CHAPTER 27

2 0 0
                                    


____________________________
—ROSS POV—

Umalis ako kay Earl dahil hindi ko na kaya, maluluha na ako. Mag-e emote na sana ako dito ng biglang.....

"Hey!"

Napalingon ako dun. Bigla na lamang uminit ang ulo ko nung makilala kung sino  ito.

"Ikaw naman Rey?! Are you stalking me?? Nung isang araw ka pa sunod ng sunod sa akin ha?!" Medyo napataas ang boses ko

"Hoy! For your information, hindi ako nangsta-stalk sayo! Sino ka man para gawin ko sayo yun? Sadyang pinagtagpo lang talaga tayo ng tadhana" nakangiti pa niyang sambit.

"Tadhana ka diyan! Tse!" Inirapan ko ito tapos hinarap din ulit "Teka ano bang ginagawa mo dito? Imbitado ka ba sa kasal?"

"Imbitado sa kasal? Ng ganitong suot?"

Tiningnan ko naman ang suot niya, hindi nga para sa kasal. Naka-jacket at pants lang siya.

"E di ano nga ang ginagawa mo dito?!" Tadyakan ko kaya toh?

Ilang segundo pa ang makalipas bago siya makasagot. "Magkukumpisal lang. Alam mo naman, for the change. Pinagsisihan ko na talaga ang mga ginawa ko noon"

"Naks ah?! Ano pala ang mga kasalanan mo?"

"Huwag na madaming tanong" sabay gulo niya sa buhok ko "Samahan mo na lang ako mamaya, para madinig mo HAHHAHA"

"G*g* ka talaga!" Inalis ko na ang kamay niya sa ulo ko "Bahala ka nga diyan! Tse!" Iniwan ko siya

____________________________
—CHRISTOPHER ENRILE—

Ito na yung part ng kasal na mangako sila sa isa't-isa.

"Earl, pwedeng magtanong?" Aniko at agad ko namang nakuha ang sagot niya.

"Ano yun?"

"Gusto mo bang maikasal? Yung tipong paghahandaan mo talaga ang araw na yan. Ikaw ang magsu-suggest kung ano ang ide-design sa reception at simbahan. At yung tipong gusto mo nang enggrande" di ko alam kung bakit lumabas ang katagang yan sa bibig ko

"Oo Cris. Gusto kong maikasal sa lalaking mahal ko. Pero alam naman nating lahat na bawal diba? Walang batas na nagpapahintulot na pwedeng ikasal ang lalaki sa lalaki"

"Tsaka hindi na importante sa akin kung enggrande ba ito o hindi. As long as kinikilala ng batas ang kasal namin ay okay na okay na ako. Pero yun nga, bawal diba?" Mahabang lintanya niya.

"Pero pwede sa ibang bansa"

"Bat mo ito sinasabi sa akin?"

Napatigil naman ako. Tinanong ko sarili ko 'Bakit nga ba?'

"Uhm wala lang" sagot ko na lang dito.

"Uy ikaw Cris ah?! Parang may something sayo eh!" Sabat ni Ross. Tiningnan ko naman siya tapos ay tinaasan ng kilay.

"May mali ba sa tanong ko?"

Hindi naman ito sumagot bagkus ay ngumisi lang. Baliw ata.

____________________________
—MHEARL POV—

Ewan ko kay Cris ba't niya tinanong yun. Bumibilis na tuloy ang tibok ng puso ko. Abnormal na ata ito.

"Isa na lang katanungan Earl"

"Ano?" Sagot ko ng hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

"Nasabi mo sa akin noon, hindi ka naniniwala sa diyos. Gusto ko lang itanong kung bakit?"

Dahil sa sinabi niya ay napatigil ako tapos ay tiningnan siya. Ilang segundo ang lumipas bago ako makasagot.

"Remember number one rule? No personal questions. Period!" Sagot ko na lang. Salamat dahil nakakita ako ng paraan.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon