay nila. Napakalaki at pangmayaman talaga. Napakalinis pa ng paligid.

"Should we go inside?" Napalingon ako kay Ash, hawak pala niya ang bewang ko. Napaka-gentleman lang at nahalata niya atang kinakabahan ako.

"Hey Rica" iniharap niya ako sa kaniya at this time ay nakahawak na siya sa dalawang balikat ko "Kinakabahan ka nga talaga" saad niya

"First time ko ito Ash. Maski si Rey hindi pa niya at never akong ipinakilala ang magulang niya. Kaya ganito na lang ang kaba ko ngayon"

Hinalikan niya ang noo ko. At sa paghalik niya ay sobrang sarap lang sa pakiramdam.

Tapos niyakap ako neto "Huwag kang mag-alala Rica, hindi ka naman kakagatin nila mommy at daddy. Hindi ako papayag. Kasi gusto ko? Ako lang ang kakagat sayo"

Hinampas ko naman ito sa may dibdib niya.

"Hehe joklang. Ikaw naman galit agad" di ko pa din siya pinansin.

"Pasok na tayo sa loob dahil kanina pa yun naghihintay sila mommy at daddy"

****FAST FORWARD****

Yung akala ko talaga masungit mama ni Ash kasi ba kwento sa akin ni Tito noon na siya ang mahirap tapos asawa niya ang mayaman. Akala ko talaga masungit pero hindi pala. Sobrang napakabait niya.

"Hey iha! Bakit ka hindi kumakain diyan?" Napalingon ako sa kaniya

"Uhm kasi po... Busog pa kasi ako" sagot ko at ningitian siya.

"You look Shy iha. Huwag ka mahiya, welcome na welcome ka dito sa pamamahay namin. Basta siguraduhin mo lang na magiging anak kita soon" medyo napatawa naman ako

"Dad!" Suway ni Ash na nasa gilid ko lang.

Tiningnan ko naman siya at sinabing "Okay lang yun Ash"

_____________________________
—CHRISTOPHER POV—

Dinala ko si Niel dito sa bagong bukas na zoo. Kung makikita niyo ang mukha niya ay sobrang saya neto na nakapag-bonding naman kami ulit. Sa pagkakatanda ko, matagal-tagal na din kaming hindi nakapag-bonding.

Nandito pala kami ngayon kung saan makikita mo na may nagsasalita sa harap for instructions and etc.

Ilang sandali din ay....

"You can now go inside. Enjoy!"

Agad naman akong hinila ni Niel papasok. Hindi naman masyadong maraming tao. Sakto lang siya.

"Omayghadd kuya! There's a tiger oh!" Aniya sabay turo dun sa tigreng mahimbing lang na natutulog

_____________________________
—AUTHOR'S POV—

Habang aliw na aliw sila Cris at Nathaniel ay sa kabilang banda naman ay makikitang papasok pa lamang sila Earl, Patrick at Agustin.

"Ang ganda dito!" Manghang sambit ni Earl

"Sabi ko naman sayo bunso eh!"

"May ano sila oh!" Ani Agus at agad tinakbo kung ano yung nakita niya.

Kapwa silang lahat aliw na aliw sa nakita nilang iba't ibang klase na hayop. Nag-enjoy silang lahat lalo na si Cris at Nathaniel.

_____________________________
—MHEARL POV—

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon