CHAPTER 35: MAMA

1 0 0
                                    


____________________________
—MHEARL POV—

Paggising ko ay nagulat ako sa bumungad sa akin.

"Good morning anak!" Nakangiting bati ni mama.

"Mama?"

Alam kong panaginip ko lang ito kaya lubus-lubusin ko na ito dahil tutal parang totoo namang nandito si mama.

"Bumangon ka na anak" umupo siya sa ibabaw ng kama ko

"Mama, salamat po dahil nagpakita kayo sa akin kahit sa panaginip lamang" sambit ko habang bumabangon. Pagbangon ko naman ay agad ko siyang niyakap.

"Anak, may sasabihin ako sayo"

"Ano yun ma?" Humiwalay ako mula sa pagkakayakap.

"Ipangako mo sakin ha na kapag nalaman mo na kung sino ang walang awang pumatay sa akin, ipapakulong mo sila. Bigyan mo talaga ng hustisya ang pagkamatay ko" sambit niya

"Oo naman po ma. Hindi ko siya mapapatawad kahit sino pa man siya"

"Maraming salamat anak" niyakap niya ako na ginantihan ko naman.

Ilang sandali pa'y paglingon ko ulit kay mama ay wala na pala siya. Hindi ko lang pala yun panaginip, totoong nangyari siya. Totoong nandito si mama kanina lang.

Pinunasan ko na lang ang tumulo kong luha na di ko namalayang tumulo pala kanina nung kausap ko si mama.

Napatingin ako sa phone ko dahil nag-vibrate ito. Kinuha ko naman ito at pagtingin ko'y si Cris lang pala.

[Good Morning Earl! Hindi ka ba busy ngayon?]

Nagtataka naman ako.

"Hindi naman masyado. Bakit?"

Puwede din naman kasing di ako pupunta ng KleinShire ngayon kasi si bakla na ang nagma-manage. Sa kaniya naman talaga yun.

Nag-reply naman agad si Cris [Labas lang tayo. Treat ko]

Nanatili pa ding nakakunot ang noo ko "Anyare sa lalaking ito?"

Ewan ko pero pumayag na lang din ako "Sige Cris"

Hindi ko din alam kung bakit excited ako. Tumayo na lamang ako sa kama para maghanda na.

____________________________
—AGATHA POV—

Nandito ako ngayon sa sala ng aming bahay habang iniisip pa din kung ano ang magandang plano  sa pagpatay ko sa mga Balmonte. Una kong napatay ang mama niya kaya isusunod ko na sila. Winasak nila ang buhay ko. Winasak nila ang pamilya ko. Kaya wawasakin ko din ang sa kanila.

Nag-smirked ako...

Habang patuloy ako dito sa kakaisip ay nakita ko si Blake sa may hagdanan at parang aalis ata.

"Hey Blake! Where are you going? Bakit may dala kang mga maleta?"

"Magswi-swimming siguro" pamimilosopo nito.

Sinundan ko ito hanggang sa umabot kami sa kotse niya na ako mismo ang nagbili. More than a half million din ang kotseng ito.

"Blake! Answer me! Saan ka pupunta??!" ipinaharap ko siya sa akin at sakto ding kakatapos lang niya ilagay ang mga maleta niya sa kotse niya.

"Ikaw talaga ang bobo mo! Iiwan ka malamang! Tsk! Tsaka,I don't need to break up with you. Kasi wala namang tayo"

"So ganun-ganun na lang?! Alam mo kung anong kaya ko! Baka gusto mong ilista kita sa mga papatayin ko! At ipapatay kita sa tauhan ko!" Sigaw ko din dito

"Kakasabi mo lang na ikaw ang papatay? Tapos magpapa-utos ka lang pala sa tauhan mo? Tsk! Stupid! Bobo"

Sasakay na sana ito ng biglang humarap ulit

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon