CHAPTER 17

1 0 0
                                    


________________________________
—NATHANIEL POV—

Hindi ko na kaya ang aking mga salita kanina at ako'y napaiyak na lamang. Sobrang sakit lang kasi isipin yung mga panahong yun.

Pero dahil nasabi ko na kay Kuya ang lahat ng hinanakit na tinago ko ay parang gumaan yung pakiramdam ko. Pero may halo pa ding sakit e!

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni kuya habang patuloy pa din ako sa pag-iyak.

"I'm so sorry Niell!! Sana mapatawad mo si kuya!!  Hindi ko alam na yan pala ang naramdaman mo, wala akong alam! Sorry sa lahat-lahat Niel!... Hindi man lang kita naproteksyonan. Sorry kung nawalan ako ng oras sayo. Sorry sa mga panahong kailangan moko ngunit wala ako. Sorry sa lahat kapatid ko! Hindi ko nagampanan ang pagka-kuya ko sayo! Wala akong kwenta!"

Pinigilan kong huwag umiyak, tapos ay hinarap si kuya

"Kuya" ipinaupo ko siya sa tabi ko "Huwag mong sabihin yan kuya. May kwenta ka dahil ikaw ang natatangi at wala nang iba pang Kuya ko"

Nakahawak lang ako sa isang kamay niya

"Pareho tayong may kasalanan sa isa't-isa. Ako pala yung dahilan kung bakit naging ganiyan ka. Pinapatawad na kita Niel at sana, mapatawad mo din ako"

"Of course naman kuya. Papatawarin kita kasi ikaw ang kuya ko" wika ko

"Sorry kung nawalan ako ng oras sayo ah?! Alam mo namang may iniwang utang si papa sa atin. Sobrang napakalaki ng halagang yun at di pa tapos bayaran. Kaya ako na lang ang babayad"

"Naintindihan ko naman yun kuya. Pinapatawad na din kita"

Ang kaninang puro luhaan naming mukha ay ngayon ay napalitan na ng ngiti

Nagyakapan naman kaming dalawa pero mga ilang sandali lang.

_________________________________
—CHRISTOPHER POV—

Sa pagkayakap ko sa kapatid ko ay talagang bumalik na yung sigla ng puso ko gaya nung dati.

Ilang segundo lang din naman kaming nagyakapan.

"Kuya yung about pala kagabi. Kuya wala naman akong droga sa bulsa ko e! Hindi ako nagdru-drugs at never akong magdrugs!  Yung isa kong kaibigan, pagdating na pagdating talaga ng mga pulis ay siya din ang paglapit niya sa at bigla lang niyang inilagay ang drugs nga sa bulsa ko. Kukunin ko na sana ito at ibigay sa kaniya ng pinigilan ako ng mga pulis"

Taka lang ang emosyon ko sa mga sinambit niya.

"Sinabi ko naman ito sa kanila, ngunit hindi sila NANINIWALA!" Diniinan niya ang salitang yun sabay tingin sa mga pulis.

"Di bale na Niel. Maghahanap na lang ako ng paraan para makalaya ka dito. Kahit gaano pa kalaki ang babayarin, babayad ako. Gagawin ko ang lahat makalaya lang ang kapatid ko" saad ko

"Pero kuya–" pinutulan ko siya

"Don't worry Niel. Kaya na kaya ko ito. Ako pa ba? Ang tapang kaya ng kuya mo!  Sabi ko nga kanina, gagawin ko ang lahat kahit ano pa yan! Basta makalaya lang ang kapatid ko sa lugar na ito" aniko

"Kuya, puwede bang hayaan mokong magsalita?"

Napatahimik na lang ako

"Huwag mo na yung aalahanin kuya. Dahil sabi ni Gian, nakausap na niya yung mama niya, este mga magulang niya. Sila na daw ang bahala saming walang pambayad"

Lumapit siya medyo sa akin "Ganun sila kayaman kuya. Sobrang napakayaman nila Kuya. Kaya nilang pasundin ang isang tao gamit ang pera"

"Pero masama naman atang gawin yun sa ating kapwa" aniko

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon