CHAPTER 36: SINO SIYA?

1 0 0
                                    


___________________________
—STILL EARL POV—

"Earl, use this" Napatingin ako kay Cris. I grabbed his handkerchief at pinunas agad yun sa luha ko.

"Sorry kung nagtanong ako. Napaiyak tuloy kita"

"No Cris. It's okay. Ganito lang talaga ako. Maiiyak talaga ako kapag nagkwento kay mama" sabi ko

"Pero di talaga maibalik ang tiwala mo sa Panginoon? Earl!" Humarap ulit ako sa kaniya "Sa dinami-dami ng pinagdaanan mo. Sa dinami-daming masasakit na bagay ang nangyari sayo, kailangan mo pa ding magpasalamat sa kaniya Earl" aniya at itinuro pa ang langit.

"For what Cris?! Kinuha nga niya ang taong tanging mahal na mahal at sumuporta sakin"

"May dahilan kung bakit siya kinuha sa iyo. Tsaka, marami pa din namang blessings ang natanggap mo. Successful pa ang negosyo niyo ni Sashi. Diba?.. Akalain mo yun Earl, hindi ka niya pinabayaan nung panahong pinalayas ka ng papa mo sa inyo. Binuhay ka pa niya at nilalaban nung mga panahong sobrang kasakitan ang nangyari sayo"

"At tsaka Earl, hindi ikaw lang ang nawalan ng isang ina. Mabuti ka pa nga dahil sa mataas na panahon mo nakasama ang mama mo. Hindi parehas sakin. Nai-kwento ko naman sayo Earl ang sakit na dinanas ko nung nawala siya. Pero sabi nga ni Auntie noon, may dahilan kung bakit sila nawawala. Kaya ikaw Earl, mas mabuting ibalik mo ang pananampalataya mo sa kaniya"

"I don't know Cris" Sa mahaba niyang sinabi, yun lang ang naisagot ko.

Pero alam niyo, nalungkot ako bigla nung nag-kwento siya sa mama niya. Do you wanna know why? Secret.

____________________________
—CRISTOPHER POV—

**Phone rings**

**Phone Rings**

"Teka lang Earl ha, sasagutin ko muna kung sino ito" sabi ko sa kaniya at naglakad na medyo malayo sa kaniya.

[Hi Mr. Enrile! We're here na! Were waiting for you na lang!]

Napakamot ako sa ulo ko. 'Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan!'

"Papunta pa lang ako. Pasensiya na kung paghihintayin ko kayo"

[It's okay Mr. Enrile. Don't worry]

"See you" ibinaba ko na ang tawag. Bumalik naman kaagad ako kay Earl.

"Sino yung tumawag? Parang importante ah?!" Tanong neto na di ko alam kung anong ginamit na tono.

"Kinuha kasi ako bilang new endorser ng isang Company. Magkikita kami ngayon, at yung CEO pa mismo ang kakausap sakin"

Medyo nagulat naman siya "Oh really? Ano pang hinihintay mo?! Puntahan mo na siya!"

Balik ako sa kakaupo.

"Yun nga problema ko eh! Baka hindi totoo. Baka nagpapanggap lang sila. Baka pagdating ko dun ay mga holdapers, kidnapers pala yun. Baka isang leader pala ng drug lord! Ayoko pa mamatay Earl! Paano na ang kapat–"

"Hey Cris!" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko "Anong pinagsasabi mo?!" May patawa-tawa pa ito

"Dala siguro yan sa mga napapanood mo HAHAHHA. Wala namang masama kung susubukan mo diba? Baka totoo. Naalala mo yung  sinabi ko noon? Na kapag manalo ka ay maaari kang kunin ng iba't ibang kompanya! This is it Cris! This is the time! Mas sisikat ka pa!"

"Pero paano kung totoo yung mga sinabi ko kanina lang?!" Aniko

"I believe na, hindi" Binitawan na niya ang pagkakahawak sa pisngi ko "Kaya go na Cris! Puntahan mo na siya!"

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon