CHAPTER 24

1 0 0
                                    


_____________________________
—RICA POV—

"Maraming salamat sa lahat tito, tita. Ang bait niyo po sobra" nakangiting saad ko sa kanila with matching pa-bow-bow pa.

"Walang anuman yun iha! Napakabait mo din kasing bata!" Si Tito

"Natawa talaga ako sa mga jokes mo kanina. Palabiro ka din palang bata ka! Same vibes lang tayo" napatawa naman ako sa mommy ni Ash. Speaking sa kaniya, eto dumating na.

"Mom, dad. Gabi na. Iuuwi ko na siya" sambit neto

"E ayaw ko anak!" Humarap si tita sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko "Iha bumalik ka dito ha? Welcome ka sa pamilya namin"

"Ah sige po. Makakaasa po" ningitian ko naman siya ng matamis

"Sige iha. Pasok na din kami sa loob" ani Tito

"Sige po"

Akmang papunta na sana sila sa kanilang silid ng napalingon kaming lahat sa main door dahil bumukas ito.

Tapos biglang nag-slow motion ang paligid nung pumasok na yung...

Teka....

'Si ano toh!'

Sobrang nanlaki ang mata ko at kinabahan ng makilala ko kung sino ito

'It's Rey!'

_____________________________
—REY POV—

"Put*ngin*! Galit pa din ba sa akin ang mga magulang ni Rica?! Nagpatawad na nga ang tao ayaw pa ding patawarin! Tsk!"

Bad mood akong umuwi sa bahay nila Auntie. Paano ba naman kasi e kanina lang pumunta ako sa bahay nila Rica tapos pinagalitan lang ako ng magulang niya. May kasalanan ka din naman Rey! Tapos hindi ko pa nakita si Rica dahil wala sila sa bahay nila.

Bumaba na ako sa kotse ko at naglakad na papasok ng bahay. Pagpasok ko ay agad namang may umagaw ng atensyon ko.

And I was shocked, medyo nanlaki ang mata ko.

'Yung hinahanap kong babae, nandito lang pala. Sino ang nagdala sa kaniya dito? At bakit?'

"Rica?"

_____________________________
—BACK TO RICA POV—

"So Rica, how are you?" Si Rey unang nagsalita, klaro naman ata.

Nandito kami sa may garden nila Ash. Nag-uusap. Kami lang dalawa dahil gusto ni Rey na makausap ako at gusto ko din siyang kausapin.

Tsaka wala si Ash dahil siya ang nagpapaliwanag kay tita at tito. Ang dami nilang tanong eh! Haha.

Tanong ko din 'Ano palang ginagawa ng lalaking ito dito sa bahay nila Tito?'

"Alam ko Rica nagtataka ka kung bakit ako nandito at anong ginagawa ko sa bahay ni Uncle"

'Huh? Uncle?'

"Wala bang sinabi si Ash sayo? Magkamag-anak kaming dalawa"

Napa-isip isip ako.

"Wala.. Wala siyang sinabi" sabi ko dito. Di din naman yun importante.

E ano ngayon kung ang ex ko ay related sa lalaking nanligaw sa akin ngayon. Wala namang masama dun.

Napatingin ulit ako kay Rey dahil bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko na agad ko namang inilayo

"Sorry Rica. Sorry for everything I've done to you! Pinagsisihan ko na yun Rica! Dapat hindi kita niloko!"

Uminit yung ulo ko "Putchaa naman Rey! Ngayon nagsisisi ka?! Nakalimutan mo na ba?! Hindi lang isa! Tatlo ang babae mo! Apat kami! Sabihin mo na lang na babaero ka talaga!"

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon