CHAPTER 8

2 0 0
                                    


______________________________
—CRIS POV—

Sobrang saya ng araw ko. Tinawagan kasi ako ng secretary ni Mr. Balmonte na si Elaine na.... Nakapasa ako!!!  Sobrang happy ko talaga. Abot hanggang langit. Yaz. Ganun talaga.

Buti na nga lang din pumayag ang boss ko na half day lang ako ngayon. Sabi ni Elaine kagabi ay pumunta na lang ako sa Kleinshire ni Mr. Balmonte. Itinext naman niya sa akin kung saan kaya nakuha ko kaagad kung saan.

Kinuha ko na ang sling bag ko at naglakad na. Pagsulyap ko naman sa cubicle ni Rica ay nakita ko itong may pinapanood na Movie.

"Yan na naman ang pinapanood mo Rica?" Tanong ko na may halong pandidiri

"Hay naku! Jusko! Nakakagulat ka naman Cris! Biglaan na lang! Nakita mo naman atang sobrang concentrate ako sa pinapanood ko!" Aniya

"E di sorry. Aatakihin ka ata sa puso sa sobrang gulat. Ano ba yan?"

Kinuha niya ang phone niya, nalaglag kasi kanina. Hehehe

"Eto? BL ang tawag dito. Boys Love. Uso na yan ngayon. Corection, noon pa pala. Nung panahon ng pandemya" sabi niya

"BL? Lalaki sa lalaki? Yuckk! Parang mga bakla lang!" E totoo naman noh? Nakakadiri.

"Hindi ah! May ganyan na talagang cases ngayon. At itong 2gether na pinapanood ko? Huwag na huwag mong matatawag na bakla sina Bright at Win, mapapatay talaga kitang lalaki ka! Fan na fan ako neto"

"Suss!" Tanging nasabi ko

"Ikaw ba Cris, di mo pa naranasang magkaroon ng boyfriend?"

"Hindi! At wala akong balak na maranasan dahil nakakadiri!"

"Ngayon mo lang yan masabi!" Nagulat na lamang ako ng biglaang may umakbay sa akin. Si Agus lang pala. Kahit kailan talaga ay palaging sumusulpot ang isang toh.

"Pero kapag nandyan ka na sa relasyon na yan? Mapapasabi ka lang talaga na... I LOVE GUYS TOO"

"Pano mo nasabi? Naranasan mo na ba?" Tanong ko sa kaniya at tumanggi naman ito.

"Hindi nga. Pero base yan sa mga nakikita at napapanood kong BL stories. Try mo kayang manood Cris, tsak akong magugustuhan mo din"

"Oo nga" sabi ni Rica "Maganda itong 2gether at maganda din yung TharnType. At pinakamaganda talaga yung Until We Meet Again the Series"

"Bahala nga kayo jan. Aalis na ako" sambit ko at iniwan na silang dalawa

"Goodluck Cris! Sana ikaw na ang pipiliin nila!"

***FAST GORWARD***

______________________________
—ELAINE POV—

Whazzup! Whazzup mananap! HAHHAHAHA. Happy lang ako kasi.... Happy lang ako BWAHAHAHAH

Btaw seryoso na nga tayo. Hinihintay ko pala ngayon ang mga auditionees na napili ni Earl. Actually may dalawa nang nandito kaya anim na ang hinihintay ko.

Bigla namang bumukas ang pinto kaya tumayo na ako. At napangiti na lamang ako nung makita kung sino yun.  Si Future ko lang naman.

"Hi my beautiful lady. Good morning"

'KYAAHHHH!! ANG GWAPO-GWAPO NIYAAA!!'

"Good morning din Zep" nakangiti ko ding bati with kilig na din.

"Thanks pala dahil napili ako sa top 8"

"Ikaw ba naman! Pinilit ko kaya si Earl na piliin ka! Ang gwapo gwapo mo kaya!" Medyo pabulong kong sambit pero narinig niya ata

"Ano yun? My beautiful lady?"

Diba. Sabi ko sa inyo e "Sabi ko.. May tyansa ka namang maging modelo Zep. Nasa iyo ang lahat ng hinahanap namin. Kung ako talaga si Earl ay ikaw ang pipiliin ko. Pero hindi siya ako"

"Sana nga. Matagal ko nang dream ito... Pero may bago akong pangarap. Gusto ko malaman kong ano?"

"Sige. Ikaw bahala" kinikilig ko pa ding sambit

"Ang bagong pangarap ko ay... Ang makasama at papakasalan ang babaeng nandito sa harap ko ngayon at kausap ko"

Dahil sa kilig ay napatalikod na lang ako at pinigilan ang bibig na huwag sumigaw.

'KYAAHHH!!! HIHIMATAYIN NA AKO SA KILIGGGG!! TULUNGAN NIYO KO!!!!'

"My Beautiful lady. Okay la lang?"

Pinigilan ko munang huwag kiligin at hinarap siya. Pero.... Hindi ko talaga maitago ang kilig koo!!! Kyaaahhh!!!

"Oo naman" sagot ko

"Parang hindi ka kasi okay kanina"

Napatingin na lamang ako sa likuran niya dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Kuya Patrick?

"Kuya Pat?"

"Elaine asan si Earl?? Gusto ko lang siyang maka-usap"

"Nasa opisina niya" sagot ko kaagad dahil parang nagmamadali siya e!

"Sige. Salamat"

Pagkatapos niyang banggitin yun ay nilagpasan na niya kami. Nagkatinginan naman ulit kami ni Zep

"Sino yun?"

"Si Kuya Patrick. Kapatid ni Earl"

______________________________
—MHEARL POV—

Habang may inaayos akong importanteng bagay dito ay biglang bumukas ang pinto at nagulat na lamang ako dahil si kuya Pat ito.

"Kuya Pat?" Sambit ko sabay tayo pa

"Earl! Kailangan kitang makausap!"

"Bakit kuya Pat? Para saan?"

Umupo naman siya sa may upuan sa harap ng lamesa ko kaya't balik na din ako sa pagkaupo sa swivel chair ko. Tapos ay nagsalita din siya.

"Bunso, sa makalawa ay ililipat na ako ni papa sa ibang kompanya. Ipamahala na niya sa akin yun at yun ang Call Center Company natin" sabi niya "Huwag kang mag-alala kay Tita. Doon pa din naman siya"

"And then? Bakit mo ito sinasabi sa akin ngayon? Para saan?" Masungit kong tanong

"Dahil bunso sayo naman nakapangalan yun diba?! Mga bata pa lamang tayo ay pinapili na tayo nina mom and dad kung ano ang gusto natin sa nasimulan nilang negosyo! At yung kompanyang yun ang pinili mo! Diba?"

"Oo. Pero matagal na panahon na yun. Pinangalan at pinalitan ko na ng pangalan mo kuya. Sa pagkakatanda ko, last year pa"

"Pero EARL! Sayo yun! Ayoko namang kunin ang bagay na hindi sa akin!!"

"Take it kuya. Okay lang" sambit ko sabay hawak sa isang kamay niya

"Pano ka?"

"Anong paano? Okay naman ako dito eh! Naging successful nga itong KleinShire ket na di talaga ito sa akin" nakangiti kong wika

"Sure ka bunso?" Nakita ko sa mukha ni Kuya na sobrang nag-alala talaga siya para sa akin

"Oo naman kuya. Sure na sure ako"

"Basta ha kung kailangan mo nang makakausap ay palagi lang akong nandirito. Palagi akong maglalaan ng oras sayo Earl dahil kapatid kita. And even na nasa Batangas si ate? Puwedeng-puwede mo din siyang kausapin"

Napapangiti ulit ako "Sobrang salamat kuya"

"Welcome. Basta ikaw Earl"

Ilang segundong lumipas

"O sige kuya. Maiiwan muna kita. May mga gagawin pa ako"

"Ok lang bunso. Aalis na din naman kasi ako"

______________________________
—CRISTOPHER ENRILE—

Kababa ko lang ngayon sa tricycle na sinakyan ko. Oo tricycle kasi mahirap ako ngayon.

"KleinShire? Ito na ata yun noh?" Bulong ko habang binabasa yung nasa taas. Tapos ay tiningnan na ang nasa harap. At binasa yung neym ng shop na toh

"KleinShire. Your Choice. Your Dress" basa ko

"Ah! Ito nga yun"

With confident akong pumasok. Pagpasok ko naman ay sinalubong agad ako nung assistant ni Mr. Balmonte. Si Elaine.

"Mr. Enrile? Finally youre here! Ikaw na ang hinihintay namin!"

"Sorry sorry. Alam mo naman na, sobrang traffic ngayon" sabi ko

"It's okay Mr. Enrile, we understand naman. Come. Sundan moko"

Sinunod ko naman siya

______________________________
—MHEARL POV—

"Good morning gentlemens. Ako na yung nagsalita dahil hindi naman talaga pasalitain itong si Earl Balmonte" Tinarayan ko lang itong si Ross "Kung hindi niyo ko kilala. Ako pala si Ross"

"Okay. Seryoso na ako.... And now, ang gagawin niyo lang ay uulitin niyo yung ginawa niyo nung audition. But this time, may costume na kaming ipapahiram sa inyo. Isauli niyo pagkatapos ah? Kasi, kapag hindi, bawal na yun. Ipapapulis ko kayo"

Tumawa lang ang lahat habang seryoso lang ako dito.

"Pero syempre, JOWK LANG!"

"Habang nagpo-pose kayo dito sa gitna ay pipicturan namin kayo para malamin namin kung sino sa inyo ang photogenic" tumayo ako at sumingit

"Ang kaisa-isahang lalaki na mapili ko ay magiging modelo ko sa paparating na LA FASHION SHOW. Kung sakaling ako, tayo ang mananalo ay magiging sikat pa ang KleinShire. At ikaw na modelo ko ay sisikat ka. Maari kang kunin ng ibang kompanya para i-endors ang kanilang product. Kaya kung gusto mong ikaw ang pipiliin ko? Galingan mo"

Marami namang namangha at yung iba ay nagkatinginan pa

"Gentlemens, please proceed here pls"

***ILANG MINUTONG LUMIPAS***

Isa-isa nga silang nagpasiklan ng kanilang mga katawan at kagalingan. Todo kuha naman ng picture si Ross.

Inaamin kong tung walong napili ko ay gwapo, matangkad, at maganda ang katawan. Pero I think may napili na ako.

Iba kasi ang dating niya pagtapak pa lang niya sa mini-stage. Gusto niyo malaman kung sino iyun?

Si...

Si....

Si....

......

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon