CHAPTER 30: LAMBING

1 0 0
                                    


____________________________
—MHEARL POV—

Napagising ako dahil parang may isang taong nakapatong sa akin at may masamang binabalak. Pagkamulat ko naman ng aking dalawang mata ay nagulat ako

"CRIS?!!!" Hindi siya sumagot at isang nakakalokong ngisi lang ang ipinakita

"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka sa ibabaw ko!! Umalis ka sa kuwarto ko!!"

Hindi niya ako pinakinggan at ginawa ang binabalak niya

"CRRIIIISSSS!!!!"

*********

"EARL EARL EARL!" Inimulat ko ang mga mata ko. Medyo may kahingalan akong gumising.

"Pasensiya na kung ginising kita, parang nananaginip ka kasi ng masama. Tapos ay isinigaw mo pa ang pangalan ko. Bakit ba?"

Hindi ako sumagot dahil nakaramdam ako ng pagkasakit ng aking ulo, kaya hinawakan ko ito

'Weyt a minute. Anong nangyari pala?'

Tiningnan ko naman si Cris at akmang magtatanong na sana ng sumagot ito, parang alam niya ipinapahiwatig ko.

"Lasing ka kagabi. Nagpakalasing. May problema ka ba Earl?"

Bigla namang nagbago ang mood ko nung naalala ang nangyari kahapon. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa nakita ko.

"Anong nangyari Earl? Puwede mong isa–"

"Wala akong problema. At puwede ba, umalis ka na sa kuwarto ko!" Walang emosyon kong sambit at itinuro ang pinto.

Wala naman itong nagawa at sinunod ang sinabi ko.

____________________________
—CRISTOPHER POV—

Moody talagang ito si Earl. Kung kanina lang okay kami ngayon ay parang galit sa akin.

Paglabas ko naman sa kuwarto niya ay nagtungo ako sa kusina para i-check ang niluto ko para breakfast.  Yes guys, nagluto ako, pinakialaman ko muna ang mga gamit niya. Tapos ay naglinis na din ako sa buong condo niya.

"Earl, kain na tayo!" Yaya ko dito nung makita ko siya. Tapos na ata itong manghilamos.

Wala naman itong sinabi at umupo lang kaya umupo na lang din ako.

____________________________
—ELAINE POV—

"Ross, ano bang problema mo?!!" Kanina ko pa siya sinusundan ngunit hindi man lang ako neto nilingon.

"Ross naman! Kausapin mo naman ako plss?!!! Ano bang problema mo?! Magsabi ka naman dahil litong lito na ako!!"

Dahil sa sinabi kong yun, sa wakas ay lumingon siya. Hindi ko maipinta ang reaksyon ng mukha niya.

"I don't have any sh*t problems. Stop following me Elaine. I'm busy. Alam naman natin diba na malapit na ang fashion night?! Kaya do your work!"

Tinalikuran naman niya ako at pumasok sa tahian. Well, dito siya naka-assign.

Iba na talaga si Ross. Parang di na siya yung dati.

Akmang uupo na sana ito ng mabilis kong nakuha ang kamay niya dahilan para tumingin ulit ito sa akin.

"Ano ba Ross?!! Ano bang problema mo?!! Sabihin mo sakin!! Ako ba ang problema mo?!! Sabihin mo!! Hindi yung pinapamukha mo akong tanga!!"

Nahalata ata siguro ng iba na nag-aaway kami kaya umalis ang mga ito. Hinintay pa ni Ross na makaalis ang lahat.

"Ikaw? Ginagawa kitang tanga?! Hoy Elaine! Ako ang ginagawa mong tanga! Matagal na! Sobrang dati pa!"

Nagulat at nagtaka naman ako sa sinambit niya "Anong sinasabi mo?"

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon