CHAPTER 54: AWAY MAGKAPATID

1 0 0
                                    


___________________________
—MHEARL POV—

Napagising ako dahil may narinig akong mga ingay. 'Sh*t! Sino mga yun? Kita nilang natutulog ako oh!'

Pagkamulat ko ng mata ay nakita ko kaagad ang dalawang ito, sina Cris at Blake. At parang may pinagtatalunan.

"IN YOUR DREAMS CRIS!" nakahawak pa si Blake sa kwelyo ni Cris.

"HOY! You too! Can you just please shut up?" Agad ko namang nakuha ang atensyon nila at nagulat pa ang mga ito.

'Bakit ganyan ang mga reaksiyon nila? Multo ba ako?'

"EARL??"

"EARLLLL!!!" Lumapit silang dalawa sa akin.

"Earl gising ka na!"

"Ay hindi, tulog pa" pamimilosopo ko kay Blake.

"Earl mabuti't gising ka na" ani Cris

"Ang ingay niyo kasing dalawa. Ano bang pinag-aawayan niyo? Para kayong mga bata!"

Nagkatinginan sila ng masama 'Anong nangyayari sa dalawang ito?'

Napatingin ako sa pinto dahil biglang bumukas at iniluwa si ate. Pagkalingon niya sa akin ay ang laki ng tuwa niya.

"Bunssooo!" Tumakbo ito sa kinaroroonan ko at niyakap ako

(~~DAYS PASSED~~)

___________________________
—CHRISTOPHER POV—

Mag-2 days na simula nung nagising si Earl, kahapon lang siya lumabas. Mag-2 days na din nung ininis ko si Blake hahahha. Mabuti lang sa kaniya yun.

"Christopher, may naghahanap po sa inyo sa labas" mabuti din dahil sumunod ang mga katulong sa utos kong huwag na akong tawaging 'Sir Cris' ayoko kasi ng ganun.

"Kilala niyo po ba kung sino?"

"Hindi. Pero familiar siya, parang nakita ko na dati"

'Huh?'

"Sige po, pupuntahan ko na"

Umalis na siya at tumayo na din ako palakad sa labas.

_____

"Earl, bakit ka naparito?" Tanong ko sabay upo naming pareho.

Napapansin ko ngang kanina pa siya balisa. Nung nag-usap kami papasok dito ay nauutal siya at parang kinakabahan siya habang papasok dito.

"Pumunta ako dun sa condo unit niyo, wala na pala kayo dun. At tsaka, ang sagot ko sa tanong mo.... Gusto ko lang magpasalamat sayo"

"Pasalamat? Haha walang anuman" aniko

"At saka, alam mo naman siguro noh?" Yumuko siya na parang nag-aatubling magsalita.

"Anong alam ko?"

"Pasensiya na talaga Cris ha? Gusto ko lang kasing tulungan ang mama mo. Hindi naman ako pumayag nung una pero  naawa kasi ako sa kani–" hindi ko na siya pinatapos

"About dun Earl, okay lang. Naintindihan kita" sabay hawak ko sa isang kamay niya.

Ilang segundong ganun ang sitwasyon namin. Pareho kaming napatingin sa isa't isa. Nagka-eyes to eyes kaming dalawa.

"Ah sala-mat"

Pareho naman kaming napatingin sa kadadating lamang at biglang nagsalita.

"Cris anak!! I have something for you!" Lumapit ito sa akin kaya tumayo na lang ako.

"Oh Earl! Your here! Good morning!"

'Taas naman ng energy ng babaeng ito!' Saad ko sa isipan.

"Good morning too Tita! Ang ganda mo as always!" Nakangiti pang bati ni Earl.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon