CHAPTER 38: ALAM NA

1 0 0
                                    


___________________________
—AGUSTIN POV—

"BYE! INGAT KAYO!" Nakangiti kong saad at kumaway pa sa kanila, mga ka-trabaho ko lang. Tapos ay humarurot na ang taxi'ng sinasakyan nila.

"Hays! Malalim na ang gabi. Sana'y may masasakyan pa ako ngayon"

Kinapa-kapa ko ang lahat ng bulsa ko para hanapin ang phone ko ng mapagtanto kong naiwan ko pala ito sa cubicle ko.

"Hays kainis! Kailangan kong bumalik"

Pinakalma ko si self. Huwag ma-high blood, nakakabawas kapogian HAHAHA just kidding.

Dahil sa naisip ko ay ngiting-ngiti akong naglakad ng biglang napahinto ako at nagbago ang emosyon dahil nakita kong papalabas ng building na ito si Boss Pat.

Ang mga kamay niya ay nasa bawat niyang bulsa at yung mukha naman niya ay isang dark awra. Ito na siguro yung time para makausap ko siya, magka-usapan kami.

"Hoy Pat!"

Huminto ito at nilingon ako na ganun pa din ang kaniyang awra.

"How dare you to not call me boss?" Nakakatakot ang boses niya, lalo pa itong lumamig na hindi ko maintindihan.

"Sorry po boss Pat" Napalunok ako, mas lalo itong lumapit sa akin.

'Akala ko ba okay lang sa kaniya na di ko siya tatawaginh boss? Nagbago na talaga siya, na di ko alam kung bakit'

"Get out of my way! Stupid"

Nilagpasan niya ako. Nilingon ko ulit ito at tinawag ang kaniyang pangalan.

"Boss Pat gusto lang naman kitang maka-usap! Bakit ka ba nagbago ha?! Hindi mo ako pinapansin! Kung dati rati'y palagi tayong nagsasama pero bakit ngayon hindi na?!!" Maluha-luha kong sambit, hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa hindi niya pagpansin sakin.

Huminto ulit ito at binalingan ako ng tingin

"I don't need to answer that nonsense questions! Good bye!" At tuluyan na niya akong iniwan.

Pagkaalis niya ay nagsilabasan naman ang mga luha ko na agad kong pinunasan. Nakaka-bakla lang.

___________________________
—ASHTER POV—

Hey guys?! How are you? Kami ni bebe luvs ko super okay lang. Stay strong pa rin ang relationship namin.

"Ash ikaw pala yan! Pasok ka"

"Hi babe" Humalik ako sa pisngi niya "Kamusta ka na? Magaling ka na ba?"

"Medyo na"

"Ito pagkain oh! Kumain ka. Para kasing pumapayat ka eh" saad ko at inilapag ang pagkain dito sa lamesita nila.

"Thanks babe. Pero mamaya pa 'ko kakain. Medyo busog pa kasi ako.. Btaw bakit ka pala nandito? Hindi ka ba busy sa business niyo?"

Ipinaupo ko siya sa lap ko na agad niyang sinunod "Diba may sakit ka? Kaya gusto kong alagaan kita"

Nakita ko naman ang pagpula ng kaniyang pisngi

"Sira! Okay na ako!"

"Don't lie to me. Tingnan mo oh mainit ka pa!" Sabay check ko sa noo at leeg niya. "Ininom mo na ba ang gamot mo?"

"Oo. Mamaya na lang ulit, huwag kang mag-alala"

"Tutal wala ka namang kasama ngayon, ako na lang. Aalagaan kita" nakangiting saad ko

"Huwag na babe! Kaya ko naman! Tsaka alam kong busy ka–" pinigilan ko ang bibig niya.

"Mas importante ka okay? Tsaka, nandun naman si dad. Siya na ang bahala dun. At tsaka, baka mapano ka. Alam mo namang ayokong mawala ka"

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon