CHAPTER 37: BISTO

2 0 0
                                    


___________________________
—NATHANIEL POV—

Suot ko ngayon ang black na hoodie habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa at habang naglalakad patungo sa puntod ni Mrs. Balmonte.

Nandito ako sa harapan ng puntod niya para humingi ng tawad. Alam ko kung san nakalagay ang puntod niya dahil nandun mismo ako sa araw ng libing niya. Hindi nga lang ako nagpakita sa karamihan.

Huminto ako at tumingin sa paligid kung may tao bang paparating. Ngunit wala, sakto ako. Sobrang tahimik ng paligid.

Sinindihan ko muna ang kandila tapos ay tiningnan na ang puntod niya at kinausap ito.

"Hi maam Melisse, I know you're still mad at me. Kaya nandito ako to apologize for what I've done. I'm so sorry Mrs. Balmonte, hindi naman po talaga kami ang may kasalanan. It's Ms. Agatha, inutusan niya po kami. Honestly Ms. Melisse, hindi ko ginusto yun"

Pinunasan ko ang isang tumulong luha.

"I hope po na, after this.. Hindi na po kayo magpaparamdam sakin. Look maam Melisse, sobra kong pinagsisihan ang pangyayaring yun. I'm sure kuya Earl will be mad, kapag nalaman niya about dito. Rest in peace Maam Melisse. Sana, maging mapayapa ka na talaga"

Saglit kong hinawakan ang puntod niya at ibinalik ang kamay sa bulsa.

___________________________
—MHEARL POV—

"Tsak akong masaya ngayon si mama dahil bibisitahin natin siya" sambit ko na di maitago ang ngiti.

"Im grateful dahil walang masyadong gawain sa opisina. But next week? Sandamakmak na naman" Napatawa na lang ako sa kapatid ko. Si Pat.

"Kaya mo yan kuya. Ganyan talaga ang buhay hahaha"

"Sinabi mo pa"

Inihinto na niya ang kotse niya dahil nandito na kami. Agad naman akong bumaba dala ang bulaklak.

Pagkababa ko ay nilingon ko si kuya Pat at lalakad na sana kami ng biglang may tumawag sa phone niya.

"Mauna ka na lang doon Earl. Susunod ako. I'll just answer this call"

"Sige kuya"

Tumalikod na ako sa kaniya at nauna nang maglakad.

Madali lang akong nakarating sa puntod ni mama. Ngunit habang nasa malayo pa ako ay may nakita akong isang tao, naka-black hoodie na nasa harapan talaga ng puntod ni mama at parang kinakausap niya ito kaya di ko maiwasang mangunot ang noo ko.

Naging mabagal ang lakad ko dahil gusto kong makilala kung sino siya. Ayaw ko ding mahalata niya ako. Sakto dahil tapos na siya sa pakikipag-usap at parang aalis na ata.

Lumingon na ito banda sa direksiyon ko at nagulat na may halong taka ang reaksyon ko ng makilala kung sino ito.

"Niel??"

"Kuya Earl??" Maging siya ay nagulat din nung nakita niya ako.

"Anong ginagawa mo sa harap ng puntod ni mama Niel?" Takang tanong ko pa din dito habang humahakbang papalapit sa kaniya. 

"Ahh... Kasi po..." Di siya makatingin sakin

"Kasi ano?"

"Nabanggit na ata ni kuya sa iyo ni kuya na dito din nakalibing ang mga magulang namin"

Oo nga pala

"Tapos po ay napadaan ako dito at nabasa ko ang pangalan ng mama niyo. I didn't expect nga na dito din siya nakalibing" sambit niya tapos ay tumingin sakin at umiwas din

"Pauwi ka na ba? Mamaya ka na lang umuwi kasama namin. Tutal pagkatapos neto, diretso na ako sa condo"

"Thanks, but no thanks kuya. Magco-commute na lang po ako. Sige po. Bye!"

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon