CHAPTER 52:

1 0 0
                                    


___________________________
—CRISTOPHER POV—

(**** 2 DAYS PASSED ****)

"Live tayo ngayon kung saan kakatapos lang na pangyayari ang paglusob ng mga pulis sa pinagtataguan ng isang sikat na designer na si Agatha Veirdo. Tagumpay naman nilang nailigtas ang isa ding sikat na designer na si Mhearl Balmonte, kapatid netong si Patrick Balmonte at isang nagtratrabaho sa kompanya ng mga Balmonte na si Agustin Calahat. Pero maraming nasawi kabilang na si Agatha Veirdo dahil umano'y nanlaban ito sa mga pulis" dinig kong sambit ng reporter

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nalaman kong nawawala si Earl. Ngayong gabing ito ang pagsagip sa kanila pero wala man lang akong nagawa para iligtas sila lalo na si Earl.

"Mr. Earl Balmonte! Mr. Earl Balmonte!" Napatingin ako sa mga nagkukumpulang mga reporter at agad na lumapit.

Di dahil sa kanila kundi gusto kong yakapin si Earl kaya nakipagsiksikan ako sa mga tao.

"Puwede po ba kayong ma-interview?"

"Ano pong nangyari Sir Earl?" At marami pang tinatanong ang mga reporter sa kaniya.

Tagumpay namang nakipagsiksikan ako sa kanila kaya kahit na may mga pulis na kasama si Earl, nakahanap ako ng paraan para mayakap ito.

Mga ilang segundo ko siyang niyakap tapos ay tumingin ako sa kaniya.

"Earl! Sorry kung wala man lang ako nagawa! Kamusta ka? May tama ka ba? Sugat? Dalhin kita sa hospital"

Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Tiningnan lang niya akong emotionless ang mukha.

"Sir sorry, pero bawal munang lapitan siya" ipinalayo ako nung isang pulis pero nakatakas ako sa kaniya.

"EARL! Si Cris toh!" Hinawakan ko ang mga kamay niya pero pareho pa ding walang emosyon.

"Sabing bawal muna siyang lapitan eh!" Pinalayo ulit ako kay Earl pero si Blake na ngayon. Tapos ay inalis na niya si Earl dito at sumakay sila sa ambulance.

'Earl!'

(Author's note: Si Blake na ex ni Earl ay isang baguhang police officer. Tumigil siya sa pagpu-pulis noon sa kagustuhan na din ni Agatha. If you will ask kung bakit hindi nireport ni Blake si Agatha sa mga masasama niyang ginagawa dahil simula una hindi niya alam na druglord pala ito. Lately lang niya nalaman)

Kilala ko na si Blake. Ipinakilala sa akin ni Sashi. 'Kalangan kong puntahan si Earl. Baka medyo na-trauma siya kaya ganun siya kanina. Hahanap ako ng paraan makita at maka-usap lang siya'

Aalis na sana ako ng paglingon ko sa likod ko ay ako ang dinumog ng mga reporters.

"Mr. Enrile! Puwede ka po naming ma-interview?"

"Bakit niyo po biglaang niyakap si Mr. Balmonte kanina? Kayo na po ba?"

'Shocks! Nakalimutan kong mag-disguise dito ngayon para hindi makilala nila!'

"Mr. Enrile!"

"Pasensiya na po. Pero kailangan ko ng umalis" huling sambit ko at tumakbo na papaalis sa kanila.

(***FAST FORWARD***)

___________________________
—BLAKE POV—

"Huwag na muna kayong magpapasok. Except sa mga pulis, especially sa mga doctors and nurses. Hindi pa puwedeng kausapin ang kapatid ko. At huwag na huwag niyong papasukin ang mga reporters. Maliwanag ba?" Naririnig kong kinakausap ngayon ni Marisse ang dalawang tauhan ng papa niya.

"Yes po maam. Masusunod po"

Umalis na si Marisse at lumabas na din ako. Akmang papasok na sana ako ng pinigilan ako ng isa.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon