CHAPTER 51: DAKIP

1 0 0
                                    


___________________________
—CHRISTOPHER POV—

"Dito na kayo maninirahan mga anak"

Inilibot ko ang aking paningin sa buong bahay nila. Sobrang laki, maganda at malinis.

"Hindi po ba magagalit si Tito Gabriel na dito na kami titira?" Napalingon ako sa kapatid ko sa tanong nyang yun. May point naman siya.

"Hindi. Nagka-usap na kami about dito. At pumayag naman siya"

"Sige po. Kukunin muna namin ang mga gamit namin na nasa kotse niyo" akmang tatalikod na sana ako para muling lumabas ng pinigilan niya ako.

"Huwag na anak. Ang mga katulong na ang bahala roon"

Napalingon naman kaming lahat sa main door nila dahil biglang bumukas ito at iniluwa si Gian.

"Anak! Thank goodness your here!" Pinuntahan niya ito at ipinaharap sa amin "Dito na titira ang mga kapatid mo. Kilala mo naman sila. Si Kuya Cris mo at si Nathaniel"

Tiningnan ko si Gian. Hindi ko masabi kung anong reaksiyon ang nasa mukha niya. Galit? Selos? Lungkot? O saya?

"50 percent lang po kami magkapatid mommy, at hindi 100 percent" walang ganang sabi neto

"Still magkapatid pa din kayo anak!"

"Tsk. Whatever"

Tatalikod na sana si Gian ng mabilis siyang nahila ng mama niya "Ano ka ba?! Magbigay galang ka naman sa mga kapatid mo. Especially sa kuya mo. Ganiyan ba ang itinuro ko sayong mabuting asal??"

"I'm tired mommy. I want to take a rest. Bye" At tuluyan na siyang umakyat sa itaas.

"Pagpasensiyahan niyo na si Gian. Hindi naman siya ganyan. Bad mood lang ata"

"Parang nga po" ani Niel

(***FAST FORWARD***)

Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kabuuan ng kuwarto ko. Sobrang laki neto para lamang sa akin. Kung tutuusin, saktong sukat lamang ito ng inuupahan namin ng kapatid ko noon.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang dalawang kasambahay na may katandaan dala ng mga gamit ko kaya nilapitan ko na.

"Ako na po nito" kukunin ko na sana ng pinigilan nila ako

"Huwag na iho. Utos ito ni madam, kaya kailangang sundin namin"

"Salamat po. Pero hindi kasi ako sanay sa ganito. Akin na po" sabi ko at ibinigay naman nila yung mga gamit ko.

"Ikaw ba yung panganay niyang anak? Ama mo yung una niyang asawa? Si Christian?" Medyo binulong lang niya ang pangalan ni papa.

"Opo. Kilala niyo po si papa?" Inilapag ko muna ang mga gamit ko sa ibabaw ng kama.

"Kilalang-kilala namin papa mo. Lagi siyang kini-kwento sa amin ni madam noon. Magkamukhang-kamukha kayo ni Christian. Tingnan mo iho"

May ipinakita siya sa aking isang lumang picture. "Buti na lang nahanap ko ito nung nakaraan"

"Alam mo iho" napatingin ako sa isang kasambahay "Halos walang araw na hindi nag-kwento si madam sa una niyang asawa at minsan sayo na din na unang anak niya. Pero natigil yun simula nung maaksidente siya"

"Sinubukan naman naming ipaalala ulit sa kaniya" balik tingin ako sa nagpakita sa aking picture "Pero pinagsabihan kami ni Don Gabriel na huwag na huwag. Kung uulitin raw namin ay matatanggal kami sa mga trabaho namin"

Wala namang sagot ang lumalabas sa bibig ko sa mga sinabi nila.

"Sayo na lang itong picture iho" Nasa mga kamay ko na nga "Alis na kami. May mga trabaho pa kami"

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon