CHAPTER 3

2 0 0
                                    


—MHEARL POV—

"Papa?" Agad naman itong pinuntahan ni Kuya Pat at nagmano.

Sumunod sa kaniya si ate. Tumayo na din ako at dahan-dahang naglakad papunta sa kinaroroonan nila.

Habang naglalakad ako ay isang galit na galit na mukha ni papa ang ipinakita niya directly sa akin. Mala-angry birds pa ang kilay neto.

"Magandang gabi po pa"

Kukunin ko na sana ang kamay niya paa magmano ng inilayo niya ito.

Tapos ay galit lang niya akong tiningnan at naglakad na papaitaas.

'Alam ko naman kung anong ibig sabihin ng tingin na yun'

"Earl sorry! Sa susunod pa talaga na araw uuwi si papa eh! Hindi ko alam kung bakit ngayon siya umuwi!"

"Kukunin ko na lang yung mga gamit sa kuwarto ko at aalis na din" saad ko

"Pero bunso! Gusto ka namin dito!"

"E yung isa? Gusto din ba ako dito? Diba hindi?" Tumahimik naman silang dalawa "kaya ang dapat kong gawin ay aalis na lang ako dito"

"Earl. Hayaan mong ihahatid kita" saad ni kuya

"O sige kuya. Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa itaas" sambit ko at naglakad na sa itaas

***FAST FORWARD***

"Salamat kuya Pat sa paghatid sa akin" sambit ko sabay harap sa kaniya

"Youre welcome Earl. Pero sorry talaga kanina ah?!"

"Kagaya nga ng sabi ko kanina. Ok lang, walang problema" saad ko sa kaniya at pilit na ngumiti "O siya kuya Pat! Papasok na ako. Mag-iingat ka sa pagmamaneho ah? Good night na din"

"As always Earl! Goodnight din!"

Nagngitian naman kaming dalawa hanggang sa makapasok na ako sa loob.

Pagkapasok ko sa aking condo ay napasandal na lang Ko sa may pinto. Tapos ay ipinikit ang mga mata at huminga ng maluwag. Pagkatapos ay naglakad na din ako.

Medyo may kalakihan ang condo ko. Kompleto lahat ng bagay at sakto lang sa akin.

Habang inilagay ko ang aking bag sa ibabaw ng kama ay napatingin ako sa picture namin ni papa na nasa gilid lang ng kama ko.

Kinuha ko ito at umupo sa ibabaw ng kama.

"Pa? Sana mapatawad mo na ako....umaasa pa din ako na... Isang araw araw ay mawawala na uang galit niyo sa akin. Gusto kong ibalik yung dati pa. Yung masaya labg tayo at nagtatawanan"

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko

***FAST FORWARD***

Tapos na akong mag half-bath. At ready na akong matulog. Sumampa muna ako sa kama at kinuha ang aking cp para mag-open sa fb

Pagka-open ko ay tumamabad sa akin ang sandamakmak na notifications, friend requests at messages. 1 month ko na kasing hindi na-o-open ang fb acc ko. Dahil nga sa kabusthan this last few days. At mas lalo pa akong magiging busy dahil 3 months na lang ay magaganap na ang matagal ko nang inaasam. Ang...... LA FASION SHOW

Kung saan nandyan ang lahat ng sikat at magagaling na designers ngayon. Pinaghandaan ko talaga ang event na yan. At hinding-hindi ako at kahir kailan ma'y magpapatalo.

Tumingin ulit ako sa phone ko dahil tumunog ito. Hudyat na may isang mensahe. Pagtingin ko dito ay si Elaine pala. Assistant ko na dati ko pang kaibigan.

[Earl, marami nang gustong mag-audition bukas] chat niya

Nireplayan ko namna kaagad [That's good. Huwag mo kalimutang maaga tayo bukas dahil marami pa tayong aasikasuhin]

[Yes Earl. Goodnight. Matutulog na ako]

[night din]

Pinatay ko na ang phone ko.

Oo, kukuha na ako ng bagong modelo dahil yung dati kong modelo ay.... Hayst! Huwag na nga lang!

Ang gusto ko sa isang modelo ko ay, yung bata pa.  Medyo magka-same labg kamo ng age. Syempre sa isang modelo ay dapat na matangkad. At bukod sa kagwapuhan niya ay...may mabuti din siyang puso.

***KINABUKASAN***

Medyo late na akong nakarating dito. Ibang place kasi gaganapin yung audition.

Habang nagmamadali pa akong naglakad papunta sa elevator at habang dala-dala ko pa ang isang folder kung saan ay nandito lahat ang mga ginuhit kong damit ay sa kamalasan ng buhay ay biglang nagka-crossed yubg lakad ko. Kaya ayun! Na-out of balance ako at yung mga papel ay nalaglag.

Dali-dali naman akong tumayo. Kakahiya naman kasi kapag may nakakita.

Pinulot ko ang lahat ng bondpapers ng namalayan kong hindi lang pala ako ang nagpupulot. May isang lalaking tumulong sa akin. Kung isa siya sa empleyado ng building na ito ay nalaman ko na! Pero hindi eh! Bago lang ito sa mga mata ko.

Ng bumalik na ako sa aking katinuan ay nagpatuloy na ako sa aking ginagawa. Hanggang sa natapos na ang lahat.

"Ang ganda ng mga designs mo ah?" Aniya. Kinuha ko na lang yung dapat kong kunin

"Salamat" sambit kp sa mukhang emotionless.

"Weyt weyt weyt! Namumukhaan kita! Ikaw yung sikat na designer diba?! Si Mhearl Balmonte? Ako pala si—"

Hindi ko na siya pinatapos "Sorry. But I need to go"

Hindi ko na siya pinansin at nilagpasan na siya. Malapit na malapit din naman ako sa elevator

"Wait Mr. Bal—" hindi ko na napakinggan ang sumunod niyang sinabi dahil tuluyan na akong nakapasok sa elevator.

'Kailangan ko talaga kasing magmadali! Wala akong panahon para makipag-usap. Minsan, kumakausap naman talaga ako ng ibang tao kapag nasa good mood ako. Sadyang kailangan ko lang talagang magmadali ngayon! Sorry na lang sa lalaking yun. Ano nga ulit ang pangalan niya? Ah basta! Kailangan ko nang magmadali!'

....

...

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon