CHAPTER 25: BANGUNGUNOT

1 0 0
                                    


____________________________
—MHEARL POV—

"Teka Elaine, nasaan si Ross?" Takang tanong ko sa kabilang linya.

[Hindi ko alam Earl. Ewan ko sa lalaking yun. Minsan nga, hindi ako pinapansin. Parang di na nga siya yung dating kaibigan na kilala natin]

"Ako na lang ang tatawag sa kaniya. Kakausapin ko siya"

[Sige Earl. Bye! May mga customers] naputol na nga ang tawagan namin.

____________________________
—SECOND PERSON POV—

Papaupo na sana ako ng biglang may tumawag sa phone ko na sinagot ko naman kaagad dahil kakilala ko lang kung sino ito.

[Good Morning *****] bati niya agad.

"Good morning din sayo maam"

[Siguraduhin mong nasa magandang unit ang mga anak ko. Huwag kang mag-alala, like I've said, ako na ang bahala sa lahat. Wala kang pro-problemahin pa]

"I know maam. Tsaka, ipinapangako ko sa inyo na nasa maayos na kalagayan ang anak niyo" sabi ko at ngumiti.

[That's good. I will end the call. Tinawagan lang kita dahil dun.... Wait, there's one more. Huwag mo kalimutang i-text sakin kung anong unit sila. Para naman makapagpadala ako ng mga pagkain or anything na gusto nila]

Umupo muna ako.

"Yes maam. I will never forget that"

[Maraming salamat sayo]

"You're very welcome maam" and the end of the call.

____________________________
—CHRISTOPHER POV—

***FLASHBACK: NANGYARI KAGABI***

Time check. 7:26 pm.

Tapos na kaming kumain dalawa.

"Ah kuya! Ako na ang maghuhugas ng mga ito" ani Niel sabay ligpit sana ng mga pinagkainan namin ng pinigilan ko.

"Huwag! Ako na. Magligpit ka na lang ng mga gamit mo"

"Huh? Bakit kuya? Pinapaalis na ba tayo dito? Lilipat na tayo kuya?" May alala at excited ang makikita mong emosyon sa kaniya.

"Oo. Sabi ni Earl ililipat niya tayo. Sa isang condo" saad ko

"Huh? Condo kuya? Mahal yun diba?" Umupo siya sa kinauupuan niya kanina.

"Sabi niya wala raw'ng modelo niya na nakatira sa ganitong lugar. Maraming lamok, maingay at mainit" sabi ko

"Ang arte naman niya kuya"

"Bahala na. Sundin na lang natin siya. Mag-impake ka na ng mga gamit mo. Ako na ang bahala dito"

"Sige kuya" umalis naman siya

***FAST FORWARD***

Pagkatapos kong maghugas ay nagligpit na din ako ng mga gamit ko. Sa paglilipit ko ay nakita ko yung sketch pad na binili ko noon. Hindi ko na natatandaan anong araw.

Umupo ako sa ibabaw ng kama dala yun.

Pagkabukas ko sa sketch pad ay isa pa ang naiguhit ko. At sobrang natatandaan ko pa ang araw nung iginuguhit ko ito.

Ito yung gabing pumunta ako sa KleinShire para personal na pasalamatan si Earl. Yun din ang gabi na pinagtripan ko siya na wala siyang kaalam-alam hahahha. And siya nga, siya yung iginuhit ko sa sketch pad ko. Hehehe.

Napangiti ako nung maalala ang mga nangyari nung gabing iyon. At kung makikita niyo ang drawing ko, maganda siya. Haha. Nagsasabi lang ng totoo.

***END OF FLASHBACK***

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon