CHAPTER 46: CHERRY REVELATION

1 0 0
                                    


____________________­_______
—MHEARL POV—

Ilang sandali pa'y lumamig ang simoy ng hangin at medyo dumilim ang kalangitan, tanda na uulan. Kaya nagdesisyon akong bumalik na.

Habang naglalakad ako pabalik ay may napansin akong isang lalaking nakasunod sa akin kaya kinabahan ako.

'Malalaman ko din kung sino siya. May gagawin ako. Tsk'

Mabilis akong naglakad, as in sobrang bilis. Pagkatapos ay saktong may nahanap akong maaari kong pagtataguan. Sakto din dahil may daanang pa-left and right.

Sa left ako nagpunta at agad na nagtago sa halamang may kataasan, hindi niya ako makikita dito, katabi din nito ay isang malaking puno.

Tama nga ang kutob ko, may isang lalaking nakasunod sa akin, naka-black hoodie ito na mukhang kidnapper. Huminto naman siya at nagtataka na ata kung san ako pumunta, sa left ba o right at nagtataka siya kung bakit ako biglaang nawala.

Hindi ko siya mamukhaan o makita man lang ang mukha dahil nakatalikod siya sa akin.

May nakita naman akong medyo may kalakihang sanga dito sa may gilid ko kaya kinuha ko ito. Tumayo ako at nagdaan dito sa gilid ko para makapunta sa likod ng lalaki

Mabagal ang lakad ko para hindi niya mapansin. Ng nasa likod na niya ako, itinutok ko kaagad ang kahoy na nakita ko.

"Sino ka ha?! Bakit mo'ko sinusundan?? Anong pakay mo sa akin?!" Matapang kong sambit

Unti-unti naman itong humarap sa akin at nagulat na lamang ako ng mamukhaan ko ito

"Blake??" Nagulat talaga ako. Anong ginagawa niya dito?

"Yeah ako nga Earl. Nice to see you again"

____________________­_______
—CHRISTOPHER POV—

"Kuya buti nandito ka na, saan ka ba galing?" Bungad ng kapatid ko, nandito kami sa may cafeteria ng condominium, dito raw kasi sinabi ni Gian.

"May pinuntahan lang na kaibigan. Teka, si Gian, di pa dumating?"

"Ah wala pa nga kuya, pero sabi niya papunta na raw siya"

Umupo muna ako "Teka, ano bang mahalagang sasabihin niya sa atin? Gaano ba ito kahalaga para malaman natin agad?"

Umupo din siya "Nalilito na kinakabahan nga ako kuya. Masasagutan lang ang tanong mo kuya kapag nandito na siya"

Tama. Hindi na lang ako nagsalita at minabuting hintayin namin si Gian.

****FAST FORWARD****

"Gian, anong importanteng sasabihin mo sa amin?" Tanong ko kaagad sa kaniya nung makarating siya dito.

Umupo muna ito "It is about your family. Mostly, sa mama niyo"

"Huh? Kay mama na matagal nang patay?" Ani Niel

"Hindi siya patay. Yan ang totoo Nathaniel at kuya Cris"

"Teka-teka lang Gian. Mali at hindi totoo yang sinasabi mo! Huwag mo kaming iloko-loko!" Hindi ko mapigilang hindi mag-react.

"Hindi ko kayo niloloko, totoo ang mga sinabi ko" ani pa Gian

"Teka Gian. Sigurado akong patay na si mama! Nakita at iniyakan ko pa nga ang katawan niya noon sa hospital! Hindi ko lang talagang masyadong maalala kasi bata pa ako nun!" Napatayo pa ako

"Pero katawan niya lang naman na may nakatakip na puting tela ang nakita mo diba?" Natigilan ako, tama siya. "Hindi siya yun"

May biglang naalala naman ako. Yung araw na sinugod ko si Niel sa hospital, at nakatulog ako. Naalala ko ang panaginip ko at alam ko na kung bakit napanaginipan ko iyon.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon