CHAPTER 6

1 0 0
                                    


____________________­___________
—MHEARL POV—

"Uhm.. Excuse me guys"

Nakuha ni Elaine ang atensyon namin at tiningnan siya. Pagtingin ko naman dito'y may kasama siyang isang familiar guy. Parang nakita ko ito kanina sa pila.

"Buti tapos ka na. Akala ko aabutan ka ng bukas o-order lang" saad ni Ross na nasa tabi ko lang at napatayo pa talaga siya

"Hoy! Madami kayang pumila kaya ako natagalan!" Bulyaw ni Elaine

"Madami?" May ipinakita naman si Ross sa Cellphone niya.

Alam ko kung ano yun. Pinincturan niya si Elaine kanina habang umo-order ito at hahang kinakausap niya yung lalaking nandito ngayon

"O di kaya'y nakahanap ka ng malalandian" wika ulit ni Ross

"Inggit ka lang siguro! Blee!!"

Napatawa ako ng konti sa kanilang dalawa. Kahit talaga kailan ay palaging nag-aaway ang dalawang ito. Dinaig pa siguro ang aso at pusa

"Teka Elaine, sino ba yang kasama mo?" Ako na lang ang nagtanong

"Im glad! Natanong mo yan Earl!"

Pinuntahan niya yung lalaking kasama niya

"Earl, Ross. This is Zep. Zep, this are my friends" pagpapakilala niya

"Hi guys! Nice meeting you two!" Nakangiti pang sambit nung Zep

"Hi bro!"

Ningitian ko na lang din siya "umupo na kayong dalawa"

Umupo si Elaine dala yung order niya pero nanatiling nakatayo si Zep kaya tiningnan ko ulit siya. At mabilis naman agad niyang nakuha ang ibig na ipinapahiwatig ko.

"Uhm... Nandon kasi ang ibang mga friends ko" aniya at may itinuro "Sige ha. Babalikan ko na sila. See you later Elaine!"

Umalis na si Zep at ito namang si Elaine ay sayang-saya. Parang nanalo ata sa loto ang peg.

"Kilig na kilig naman ang isang toh!" May pagkadiing sabi ni Ross at kumain na siya sa kaniyang pagkain.

"Sino pa ba kasi ang babaeng hindi kikiligin kapag kusa pang lumapit sayo ang lalaking..... MATANGKAD, MABAIT, NAPAKA-GENTLEMAN AT PINAKAGWAPO sa buong mundo" aniya na parang hihimatayin na ata sa kilig. Ewan ko sa babaitang ito.

"Kung makapagsabi ka ng gwapo, parang siya lang ang pinakagwapo sa buong mundo! Marami pa kayang gwapo diyan! At nandito din ako!" Sabi ni Ross

"Ang feeling mo noh?!... At tsaka si Zep? I think he's the one. The one and only. And my forever love"

"Love? Love agad? Kakilala niyo lang e!" Di ko mapigilang di mag-react sa kaniya

"Hindi ba kayo naniniwala sa Love at first Sight?!"

Inirapan ko na lang si Elaine. At itinutok ang atensyon sa gagawin

"Kumakain ka na nga lang! Marami pa tayong gagawin!"

***FAST FORWARD***

—CHRISTOPHER POV—

"Ano Agus? Nakapasa ka sa next round?" Tanong ko sa kaniya nung makalabas siya sa silid na iyan. Pero parang wala ata siya nakapasa dahil ang dismayado ng mukha niya.

"Hindi tol. Height pa lang, talong-talo na ako" aniya

Tama nga ako noh? "Bakit may mali ba dun? Matangkad ka naman ah?"

"5'9 ang hinahanap nila e. Samantalang ang sa akin ay 5'8 lamang" malungkot pa din niyang sambit habang ang mga kamay ay nasa bewang

"Okay lang yan tol. Tatangkad ka din" dinamayan siya naman nung dalawa

"NEXXXTTT!!!" sigaw nung nag-assist sa amin dito.

Wala naman akong ibang hinintay at pumasok na. Pagpasok ko naman ay syempre marami ang tao pero mabibilang mo lang. Madilim ang paligid at tanging ang ilaw lang ang nasa harap kung saan naroon ako.

"Anong pangalan mo?" Biglaang may nagtanong. Hindi ko sila nakikita kasi nga madilim diba? Umayos muna ako sa mic.

"Cristopher Enrile po" sagot ko. Nagtataka kayo kung bakit di man lang ako kinakabahan? Well, sanay naman ako sa mga audition.

"Age and height?"

"25 years old. 6'2 ang height ko"

"Do you have any issue? I mean, may issue ka ba? Like criminal, bullying, sexuality, harassment and etcetera? Be honest!"

"No! Ni isa ay hindi ko pa nagawa at wala akong balak na gagawin yan!" Nakangiting sambit ko

"Sorry for asking. Sinigurado ko lang na ang aking future modelo ay wala ni kahit anong issue para hindi makakasira sa negosyo ko" kilala ko na ang tinig na yun. Kay Mr. Balmonte.

"And now, can you walk like a real model? Isipin mo lang na, nasa isang fashion show ka at maraming tao"

"Sige po"

Pumwesto na ako dito sa may maliit na stage. Inisip ko muna ang gagawin ko at kailangang galingan ko ito. Pagkatapos ay nagpatugtog na sila ng "Señorita"

Simunod ko lang ang sinabi ni Mr. Balmonte. Lumakad nga ako ng parang isang mahusay at sanay na isang modelo. With emotionless ang face. Itong emosyon na ito ay kailangan naman talaga. Pano ko nalaman?

Well, batang-bata pa ako. I think 7 ako? Ay gustong-gusto ko nang maging isang modelo. Nakikita ko sila sa mga tv. Hahang naglalakad nga sila ay todo gaya nga ako. Hehehe

Ng makarating ako sa harap ay isang serious face ang nakita ko. At tatalikod na sana ako pabalik para maglakad pabalik doon ng huminto muna ako saglit at in a serious face tiningnan ang camera.

Yez guyz. May camera dito. At naglakad na ako pabalik.

"You have a potential! Salamat sa pag-audition. Tatawagan ka na lang namin kung nakapasok ka ba sa next round"

"Salamat din po!" Nakangiti kong sambit

Paglabas ko naman ay sinalubong agad ako ng dalawa. Bakit dalwa lang? Kasi si Zep ay pumasok na. Excited ata.

"Kumusta Cris? Nakuha ka?" Kahit talaga kailan ay energetic ang isang isang to. Kaya sanay na sanay na ako e

"Wala pang sure. Tatawagan lang raw nila ako" sagot ko

"Don't worry Cris. Makukuha ka nyan. Sa ating apat kaya, ikaw ang punakabagay bilang isang modelo!" Sabi ni Ash

"Haha. Bagay din naman kayong dalawa ah?"

"Nope. Sabi ko diba na ikaw ang pinaka. Kaya ikaw"

"Haha. Sabi mo yan e"

..

..

~~END OF CHAPTER 6~~

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon