CHAPTER 48: ANG NAKARAAN PART 2

1 0 0
                                    


____________________­_______
(PRESENT) —CHERRY POV—

"Nalaman kong... Patay na ako sa pamilya ko pero ang totoo hindi. Kung alam mo lang anak. Gustong-gusto ko kayong yakapin noong nakita ko kayo. Lalo na ikaw Cris nung nakita kitang labis na umiyak sa pekeng bangkay. Pero wala akong magawa eh! Hanggang iyak at tingin lang ako sa inyo"

"Nagsama nga kami ni Gabriel pero sasabihin ko sa inyo ang totoo. Noong panahong yun hindi ako naging masaya! Walang araw at gabi ngang hindi ako umiiyak. Ngunit kailangan kong maging matatag! Kailangan kong tiisin ang lahat! May naisip na akong plano para pagbayaran ni Gabriel lahat ng mga nagawa niya. Kaso nga lang....Naaksidente ako at nawalan ng memorya"

"Isang taon na din ang lumipas mula nung maalala ko na ang lahat. Grabe! Sobrang tagal ng nasa piling ako ng h*y*p na yun! At sa pagbalik ng alaala ko, sobrang dami kong nalaman na mga sikreto ni Gabriel at matagal nang itinatago sa akin.... Binago pala niya ang mukha ko...Nalaman ko ding patay na ang asawa ko. Si Christian"

"Namatay siya sa gitna ng kalsada, dahil sa heatstroke" walang emosyong sambit ng panganay ko. Tumingin ito sa akin "Parang pinatay niyo na din si papa. Sa grabeng pagtratrabaho niya para mabuhay lang KAMI halos hindi na siya nakakapagpahinga! Kaya ayun! Deads!"

"Patawarin niyo 'ko mga anak. Hindi ko ginusto ang lahat ng nangyari sa amin! Sa pamilya natin!"

____________________­_______
—CHRISTOPHER POV—

"It's all dad's fault. B*llsh*t!" Dagdag ni Gian.

Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko pero tumatakas talaga siya. "Iniwan niyo pa rin kami"

"I'm sorry kung sino ka pa man, I don't think I'll forgive you.... Never in my life naranasan kong may mag-alaga sa'king isang ina! Ano kaya ang feeling na lumaki kang may mama noh? Yung may mag-aalaga sayo, may magluluto, may....unang pinagsasabihan mo ng mga sikreto mo" pareho na kaming naluluha ng kapatid ko

"Alam kong matagal pang panahon para patawarin niyo 'ko. Kaya nga nung nalaman kong nasaan ang dalawang anak na naiwan ko ay pinuntahan ko kaagad. Nung nakita ko kayo sa squatter area ay gustong-gusto ko kayong lapitan at yakapin. Pero alam kong magugulat at magtataka kayo kung sino ako dahil nga iba na ang mukha ko. Alam ko ding magagalit kayo"

"Kaya nga naghanap agad ako ng paraan. Pinadalhan ko kayo ng groceries kada linggo. Kailangang updated ako sa inyong dalawa hanggang sa nalaman ko ngang kinuha ka anak Cris bilang modelo. Kaya humingi ako ng tulong kay... Mhearl"

Medyo nagulat ako sa huling sinabi niya 'Kay Earl? Alam niya dati pa na buhay ang mama ko?'

"Humingi ako ng tulong sa kaniya. Gusto kong maranasan niyo naman ang tumira sa isang tahimik at magandang lugar. Hindi katulad nung tinirhan niyo dati na mainit at magulo. Ako ang nagbayad sa lahat-lahat"

"Kahit gaano pa kalaki ang ginastos niyo, hindi yun matutumbasan sa pang-iiwan sa amin, lalo na kay papa, sobrang naawa ako sa kaniya. Tsaka base po sa kuwento niyo, kung tinanggap nga niya ang alok na malaking pera nung kabit mo, eh bakit kami naghihirap? Naalala ko nga noon, gabi-gabi siya umiiyak" sabay punas ng luhang sambit ko

"Tinanggap niya! Nakakasigurado ako diyan!"

"Gaano po?" Natigilan naman ito.

Wala siyang naisagot kaya tumayo ako "Opo. Alam kong sobrang nag-suffer kayo sa nangyari sa inyo noon. Pero pinakanag-suffer si papa. Hindi nga siya humanap ng ibang babae dahil ikaw lang ang mahal na mahal niya. Pasensiya na po kayo, hindi ko po kayo mapapatawad. Kay papa ako kakampi" sambit ko at iniwan na sila.

"KUYAA!!!"

"ANAK KOO!!"

Hindi ko na pa ito nilingon at mas binilisan pa ang paglakad.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon