CHAPTER 9

1 0 0
                                    


______________________________
—AGUSTIN POV—

"Congratulations Cris!" Masiglang sambit ko habang siya'y kakarating lang niya dito sa cubicle niya. Hinintay ko talaga siya e.

"Salamat tol!" Aniya at sabay nag-apir kaming dalawa. Bigla namang sumulpot itong si Rica.

"Congratulations din sayo Cris!"

"Salamat Rica"

"Ano Cris? May celebration?" Seryosong sambit ko pero biro lang yun Hahah

"HAHAHA. Gago. Anong seleb-selebrasyon ka diyan?! Naka-budjet na ang pera ko. Huwag kang mag-alala. Sa susunod na lang"

"Talaga?! YEHEEYY!!!"

Napatawa na lamang ako sa sarili ko. Para akong bata HAHAHA. Napatawa na lang din yung dalawa.

Napa-alarma na lang kaming tatlo ng biglang may tumikhim

*tikhim*

"Uy si Sir!"

"Si Sir guys! Tumayo kayo!"

Medyo nagulat pa ako at dali-dali agad kaming tatlo bumalik sa sariling cubicle namin.

"Attention everyone. Nandito ako ngayon dahil ipinapakilala ko sa inyo ang aking ikalawang anak. Si Patrick Balmonte" sabi niya

Tiningnan ko naman yung kasama niya, este yung anak niya. Sobrang seryoso itong tumingin sa aming lahat. Habang nasa bulsa ang mga kamay at nakasuot siya ng black na tuxedo na bagay na bagay sa kaniya

"Siya ang magiging bagong CEO ng kompanyang ito. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"SIR YES SIR!" sabay-sabay naming sambit

"Sige. Bumalik na kayo sa mga trabaho niyo" Umupo naman kami kaagad

Tapos ay nakita kong umalis na yung mag-ama. Kaya nakapagdesisyon akong pumunta muna sa dalawa gamit itong swivel chair

"HOY HOY HOY! Anong tingin niyo dun sa anak ni Mr. Balmonte?" Tanong ko kaagad nung makarating ako sa kanila

"Medyo may pagkamasungit siya" sagot ni Cris sabay harap sa akin

"Uy ikaw Cris! Di naman! Napaka cute nga niya e at ang gwapooo!!" Binulong lang ni Rica yung last na sinabi niya, baka kasi may makarinig

"Crush mo agad siya noh? Ganyan ka talagang babae ka. Pero bakit si Ash? Bakit di mo agad siya matawag na krass? Gwapo din naman yun" aniko

"Puwede bang huwag mong idamay sa ating usapan ang pangalan ng lalaking yun?! Nakaka bwesit talaga kapag marinig ko ang pangalan niya! Tsk!"

"Teka teka, mukhang di ko alam toh. Magkakilala na kayo ni Ash?" Tanong ni Cris kay Rica pero hindi niya ito pinansin

"Kakasabi lang na huwag niyong banggitin ang pangalan na yun!" Galit na talaga siya. HAHHAHAHA

"Hoy hoy Rica! Sabi-sabi ng iba diba na..."

"KAPAG NAGALIT AY TOTOO. KAPAG TUMAWA AY MAY GUSTO!" Nagduet pa kaming dalawa ni Cris at sabay na napatawa. Hahahahah

"Tumigil na nga kayo! Di ko siya gusto okay?! Napakakulit kasi niyang lalaki! Nakakainis!" Inis na inis na talaga kay Ash HAHHAHA

"Mabuti ka nga dahil may nangungulit sayo. Ako wala. huhuhuhu" may kunwari pang paiyak-iyak ako

"Makakahanap ka din nyan tol"

Tumingin ulit ako kay Cris " HAHAHHAHA" at sabay kaming napatawa

"Ehem! Tapos na kayo?" Gulat kaming napatingin dun sa nagsalita

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon