CHAPTER 59: TAPOS NA

1 0 0
                                    


...... 2 YEARS LATER........

____________________­­_______
—CHRISTOPHER POV—

2 years na simula nung 25th birthday ni Earl. Sa loob ng dalawang taon, masasabi ko talagang sobrang dami nang nangyari.
Pero naging payapa naman ang buhay naming lahat.

"Kuya!!" Tawag ni Niel at kumaway-kaway pa sa akin. Nilapitan ko naman ito. "Ang aga mo ata ngayon"

"Wala kasi yung prof namin sa last subject. Nasaan pala si Gi–" hindi ko na natapos nang dumating na ito.

"I'm here. Pasensya na natagalan. Alam niyo na, sobrang busy maging presidente ng paaralang ito"

"Kaya mo din yan haha" sabay tapik ko sa balikat niya. "Oh ano? Tara. Sigurado akong naghihintay na sila don"

"Sige tara na kuya"

At nagpunta na nga kaming tatlo sa kotse ko. Napagdesisyonan naming tatlong magkapatid na iisang sasakyan na lang ang gagamitin pagpasok at pauwi galing sa paaralan. Tutal nasa iisang unibersidad lang din naman kami.

If nalilito kayo, oh eto sasabihin ko na. Bumalik ako sa pag-aaral, mag 2 years na din. Sa kursong architecture. Sabi ni mama business na lang raw para ako ang susunod na mamahala sa kompanya nila ngayon pero...

Binigay ko na lang yun kay Gian. Siya na lang ang kumuha ng kursong business administration. Tsaka, ito naman talaga ang pasyon at gusto ko. Ang pagiging architect. Si Nathaniel naman, ang kinuhang kurso nun ay education. Gusto niya raw mag MAPEH teacher.

Ang about sa akin, sabihin man ng iba na late na ako sa pag-aaral. Pero para sa akin, hindi hadlang kung ano pa man ang edad mo sa edukasyon.

Medyo madami ang bumu-bully sa akin pero mas madami ang hindi. Halos lahat nga ng kaklase ko tinatawag akong kuya. Actually, ako talaga ang kuya sa amin hehe.

........ FAST FORWARD ..........

"MGA ANAK!!" Nakangiting sigaw ni mama. Tumakbo naman yung dalawa habang ako'y kababa lang at naglakad na lang.

Tungkol din sa amin ni mama, napatawad ko na siya. Last year ata. May something kasing nangyari, huwag niyo nang tanungin kong ano.

"Dito tayo sa loob, sobrang init!" Dinig kong ani niya at pumasok na nga silang tatlo sa loob.

Nandito pala kami ngayon sa sementeryo. Dinalaw namin si papa kasi 16th death anniversary niya ngayon. Ipinalipat na din ni mama ang puntod ni papa. Social ito, halatang pang-mayaman. Basta ganito kayo na bahala.

Naglakad na din ako papasok sa loob.

_____

"Oh anak, okay ka lang dito?" Hindi si mama ang nagtanong, kundi ang asawa niya, si Tito. Pagkatapos nung pagtanggap niya sa akin ay palagi na niya ako/kaming tinatawag na anak.

"Okay na okay po" ningitian ko ito.

"Teka lang anak ha, tinatawag ako nung isa"

Nandito kasi ang iilan ng kaibigan nila.

"Okay lang po" Tinapik-tapik niya muna ang balikat ko at umalis.

Alam niyo, sa loob ng dalawang taong pagsasama namin, nakitaan ko naman ng kabaitan si Tito. Hindi ko nga akalaing nung unang pagkita namin sa bahay nila ay tatanggapin niya kaagad ako/ kami.

May isang time na... Nung hindi pa ako medyo marunong ay siya mismo ang tumuro sa akin. Sabi pa niya, para na daw bonding naming dalawa. May isang time din nga na... Nag-open up ako sa kaniya. Yung yung araw na nag-way kami ni Earl haha. Konting tampuhan lang naman.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon