CHAPTER 31: FASION PROBLEM

1 0 0
                                    


____________________________
—CRISTOPHER POV—

**1 MONTH AND 2 WEEKS LATER**

It's been 2 months na simula nung pangyayaring yun. Grabe maka fastforward author niyo haha. Sayang ang daming nangyari sa mga araw na yun.

Sa loob ng dalawang buwan ay ipinatigil muna ako nila Sashi at Earl sa call center. Ang dami nilang prinaktis sakin eh! From walking, kung paano magsalita at iba-iba pa. Tapos ay naggy-gym na din ako paminsan-minsan at ang kasama ko ay si Levi.

"Malapit na tayong matapos Cris" wika ni Sashi. Nagmama-make up siya sakin ngayon. Kasi this is the day. The La Fashion Show Day.

Tiningnan ko naman ang mukha ko sa salamin na nasa harap ko. Ang galing ni Sashi mag make-up guys. Binagay niya sa akin yung fundation (di ko alam spelling) na ginamit niya.

Actually parang wala nga eh kung tingnan mo. Sabagay, ganito naman talaga ang make-up ng mga lalaki diba?

"Ang galing mo Sashi. Salamat" bati ko dito

"You're welcome"

Kitang-kita ko naman mula sa salamin ang pagdating ni Earl at halatang medyo stressed na ang mukha neto.

"Naayos na  yung susuotin niya mamaya. Kumusta naman kayo dito?" Tanong niya pagkarating niya.

"We're okay naman" sagot ni Sashi habang patuloy sa pag-ayos ng mukha ko. "Yung kabila ata hindi! Tsk! So KSP!"

Agaw pansin naman ng paningin ko ang nasa gilid namin. Sabi ni Sashi kanina na kay Agatha ang mga ito. Kanina pa sila panay tingin sa amin lalo na sa akin.

"Earl kanina pa sila ganyan" parang batang nagsumbong ba yung sinabi ko?

"Tsk. Huwag niyo na lang pansinin sila. Focus na lang tayo satin"

Tama siya.

"Sige, maiwan ko na kayo. Bakla, ikaw munang bahala dto ha? Pagkatapos kong pupunta kay Ross ay pupunta na ako sa harap kasama ang kapwa nating designers. After 30 minutes magsisimula na kaya maghanda na rin kayo" sambit niya kay Sashi

"I understand bakla. Ganyan din ako noon kaya ikaw naman ang tutulungan ko ngayon"

"Maraming salamat"

"You're Welcome"

At umalis na nga si Earl.

____________________________
—AGATHA POV—

"Ginawa niyo na ang ipinapautos ko sa inyo?" Tanong ko dun sa dalawang tauhang inutusan ko.

"Yes po maam. Nagawa po namin ng maayos"

"Sure kayong maayos ha? Dahil ang laki pa naman ng ibinigay ko sa inyo!" Naka-crossed arm kong sambit.

"Opo maam. Sobrang maayos po. Mabuti nga dahil wala sila kanina dahil kumakain" sagot nung isa

"Good! Makakaalis na kayo!"

Pagkaalis nila ay syempre naiwan ako. Napangisi naman ako at nag-smirk habang naka-crossed arm pa din ang mga kamay.

'Tingnan lang natin KleinShire. Magwawagi pa ba kayo HHAHAHA */evil laugh. Panigurado akong ako ang mananalo sa taong 'toh! */evil laugh again' demonyong saad ng aking isipan.

Napagdesisyonan ko nang bumalik ng may isang tao palang nakikinig sa amin kanina.

"Blake?" He's my boyfriend, for 2 years.

"Ano namang kademonyohan ang pinaplano mo? Siguro sa KleinShire naman noh?! Ano ba Agatha!! Tumigil ka na!! Plss!!"

"Bakit naman ako titigi–" pinutulan niya ako

MAPAGLARONG TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon