EPILOGUE

2 0 0
                                    

......AFTER SO MANY YEARS......

____________________­_________
—SOMEONE'S POV—

"Sirea ipagpatuloy mo na ang kuwento mo!"

"Hanggang dun na lang ba talaga ang storya nina Cris at Earl?"

"Namatay ba talaga si Earl?"

Umupo muna kaming lima dito sa madalas naming inuupuan tuwing break time.

"Grabe kayo ah? Sobrang excited malaman kung ano ang susunod?" Ani Sirea

"Magkwento ka na! Hindi na ako makapaghihintay pa!"

"Oo nga Sirea! Ako din!"

Habang ako'y nanatiling tahimik sa kanila.

"Yun na talaga yun. Nothing more, nothing less. Namatay din talaga si Earl" aniya

"Paano mo naman nalaman na hanggang dun na lang talaga?" Tanong ni Henry na nasa tabi ko.

"Kuwento ni lola!.. Basta ang huling kwento niya sa amin, pagpasok nila. Ay duguan nang nakita nila si Earl habang nakayakap sa kabaong ni Cris"

"Shocks!" Kaibigan kong si Sofia

"Grabe noh?" Yan si Kylie

"Grabe talaga. Alam niyo, ganun naman talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Handa mong isakripisyo ang lahat makasama ka lang niya" tapos ay medyo nagulat ako ng tumingin siya sa.. akin?

"Oh why?" Nagsitinginan din silang lahat "Nanahimik lang ako dito oh!"

"Nothing" sagot ni Sirea at ngumiti lang ito tapos ay ibinaling ang tingin sa iba.

I dont know pero kapag magkwe- kwento siya about dun kay Cris at Earl ay may part talagang titingin siya sa akin. Baka nagwa- gwapohan lang siya.

"Sirea! Nandiyan na yung kuya mong over gwapo pero over suplado naman!"

Napalingon kaming lahat sa taong lumapit.

"Kuya! What are you doing here?!"

"Sinusundo ka, malamang"

"Why? May klase pa tayo mamaya"

Hindi naman kami chissmosa dahil nakikinig sa usapan nila noh?

"Let's go" hinila na siya ng kuya niya.

"Kuya ouch!" at tuluyan na silang nakaalis.

Balik tingin na lang ako sa mga kaibigan ko. Kumakain na pala sila, patay gutom talaga haha.

____________________­_________
–SIREA POV–

"Kainis ka naman kuya!" Hindi niya ako pinansin at nauna nang naglakad kaya sumunod na lang ako.

"Teka.. Anong ginagawa natin sa hospital?" sa wakas ay huminto ito at tumingin sa akin.

"Sumunod ka na lang. At puwede ba, huwag kang magsalita. Ang ingay mo" sambit niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

'Hyss! Bakit pa ako biniyayaan ng kuyang katulad niya?! Sobrang suplado ta's babaho na ata ang bunganga kasi di magsasalita. Buti na lang gwapo yang kuya ko'

'Teka, asan na yun? Ang bilis namang maglakad!'

(**** FAST FORWARD ****)

"Lola? Kayo po ang na-hospital? Bakitt?? Ano pong nangyari???" agad ko siyang nilapitan.

She's our lola, named Maris.

"Ikaw talaga apo!"

Niyakap ko siya na ginantihan niya naman.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon