CHAPTER 32: CONGRATS CRIS

1 0 0
                                    


____________________________
—AUTHOR'S POV—

There are 10 designers, at grabe naman nagpasiklab ang bawat pambato nila. Ang kaniya-kaniyang bawat modelo. Kapwa mahuhusay at magagaling. Halatang walang magpapatalo

____________________________
—CHRISTOPHER POV—

"From KleinShire"

Lumabas na din ako. Suot itong magandang damit na walang ibang nagdesinyo kundi si Earl.

Naglakad ako gaya nung itinuro nila sakin noon. Syempre nakaramdam ako ng kaba dahil first time ko lamang ito. Tapos ay ang dami pang taong nakatingin.

Nandito yung mga CEO ng iba't ibang kompanya. Andami ding photographers, mga camera, live ito ngayon sa tv guys.

Pagkarating ko sa harap ay isang pose agad ang ipinakita ko, talikod, at naglakad pabalik

____________________________
—MHEARL POV—

Nakita ko namang ngumiti-ngiti ang lahat kaya napangiti na din ako. Ibig sabihin nun kasi, nagandahan sila sa gawa ko.

Naramdaman ko naman ang paghaplos sa may likuran ko kaya tiningnan ko siya. Si Sashi, nakangiti siya sa akin at pumalakpak pa siya ng mahina kaya ningitian ko na lang din siya at medyo napatawa pa.

Sumenyas naman sakin si bakla na pupunta siya sa backstage para aasikasuhin si Cris kaya nagsabi na lamang akong "Salamat" pagkatapos ay umalis siya.

Kung nagtataka kayo, kung bakit hindi ako ang nag-asikaso kay Cris? Kasi kaming mga designers, ay bawal paalisin sa pwesto kung nasaan kami ngayon.

Napalingon naman ako sa katabi ko na nasa kaliwang bahagi. Kanina pa ito patingin-tingin sa akin. Si impakta lang naman este si Agatha pala. Tinarayan ako neto kaya tinarayan ko din ito.

'Para malaman niyang marunong din ako noh! Tse!'

Pero mas nabaling ang atensyon ko sa lalaking katabi niya. It's Blake, my ex boyfriend. Nakatingin ito sa akin kaya agad kong iniwas ang tingin ko at ibinalik sa harapan.

Pinakalma ko ang puso ko dahil ang lakas ng kabog neto. Hindi ko alam kung bakit.

Tiningnan ko ito ulit at pagtingin ko ay nakatitig din pa pala ito sa akin. Kaya wala pang ni isang segundong iniwas ko ang tingin ko.

____________________________
—ROSS POV—

Mahigit isang buwan na nga ang nakalipas pero hindi pa din kami nagkaayos ni Elaine.

Mula dito sa kinatatayuan ko ngayon sa may backstage ay kitang-kita ko sila ng Zep niya. Sobrang sweet at parang walang pake sa paligid.

Bigla na lamang akong nalungkot ng makita ang masaya at nakangiting mukha ni Elaine. Sobrang saya talaga niya kapag kasama ang Zep na yan.

"I wish I was him" tanging naibulong ko.

'Pero parang kasalanan ko naman ata noh? Sana noon ko pa sinabi kay Elaine na gusto ko siya. At handa akong ipakita sa kaniya ang pagmamahal na yun kahit mahirap lang kami. Gagawin ko ang lahat-lahat para sa kaniya. Pero hanggang salita lang ako. Oo, aaminin ko. Isa akong duwag na lalaki'

"Bakit malungkot ang Ross ko?" Galit kong tiningnan ang sumulpot at inakbayan pa talaga ako sa gago.

"Ikaw na naman?! Nandito ka na naman?! Anong ginagawa mo dito?!" Masungit kong saad sabay tanggal sa kamay niya.

"Kahit kailan talaga ng sungit ng bebe ko" Ginulo pa neto ang buhok ko na agad ko namang inalis ang kamay niya.

"Anong pinagsasabi mo?! Hindi ka ba nandidiri sa sinabi mo?!! Ta's tumahimik ka nga! Pareho tayong lalaki tol!–"

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon