CHAPTER 15

1 0 0
                                    


________________________________
—CHRISTOPHER POV—

Napagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Pagmulat ko naman ng aking dalawang mata ay nagulat na lamang ako dahil ibang kisame ang nakikita ko ngayon, hindi samin.

Agad naman akong bumangon at puro magagandang dresses, gowns na nakalagay pa sa picture frame at nakadikit sa wall ang nakita ko. Maganda talaga siya. As in, super!

Inilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto. Ang linis ng buong paligid, white ang kulay ng dingding, ang nagpapaganda sa buong kuwarto ay ang mga pictures na magaganda at makukulay.

Pero teka lang.. Nasaan ba talaga ako?? Kanino ba itong kuwarto?? Sino nga ulit ang nakasama ko kagabi??

Bigla na lamang nag-flashback sa utak ko ang nangyari kagabi. Tapos ay napatingin na lang ako sa may gilid ko. Doon sa mesa na nasa gilid lamang ng kamang ito. Nakita ko doon ang picture ni Earl.

'Kay Earl? Bakit ba niya ako dinala dito?'

Bumaba na ako ng kama at naglakad papalabas ng kuwarto. Sa di pa naman ako nakalabas ay napahinto na lamang ako dahil iba na yung damit na suot ko, pati na din yung pantalon ko.

'Weyt WHAT??? Nakita niya si......'

Dali-dali akong lumabas. Paglabas ko naman ay nakita ko kaagad ang mini-sala at natigilan ulit ako ng makitang may kumot at unan sa sofa.

'Dito natulog si Earl? Bakit di na lang ako ang pinatulog niya dito? Okay lang din naman sakin'

Ilang sandali ay nakalanghap ako ng mabangong pagkain na tiyak akong galing sa kusina. Kaya naglakad at hinanap ko kung nasaan ito.

Nakatira lang pala itong si Earl sa condo. Medyo may kalakihan ang condo niya. Kung ikukumpara sa inuupahan naming bahay, medyo malaki pa ito keysa doon.

Pagkahanap ko sa kusina ay nakita ko nga si Earl na nagluluto. Tumingin naman ito sa akin.

"Uy Cris! Gising ka na pala! Akala ko kasi di ka na magigising eh!"

"Grabe ka ha?" Aniko sabay upo dito sa dining area niya. "Wala man lang... Good Morning Cris! Gutom ka na? Huwag kang mag-alala at malapit na itong maluto!" Sabi ko in a sweet voice

"Sino ka ba para pagsabihan ko ng ganiyan?" Aniya habang inililipat na ang niluluto nito sa pinggan. "Special ka ba? Jowa ba kita?"

"Hindi nga, pero... Future jowa mo na" sabay ngisi at kininditan ko siya. Gusto ko lang pagtripan si Earl HAHA ang bilis kasi niyang magalit. Gusto ko lang ding tumawa kahit na may problema ako ngayon.

"Sabi ko nga sayo Cris, hulihin mo muna yung cheetah bago mangyari yan"

Hindi na lang ako sumagot. Pumunta na ito kung nasaan ako ngayon dala ang niluto niyang amoy palang ay sobrang sarap na.

"Uy Earl! Parang masarap yan ah?!" nailagay na niya ito sa mesa

"Hindi parang. Masarap talaga siya, ako pa ba? Kain na tayo!"

Nagdasal muna ako saglit. Tapos pagkatapos kong magdasal ay napatingin ako kay Earl dahil nakatingin ito sa akin.

"Hmm, bakit Earl?" Nabalik naman ito sa kaniyang realidad.

"Wala!. Nagdadasal ka pala" sabi niya at nagsandok na.

Pagkatapos niyang magsandok ng kanin ay nagsandok na din ako.

"Bakit ba Earl?? Huwag mo sabihing, hindi ka nagdadasal?"

Lumipas ang ilang segundo ngunit hindi pa din siya makapagsalita

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon