CHAPTER 16

1 0 0
                                    


________________________________
—ASH POV—

Nandito ako ngayon sa aking kuwarto. Habang tinitingnan sa phone ko ang napakagandang picture ni Rica. Ang totoo nyan, ang dami kong na-save na picture niya. Halos mapuno na ang storage ko. Hehehe ganyan talaga.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napalingon dun sa pinapanood kong BRIDE FOR RENT nina Kim Chiu at Xian Lim. Kusa lang gumalaw ang ulo ko papunta dun.

"When I first see Pia, I knew, she's the one"

[AUTHOR'S NOTE: DI KO MASYADO ALAM KUNG YAN BA TALAGA YAN. BAHALA NA KAYONG UMINTIND]

Napangiti ako.

Tama! Nung una kong makita si Rica ay nagkasundo na agad yung isip at puso ko. At sinabi ko sa aking sarili nung panahong yun, "She's the one. Seseryosohin ko na ang babaeng ito at hindi ko na lolokohin"

Hindi ipinakita ng author niyo ang una naming pagkikita noh? Bleeee!!! HAHAHHAHA

Pero yung ngiti ko kanina ay napalitan ng isang malungkot na mukha. Bigla ko kasing naalala ang sinabi ni Rica nung nag-usap kami.

****FLASHBACK*****

"Nakalimutan mo na si Rey diba?" Tanong ko dahilan ng pagtingin niya sa akin at ilang segundo ang dumaan bago siya nakasagot

"Ash kasi... First love ko siya. Kaya ang hirap kalimutan"

Napatango-tango na lamang ako "Sabi nila diba, first love never dies... Naka-move-on ka naman sa kaniya diba?"

Malungkot pa din ang mukha niyang nakatingin sa akin "Im sorry Ash. I think hindi pa. Hindi pa din kasi umabot ng isang taon ang hiwalayan namin e!"

Napangiti na lamang ako ng mapait "Okay lang"

****END OF FLASHBACK*****

Ngayon lang ako nagseryoso pero, ba't nangyayari sakin 'toh? Karma ko na ba ito? Ang dami ko nang napaiyak na babae at ako naman ngayon ang iiyak.

I think nga, mahal pa ni Rica yung ex niya. Mahal pa niya si Rey.

"Anak?!"

Napalingon ako saking likod. Si Dad nga.

"Dad? Ang aga niyo atang nakauwi? At bakit po kayo hindi kumatok bago pumasok??"

"Sorry anak. Bukas kasi yung pinto" umupo ito at tumabi sa akin

"Ang aga niyo ata dad? Si mom po? Magkasama kayong umuwi?"

"Ah oo. Inasikaso niya si R. Dito na kasi si R satin titira"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya "Po?? Sinong R??"

"Hayst. Siya yung lalaking sinasabi ko sayo last week pa na titira sa atin. Anak siya ng auntie mo. Malapit lang din kasi dito yung trinatrabahuan niya"

"Anak po siya ni Auntie? Auntie Elsa? Bakit hindi ko siya ni isang beses man lang nakilala?"

"Kaya ngayon, makilala mo na siya"

Iba ang kutob ko sa R na ito. At di ko alam bakit ganito.

Napalingon ulit ako kay Dad dahil kinuha niya ang phone ko.

"Maganda siya anak. Nagmana ka talaga sa akin, magandang magpili pagdating sa mga babae" kinuha ko sa kaniya ang phone ko.

"Nagmana talaga ako sayo Dad. So, babaero po kayo noon?"

"Uhm yes. Pero noon yun anak. Nung panahon pa nung kabataan namin. Pero nung makilala ko ang mama mo? Doon na ako nagsimulang magbago. Hanggang sa nagbago na talaga ako. People change anak. Kaya ikaw ha? Magbabago ka na para sa babaeng yan"

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon