WTSF-07

6.9K 81 34
                                    

"....The company is willing to consider your offer with the following conditions. One...May sakit ka ba?"

Natigil sa pagsusulat si Sam.

"That's your first condition? Ask the supplier kung may sakit siya?" tanong niya na hindi pa rin tumitingin sa amo. She's trying to figure out how the correspondence will look like with that wording.

"Look at me," utos ni Colin sa dalaga.

She looked at her boss.

"Ikaw ang tinutukoy ko. May sakit ka ba?" tanong nito sa kanya.

"Wala naman, bakit?"

"Matamlay ka. Hindi ako sanay."

Bumuntung-hininga siya.

"Manggagamot ka ba at binubughan mo ako? Hindi ako ang may sakit."

"Ewan ko sa 'yo!"

"Out with it!"

"What?"

"What's bothering you?"

"Wala."

"Is it still about your father? Sabi ko naman sa 'yo, dalhin mo na siya dito sa Manila para mas naaalagaan mo siya."

Sam did not correct Colin from guessing what's bothering her.

It's not her father. Okay na naman ito. Nung umuwi sila mula sa Singapore, tumuloy siya ng probinsya nila at kinausap ang ama ng masinsinan. Mukha namang nakinig ito sa kanya. Sinubukan niyang konsensyahin ito at kinagat naman ng daddy niya. At nagkasundo na rin silang mag-ama na hindi ito masyadong magpapagod. Tinakot niya kasi itong dadalhin sa Maynila para tumira sa kanya pero umayaw ito. Ayaw nitong iwan ang bahay o anumang makakapagpapa-alala sa mommy niya. Hindi rin kasi ito pumapalya sa pagdalaw sa puntod ng asawa at nung sinabi niyang dadalhin ito sa Maynila, ang lakas lang nang pagtanggi at nangakong susundin na mga bilin niya. Ito pa nga ang nag-remind kay Yani na huwag itong kakalimutang kulitin nang kulitin kapag nagiging matigas ang ulo.

There was something else that's bothering her.

Or rather, someone.

Si Prince Adam.

Totoo nga yatang naiwan na niya dito ang puso niya. Hindi na siya nakakatulog ng matino sa kakaisip dito. Parang si Maya kay Ser Chief. Paulit-ulit niyang pinapanood ang Beauty and the Beast at gustung-gusto niyang titigan ang mukha ni Beast. Nai-imagine niya ang mukha nang lalake kapag nakikita niya si Beast.

Puro love songs ang pinakikinggan niya at hinuhuni niya. Yun nga lang, mga kantang one-sided love affair ang tema. Mga tipong "Dreaming Of You" o di kaya "Million Miles Away" at "Sana'y Kapiling Ka". Lahat na yata, nakanta niya pero magigising at magigising siya kinabukasan, ang katotohanan ang bubulaga sa kanya. Imposibleng magkita silang muli ni Prince Adam dahil andito siya sa Pilipinas, nasa Singapore naman ito. At kung sakali mang nasa bansa din ito, imposible pa rin. Ano yun, iisa-isahin niya ang ninety million na Pilipino para makita ito, bukod pa yung mga OFW na nasa ibang bansa?

Huli na nang magbago ang isip niya na makipagkilala dito. Babalikan na sana niya ito nang nakita siya ni Colin at yayain pabalik sa loob. Tulungan daw siyang hanapin si Gerard Alonzo at mukhang tumakas na naman daw sa party ang amo nila.

Naghanap siya pero hindi si Gerard Alonzo ang hinanap niya. Malay ba niya sa hitsura nang amo niya? Hindi niya ito nakikilala at lalong hindi pa nakikita kaya paano niya ito mahahanap? Si Prince Adam ang pinag-aksayahan niyang hanapin sa loob ng party pero wala. Tama nga ang sinabi nitong hindi ito kasali dun. Either he was another guest of the hotel or empleyado ng hotel. Mas lamang ang una, dahil kahit casual lang ang suot nito, mukha pa rin itong mayaman sa paningin niya.

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon