CHAPTER 29: TAMPO SI EARL

1 0 0
                                    

____________________________
—SASHI POV—

"O bakla, you're here, where's Cris?" Tanong ko kaagad sa kaniya nung makarating ito sa bar.

Tiningnan naman niya ako ng masama "Ewan ko sa lalaking yun" aniya at nilagpasan na ako

'Bad mood ata? Kanina lang nagtatawanan kami ah? Anyari dun?'

Sinundan ko siya. Umupo ito doon sa counter at nag-order ng beer? Wait... I thought hindi siya umiinom? Since talaga noon kasi, kapag nagpaparty or there an any ocasion, di yan umiinom yang baklang yan!  Kaya I'm sure he este she have a problem with Cris.

"Bakla!" Tumabi ako sa kaniya "May nangyari ba sa iyo/inyo ni Cris? Lulubog na ba ang bagong ship kong Cris Earl?" Pang-aasar ko pa dito.

Tumigil siya sa kakainom at sa pangangalawang pagkakataon ay tiningnan niya ako ng masama.

"Plss lang, huwag kang maging marites"

"Gusto ko lang malaman eh!" Nakasimangot kong sagot ngunit hindi niya ito pinansin

"Hey baby! Come over here!" Napalingon naman ako sa napakagwapo kong boyfriend, tumayo na lamang ako at nilapitan siya.

____________________________
—CRISTOPHER POV—

Natagalan akong pumunta dito sa bar dahil hindi ko akalaing makikita ko si Rica kaya nagkwentuhan kami saglit. Tutal hindi ko na siya nakikita.

Madalas na kasi akong pumapasok sa trabaho ko kaya kailangan kong bumawi next week. Baka tanggalin nila ako sa kompanya na ayokong mangyari.

Kaya ayun, nagkwentuhan kami at nabanggit niyang sila na pala ni Ash kaya niyakap ko ito at sinabing 'Congrats'. Tama nga ako. Balang araw makukuha din ni Ash ang puso niya. At nangyari na nga hahaha.

Bumaba na ako sa taxi na sinasakyan ko tapos naglakad na papasok sa bar. Pagpasok ko naman ay ingay agad ang bumungad sa akin. Bar e, kaya maingay.

"Cris?" Napalingon ako sa left side ko dahil may tumawag sa pangalan ko

"Agus? Nandito ka rin?" Oo, ang mokong nga.

"Hindi Cris, kaluluwa ko lang ito. Yung katawan ko nasa bahay at natutulog" mokong talaga

"Kahit kailan talaga di ka matinong kausap. Diyan ka na nga! Hahanap na lamang ako ng ibang makakausap" akmang tatalikuran ko na sana siya ng hinila niya ako pabalik

"Ito naman! Jowk lang! HAHHAHA" At tumawa pa talaga. Nagtatanong ako ng maayos eh.

May umagaw naman sa atensyon ko at agad ko itong nilapitan. Si Earl lang naman ang nakita ko. Mag-isa lang ito habang painom-inom ng beer.

"Uy Earl!" Tawag ko sa kaniya sabay upo sa upuan na nasa gilid lang niya.

Huminto ito sa pag-iinom pero hindi pa din ako tinitingnan tapos ay balik ulit siya sa kakainom. Para bang hindi niya ako nakita nor hindi niya narinig ang boses ko.

"Uy Earl! Pansinin mo naman ako!" Tawag ko ulit dito pero same pa din

'Anong nangyari? Iniiwasan ba niya ako? Pero bakit? Paano?'

"CRIS! HALIKA DITO!" Boses yun ni Sashi, kasama niya ang iba.

Tumayo na lang ako, iniwan si Earl at nagtungo sa kanila.

"Sashi, anong nangyari dun?" Tanong ko kaagad at umupo sa tabi ni Ross.

"Hindi din namin alam Cris. Pagkarating niya kanina ay ganyan agad yan. Bad mood ang peg" aniya

"You should Cris. Maybe, he wants space lang. Hayaan muna natin siya" saad ni Levi na sinang-ayonan naming lahat.

****FAST FORWARD****

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon