CHAPTER 2

2 0 0
                                    


||•MHEARL POV•||

"BYE SIR EARL! INGAT PO KAYO SA PAG-UWI NIYO!" sigaw nung asisstant ko

"Mag-iingat ka din sa pag-uwi ko!"

Tuluyan na siyang  nakalabas sa opisina ko.

Umupo uli't ako sa swivel chair at sumandal. Ipinikit ko ang akong dalawang mata at pina-ikot ikot ang swivel chair.

Ilang sandali din ay ipinahinto ko na ito dahil nakakahilo na. Pagkabukas ko ng aking dalawang mata ay nakita ko ang napakagandang mukha ng mama ko

'Weyt... Nandito siya?? Pero paano??'

"Anak ko" nakangiti niyang sambit sabay lapit sa akin.

"Mama?" Tumulo ang isang butil ng luha ko "Mama, miss na miss na po kita. Bakit po kayo nandito?? Paano?? Di ba po patay na kayo??"

"Di na yan importante anak. Miss na miss na din kita, ang papa mo, at ang mga kapatid mo" pinantayan niya ako ng tayo "Nilamon ka na talaga ng lungkot at galit anak. Matigas na talaga ito (sabay hawak niya sa puso ko)"

"Hindi naman magiging matigas yan ma kung tanggap at napatawad na ako ni papa. Kahit anong hingi ng tawad ko ay hindi niya talaga ako mapapatawad"

"Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad sa papa mo anak. Tandaan mo ito anak, hindi mo kasalanan na namatay ako"

"Pero ma! Hanggang ngayon ako pa din ang sinisisi ni papa! Gustong-gusto ko ngang magkaayos kami at sana matanggap na niya din ako!"

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko "Magtiwala ka sa akin anak. Magkakaayos din kayo ng papa mo. May plano ang Diyos para diyan"

Pagkatapos niyang banggitin ang katagang yun ay unti-unti na siyang nawala

"Ma?!"

Hanggang sa nawala na talaga siya

"MAAAAA!!!!"

******************

"EARL! EARL! EARL!"

Agad akong napabangon dahil may tumatawag sa pangalan ko sabay may yumuyogyog sa akin. Hingal na hingal pa akong bumangon.

"Earl anong nangyari sayo? Okay ka lang?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Patrick, kapatid ko. Mas matanda siya sa akin ng isang taon.

"Pat, nakita mo si mama? Nandito lang siya kanina eh!" Sambit ko

"Si mama? Paano naman siya makapunta dito e patay na siya!"

'Nananaginip lang ba ako kanina? Baka nga noh'

"Change topic. Bakit ka ba nandito kuya Pat?" Tanong ko sabay ayos sa aking sarili

"May kinuha lang akong folder dito sa office mo. Nakita kita kanina na binabangungot ka ata. Kaya ayun! Ginising na lang kita"

'Okay. Nananaginip lang talaga ako kanina nung nakita ko si mama'

Tumayo ako "Kuya Pat! Umuwi ka na dahil uuwi na din ako sa condo ko" sambit ko sabay ligpit ng mga gamit ko dito sa mesa

"Doon ka naman uuwi Earl? Palagi na lang? Sa bahay ka na lang kaya!"

Hinarap ko siya ulit with a seeious face "Alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi ako uuwi sa bahay na yun! Baka pag-uwi ko, magugulat na lang ako dahil may nakalagay palang bomba sa kuwarto ko!"

Balik ulit ako sa pagliligpit ng mga gamit "Wala namang saysay kung babalik pa ako dun sa pesteng bahay na yun! Pinalayas na ako dun! Bakit naman ako babalik pa!?"

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon