CHAPTER 7

1 0 0
                                    


________________________________
—CRISTOPHER ENRILE—

Isang araw na ang nakalipas mula nung audition. Pero hanggang ngayon ay wala pa ding tumatawag sa akin.

Nagluluto pala ako ngayon. Naisipan ko kasi kanina na magluto na lang dahil tutal ay wala naman akong ibang ginagawa. Ay actually pala ay tapos na akong magluto at inililipat ko na ito ngayon sa pinggan. Tapos ay inilagay sa mesa.

Tiningnan ko ang wall clock '6 pm na? Pero bakit hindi ba din nakauwi si Niel? Asan na naman kaya ang lalaking yun?'

Kukunin ko na sana ang phone ko para tawagan siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa siya. Medyo nagulat pa nga siya nung nakita niya ako.

"Kuya, nakauwi ka na pala" sabi niya sabay takip sa kaliwang mukha niya gamit ang polo.

Nilapitan ko ito "Anong nangyari diyan ah?" Tanong ko at kukunin na sana ang polo ng lumayo ito.

"Ah... Wala lang kuya!"

"Wala? Pero bat mo tinatakpan? Alam mo naman Niel ang pinakaayaw ko sa lahat diba? Kaya magsabi ka ng totoo" sabi ko

Yumuko ito at unti-unti niyang tinanggal ang polo niya. At laking gulat ko na lang at taka ng makita ito.

"Anong nangyari diyan? Bakit may pasa ka ah?!" Di ko na mapigilang di siya taasan ng boses

"A kasi kuya...."

"ANO?! Nakipag-away ka na naman?!!? Ilang beses ko bang sabihin sayo Niel na layuan mo na ang mga away na yan! Mapapahamak ka lang nyan!" Alalang sambit ko

"Sinubukan kong layuan kuya pero sila ang nanguna. Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko" aniya

Napahawak na lamang ako sa ulo ko at pinakalma ang aking sarili

"Pasalamat ka dahil kapatid kita! At pasalamat ka dahil wala kayong pasok bukas dahil sabado!"

"Kuya sorry na plss?" Nag-pout pa ito sabay hawak sa kamay ko

"Naka-pout ka pa e may pasa ka!"

Nagpatuloy pa din ito. Hindi ko din naman matitiis ang kapatid ko.

"O sige na nga! Basta ipangako mo sa akin na hindi na yan mauulit!"

"PRAMISS KUYA!" Nakangiti pa niyang sambit

"Bibili muna ako ng yelo para diyan sa pasa mo"

Aalis na sana ako ng pinigilan niya ako

"Ako nang bibili kuya" aniya

"Lalabas ka ng ganyan ang mukha mo?!" Sabi ko

Hindi naman siya sumagot kaya lumabas na ako

(~SA TINDAHAN~)

Malapit na ako sa tindahan at nakita ko na nga sila Agus at Rica na nakatambay sa tindahan. Hehehe. Bukod sa magkatrabaho kami e magkaka-kapitbahay pa kami noh?

"Whazzup Cris!" Masigla at nakangiti agad na bati ni Agustin.

"Anong bibilhin mo Cris?" Tanong ni Rica. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na sila pala ang may-ari ng tindahan na ito.

"Bibili lang ng dalawang yelo. May sugat at pasa na naman kasi si Niel" sambit ko sabay upo sa tabi ni Rica.

"BUNNSSOO!!! YELLOO DALAWAA!!" Sigaw niya dun sa loob

Medyo lumapit naman si Agus "Cris, parang kada linggo na yan ah? Hindi ka ba nagdududa sa kapatid mo?"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya "Anong ibig mong sabihin?"

"Like... May masama siyang ginagawa. O di kaya'y kasali siya sa gang ng paaralan nila. Uso na yan ngayon Cris!"

"Oo nga Cris. Tama si Agus. Sa panahon ngayon ay may nagsi-siga-sigaan na. Gaya lang netong lugar natin"

Ilang segundo ang dumaan bago ako nakasagot "Alam ko naman kung nagsisinungaling si Niel sa akin. Kilala ko siya dahil kapatid ko siya. At pinagkakatiwalaan ko siya. Buong-buo yun"

"Ikaw bahala Cris. Basta sinabihan ka namin" sabi ni Agus

"Huwag kayong mag-alala. Kung may bakante akong oras ay bibisitahin ko ang paaralan niya" wika ko sabay tayo na dahil dumating na yung binili ko

"Yelo mo Cris o!"

"Salamat Rica"

Kinuha ko na sa kaniya ang yelo at nagbayad

"Mauuna na ako sa inyo ah?! At umuwi na din kayo!"

"Pagkatapos neto Cris!"

Iniwan ko na sila at naglakad na papuntang nahay

"Rica! May ipapakilala pala ako sayo!"

________________________________
—MHEARL POV—

Nanonood ako ngayon ng audition videos ng walong kalalakihang napili ko. Yes guys, may napili na ako at ngayon ay kailangan ko nang pumili ng isa.

Kay Cristopher Enrile na ang next na video na papanoorin ko.

Ipinlay ko na ito nang maalala ko ang nangyari kanina

***FLASHBACK***

Pagkapasok nung next auditionee ay biglang kumaba ang damdamin ko. Dito ko napagtantong ito yung lalaking nakabanggaan ko kanina. Sa malapit sa may elevator.

Habang may itinatanong si Ross sa kaniya ay napatitig na lamang ako sa mukha niya. He has a dimple. Clearskin face at matangos na ilong.

Hindi ko alam kung bat nararamdaman ko ito ngayon. Yung feeling btaw na ang laki ng impact sayo sa isang tao kahit bago mo lang nakilala.

"Sorry for asking. Sinigurado ko lang naman na ang aking future model ay walang anumang issue para hindi makasira sa negosyo ko" sambit ko at saglit naman nila akong tiningnan

"And now can you walk like a real model? Isipin mo na lang na nasa isang sikat na fashion ka at maraming tao" ako pa din

"Sige po"

Pumwesto naman ito sa mini stage. Tapos ay nagsimula nang ipatugtog ang musika.

Habang naglalakad siya ay sinuri ko talaga siya. Mula ulo hanggang paa. Napahinto ako sa pagtingin sa kalagitnaan niya. I think he has a long.....

Weyt weyt weyt... Manyak na yun. Tigil na Earl.

"Uy Earl! Some peps, all peps pala ay agree. Bagay na bagay sa kaniya ang pagiging isang modelo. Ililista ko na ba siya?" Biglaang salita ni Elaine dahilan din ng pagtingin ko sa kaniya.

"Sige sige. Ilista mo na" sabi ko na agad naman niyang sinunod

Napatingin ako sa right side ko dahil biglang may sumiko sa akin.

"Uy ikaw Earl ah? Nakita ko kanina kung paano ka makatitig sa lalaking yan. May something ba sa inyong dalawa? O di kaya'y nagugustuhan mo na siya" mapang-asar na sambit ni Ross

"Ikaw ah?! Kung ano na lang ang mga kalokohan ang nasa isip mo! Walang meaning ang titig na yun! Kilala mo naman ako diba? Ganun lang talaga ako tumitig sa mga taong di ko kilala"

"Aysus! Idedeny pa e!"

***END OF FLASHBACK***

Napatawa na lamang ako ng konti nung maalala yun. Konti lang ah?

"Uy! Nakita namin yung ngiti na yun!"

Mabilis kong napindot ang pause button at tiningnan kong sino yung nagsalita. Yung dalawa ko lang palang kaibigan, at may dala pa silang pagkain.

"Huh? Anong ngiti?"

"Idedeny naman oh! Ikaw na ata si Mr. Denying of the world!" Sambit ni Ross sabay upo.

"Tumahimik nga kayo. Alam niyo, kumain na lang tayo dahil kanina pa ako nagugutom"

Kinuha ko naman yung isang lunch box. Pero teka, di na lunch ngayon. So anong tawag dito? Dinner box? Alam niyo ba? Kasi ako hindi kaya nga nagtanong. Tsk.

"Himala Earl ah? For 2 months mula nung ngumiti ka. Ngayon lang ulit kita nakitaang ngumiti" ani Elaine

"Huwag mo nga akong pakialaman! Hindi nga kita pinakialaman na kanina ka pang umaga ngiting-ngiti ah?" Singhal ko dto

"Uy totoo? Wala kasi ako kanina. Bakit ba Elaine?" Napatigil pa sa pagkain si Ross

"E kasi.." Hindi niya naituloy dahil sa kakiligan. Napatingin na lang kami ni Ross sa kaniya na nagtataka.

"E kasi guys... Nahanap ko na ang facebook ni Zep"

"Yun lang? Kikiligin ka na kaagad?" Tanong ko

"Hindi yun lang. Nag-chat pa siya sa akin at nagtanong na kumusta na raw ba ako, kumain na ba ako, at tinawag pa niya akong MBL. My Beautiful Lady. Kyaaahhhh!!!! Sino bang hindi kikiligin nun?" Aniya na kung makaasta'y hihimatayin na sa kilig.

"Ewan ko sayo!"

Bumalik na kami ni Ross sa pagkain. Habang itong si Elaine ay kilig na kilig pa din. Ilang sandali lang ay tumunog ang phone niya at napasigaw pa ito na masisira na talaga ang aming eardrums.

"KYAAAAHHH! Si zep ang tumatawag oh! Weyt lang ah? Sasagutin ko lang siya" sambit niy at umalis.

"Hayst! Iba talaga pag inlove. Hayaan na nga lang natin yun!" Ani Ross

"Oo nga e. Tama ka. Tapos kapag masasaktan, luluha naman"

Ilang segundong katahimikan...

"Musta na Earl? May napili ka na ba?" Tiningnan ko siya

"Meron na ata"

Yez. May napili na ako. At hulaan niyo na lang kung sino yun.

.

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon